Kabanata 15

41 7 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

New York

Mabilis ang takbo ng panahon, I graduated. Kami ni Ian. I was with him ng maisuot na sa kanya ang medalya. Mom was laughing at me.






"Kaya ka pala mas gumagaling sa calculus niyo no? Tutor mo si Ian?" aniya.






"Hindi kaya, Mom. Nag-aral lang talaga ako pero, oo, mas magaling siya sa calculus sa akin kaya nga Valedictorian siya dahil mas mataas grade niya sa akin sa subject na iyon, Mom." pag-amin ko.






"I am so proud of you, Alirah. Salutatorian ka rin naman ah. Ang galing mo kaya." Si Mama habang yakap ako. Papa wasn't able to attend kasi may ginagawang importante. Malungkot pero nauunawaan ko naman.




Natapos man ang graduation namin pero patuloy ang pictorial namin kaya naman nag-decide si Mama na mauna ng umuwi, pero before 5 ng hapon kailangan ko na daw umuwi. Sinabihan niya na rin si Ian tungkol dito.



"Oh, diyan sa sementong upuan sa soccer field oh, kasi malawak tapos kitang kita ang laki ng studio ng school. At tsaka dito kaya nangyari ang mga tampuhan niyo. Hindi ba?" si Claire, nang-aasar na naman.






Patuloy niya kaming kinukunan ni Ian ng picture. Hinalikan ni Ian ang noo ko dahilan ng pag sigaw ni Claire.





"Wow! Ang ganda nun Ian. Tingnan niyo  ang kuha oh." aniya at lumapit kami. Maganda nga ang pagkakuha ni Claire. Agad na ginawang wallpaper ni Ian iyon, cellphone niya kasi ang ginamit. Kalaunan, pagkatapos naming na makakuha ng kanya kanyang selfies, we take a group selfie. Nagpapicture kami sa dumaang lalaki gamit ang camera ni Phoebe.





May 3 hours pa akong natitira bago ako inuwi ni Ian kaya naman nag decide kaming lahat na kumain sa restaurant na pina book ni Claire. Nang nagtungo kami roon, napag-usapan din namin ang college life namin. Saan kami papasok at anong course nga ba ang kukunin namin since STEM naman kaming lahat.




"Ian, Alirah, anong balak niyo?" boyfriend ni Phoebe.





"Hindi pa namin alam. Mag-iisip pa kami." Si Ian. Tumingin ako sa kanya at pasimpleng ngumiti.





3 ng hapon na kami umuwi. Maaga akong inuwi ni Ian para makapag pahinga. Napapansin ko ang pananahimik ni Ian sa mga nakaraang araw. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa pananahimik niya pero saka nalang.




Sabay kaming nag hapunan nila Mom and Dad. Kaya kahit busy si Dad ay napag-usapan na namin ang pagpasok ko sa college.




"You'll be studying at New York. Kaya rin ako busy anak kasi inaayos ko lahat. Ang bahay natin, school mo, at ang pamumuhay mo doon. Don't worry anak, okay na ang lahat. Kasama mo si Nanay at si Tita Gina mo. Sasamahan ka niya at si Nanay sa bahay kung sakali. Kasama na rin ang driver mo at ang iba pang mga katulong."





Halos hindi ko malunok ang kakainin ko. Tama ba ang narinig ko? Sa New York talaga? Tumingin si Mama sa akin kaya naman alam kong nakaramdam siya na ayaw ko doon.




Okay lang naman na doon ako mag-aral pero... inaalala ko si Ian. He's willing to go to Manila para doon na kaming mag-aral pero parang hindi iyon mangyayari.





Chasing Soul (Aliser Series 1)Where stories live. Discover now