Kabanata 16

20 1 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Ikaw Lang

Alam kong takot si Ian na magkahiwalay kami. Ang bilis rin naman kasi ng panahon, akala ko nga senior high school student pa ako pero hindi na pala. Magkausap si Mom and Ian, yun nga lang hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila kailangan kasi na iwan ko daw muna sila kaya ginawa ko.

Hapon na nang magkausap kami ni Ian sa cottage malapit sa pool ng bahay. Si Mom lang kasi ang nakauwi ng maaga at nasa trabaho pa si Dad. Marahan kaming naglalakad patungo sa cottage, magkahawak kamay at tahimik. Umupo kami at marahan niya akong tinitigan sa mga mata.




"Bakit?" paunang salita ko.




"Bukas makalawa ihahanda na ng mommy mo ang mga papilis mo para makapunta ka na ng New York." aniya.




"Ian? Ian pumayag ka?" tumingin ako sa kanya. Nagdesisyon sya habang hindi ako tinatanong? Talaga lang ha?



"Love, dadalawin kita. Magvivideo call tayo kakayanin natin. Papakasalan pa kita diba?"



"Ian ayaw ko! Bat ka ba nagdesisyon agad? Kakausapin ko nga si Dad diba? Alam mo naman iyon. Dibale kakausapin ko ulit si Mom." umayos ako ng upo.



"Alirah, makinig ka, kailangan mong magtiwala sa akin, magpapakasal pa tayo pagkatapos nating makapasa sa licensure exam at kapag nagawa na nating makapagtrabaho, hindi ba? Tatawagan naman kita palagi, love." kinukumbinsi niya ako pero ayaw ko talaga. Hindi ko alam kung may magbabago pag ginawa namin ito kaya ayaw kong tumaya e.




"Gusto mo bang umalis ako? Yon ba iyong gusto mo, Ian!" I was bursting out my anger pero pinilit na kalmado.




"Of course not. Pero ginagawa ko to para sayo, love. Kahit na masakit na maiiwan ako dito pipilitin kong maging okay dahil mahal kita at gusto ko kung ano ang makakabuti para sayo. Ang gusto ko lang na magwork tayo as one... ikaw at ako, love."




"Ewan ko sayo basta kakausapin ko si Mom and Dad, Ian."




"Love, please, makinig ka sa akin." Ian keep on insisting this stupid talks.



"Ian.. ayaw mo na ba sa akin? Makikipaghiwalay ka ba?" agap ko.




He laughed. I rolled my eyes because I think he's not making it serious. He's not serious and yet nakikita ko naman sa mata niya natatakot at malungkot siya.




"You were really mad at me, Alirah. Love, mali yang iniisip mo ha. Hindi ako nakikipaghiwalay, papakasalan pa nga kita diba?" he moved closer to me.




"Umuwi ka na muna. Ayaw kitang makausap." I was about to stand para maihatid siya sa labas pero parang pagsisisihan ko.




Tumayo na siya pero tumingin muna ako sa kanya. Ang totoo ayaw kong umalis siya. I have things to talk about. Pinapangunahan lang ako ng galit ko. When I look at him my eyes began teary. At kalaunan dahil hindi ko na kinaya humihikbi na ako. He was smirking a little pero andun pa rin ang lungkot.



"Pinapaalis mo ako pero ang totoo ayaw mo naman. Hindi ba, love?" aniya sabay yakap sa akin.





"Lalabas tayo bukas ng umaga. I did talk to your Mom. Pumayag naman siya, kasama mo ako e." pagmamayabang niya.




Hindi na ako nagsalita ng kahit ano kay Ian. Na sa cottage lang talaga kami. Nakasandal ako sa dibdib niya habang tahimik naman na kaming niraramdam ang malamig na hangin sa labas. Ayaw kong magsalita dahil parang talo namana talaga ako. Kung pag-aaralin nila ako sa New York wala na akong choice kundi ang pumayag. Pero si Ian... hindi ko alam. Kakayanin ko ba kung ano ang gagawin niya dito, na hindi kami magkakausap at hindi ko sya makakasama palagi.




"Love... I just need you to trust me, okay? Wala akong ibang iibigin kundi ikaw lang. Magiging engineer tayong dalawa hanggang sa mapakasalan kita." aniya. Nakikinig lang ako pero hindi na ako sumagot.



Tumingin si Ian sa akin at humarap na nga ako sa kanya ng tuluyan.





"Saang lupalop ka pa mahal ko... I will always chase you. I just need you to make sure that you will always take me. Kasi baka panghinaan ako. You are my weakness love... alam mo 'yan." sa walang banda tumulo na ang mga luha ko at hinalikan siya at agad na niyakap.




"Ayaw kong umalis." Ako habang pinupunasan ni Ian ang mga luha ko.




"Ayaw ko rin naman mahal ko... pero kailangan. Isa lang naman ang maipapangako ko sayo... wala akong ibang iibigan, tulad ng mga bituin na wala ng gustong makapiling kundi ang dilim. Kahit gaano pa kadilim yan mahal ko, ikaw ang magiging gabay ko para maging maganda ulit ang dilim ko." Ian's tears started to fall. Nasaktan ako ng sobra dahil sa sinabi niya. Nasaktan dahil sobrang naramdaman ko iyon.




"Paano kung umuulan? Hindi mo na ako makikita?"  Ako habang dumuko.




"Alam ko na mang nariyan ka lang. Cover by clouds because of its darkness na sobrang kulimlim talaga kaya kahit hindi man kita makita alam kong mananatili ka pa rin kung nasaan ka. Para mahanap kita. Hindi ba?" siya pero mas pinili kong manahimik at yakapin siya.





Unang una ayaw ko talagang magkahiwalay kami. Ian... was really special to me. Hindi ko alam pero siya ang una kong inibig at kahit kailan hindi ako nakaramdam ng anumang kabastos bastos sa kanya. When she asked me the time that he wanted to talk to Mom, parang sa umpisa pa lang na sabi ko ng napakabait niya, others might not want that kasi laro laro lang para sa kanila pero iba si Ian.



Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang manatili siya sa tabi ko at yakap ako. Gusto ko lang na kasama siya... gusto kong nariyan lang siya. Hindi ko man alam kung ano ang susunod na mangyayari pero mahal na mahal ko talaga siya. Wala akong gugutushin kung hindi man siya. Baliw na ata ako... sa pagmamahal niya.



Kaya... sobrang... natatakot talaga ako na mahiwalay sa kanya.




This story is not edited.Expect ungrammatical, typos and error words.

Miss_Staream

Chasing Soul (Aliser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon