Kabanata 12

34 9 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Mad

Galit ang mga mata ni Ian kung makatitig. Hindi ko alam na pupunta pala siya. Ang sabi niya kasi ay may emergency sa bahay nila tapos ngayon gulat akong parang prank lang pala ang lahat ng iyon. Ian was definitely mad at me. Alam kong kung may pagseselosan man siya ay si Steve iyon.



Matagal na nagkakatitigan kaming apat. Si Claire naman ay nakuha agad ang kahulugan ng katahimikan sa nangyari kaya agad niyang sinama si Steve sa kanya at nagpatiayud naman itong si Steve. Lumapit ako kay Ian na medyo galit talaga siya sa akin. He's mad. Halata sa pagiging cold niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya. Niyakap niya ako pero hindi ako nakatanggap ng halik sa pisngi mula sa kanya, siguro...dahil galit siya sa nakita niya. But it was just nothing. Nagpasalamat at nag-usap lang kami ni Steve. He misunderstood it for sure.


"Sabi mo hindi ka makakapunta. Tapos tinatawagan kita naka turn off naman phone mo." sa wakas may lumabas rin sa bibig ko para magkausap kami.



"Nakakaistorbo ba ako sa inyo? Uwi na lang ako." umaamba siyang aalis pero pinigilan ko.


"Mahal... hindi. Masaya ako... masayang masaya. Gusto ko kasama kita buong gabi ngayon." I kissed his cheeks kaya agad niya akong dinala sa isang maliit na cottage. Kaming dalawa lang dahil ang mga kaklase namin ay naliligo sa pool.



"Happy Birthday," aniya at hinalikan ako sa labi. Malalim iyon kaya nagulat ako. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng halik. Halik ng nagseselos? Because it was aggressive.



Bumitaw siya sa halik at nagsalita. "He kissed your cheeks but I kissed your lips, Alirah. Don't ever allow him to kiss you kahit sa pisngi pa." aniya na medyo galit pa rin sa akin.



"Galit ka ba o nagseselos?" agap ko.




"Parehos." tipid niyang sagot kaya napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.




"Unang halik ko iyon. Bawal pa sana pero nagawa mo na."





"Don't change the topic. Inimbitahan mo siya? Hindi ko man lang alam. O sinasadya mo dahil akala mo hindi ako makakarating. Alirah, don't give him hope." aniya




"Mahal... kaibigan ko siya. I do not give him hope pero kasi nag-uusap lang talaga kami kanina." pagpapaliwanag ko.






"Yeah, talking while he kiss your cheeks and hug you.''





"Mahal inabot niya lang rin gift niya sa akin. Alam mo hindi mo kailangan magselos... ikaw lang kaya.'' pinipilit ko syang kumbinsihin pero mahihirapan yata ako.



"Here's my gift. Your flowers too.'' aniya at inabot sa akin ang pagka ganda gandang bulaklak.



''Wow. Ganda nito, mahal ko." I kissed his lips. Just a peck.


Agad ko ring binuksan ang ibinigay niyang regalo kaya naman ng nakita kong may lalagyan itong maliit na box ay na excite akong buksan. When I opened it namangha ako sa ganda. It was a necklace. Nang tiningnan ko iyon napa luha pa ako... it was a gold plated engraved hearts with my initial name and his initials too with the infinity symbol above it.



Chasing Soul (Aliser Series 1)Where stories live. Discover now