Kabanata 18

13 2 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Paalam

Nang dumating kami ni Ian sa Soron Paradise Hotel, agad din naming binati si Claire. Ang ganda talaga ng pinsan ko na ito. Paniguradong mamimiss ko ito. Bulong ko sa kawalan.

"Happy Birthday to my beautiful cousin." ako habang niyakap siya sabay abot sa regalo. Ian held my waist and whispered.


"Kakausapin ko lang sila Nathan." aniya sa akin at bumati kay Claire. "Happy Birthday, Claire." Claire did smile.



Naupo kami sa isang wingback chair kaya naman doon kami nag usap ni Claire.




"Aalis ka na bukas? Buti naman na napag-usapan niyo ng maayos ni Ian ang lahat. Sorry ah hindi ako makakasama sa paghatid sa iyo bukas." si Claire.



"Okay lang. Basta sabihin mo kay Tito at Tita na bibisita ka sa akin ha." ako kay Claire kaya naman niyakap niya lang ako. Hindi niya man sinasabi sa akin pero alam kong malungkot siya sa pag-alis ko.



Nangako sa akin si Claire na dadalawin niya ako, masaya ako na sa huling araw ko ay nakita ko rin siya. Nakakamiss pala talaga ang high school days. Ang bilis pala ng oras. Ang kahapon ay parang ilang taon na at ang ngayon naman ay parang pagdurusa sa malungkot na alaala.



Hindi rin kami nagtagal doon ni Ian. Nagpaalam kami kay Claire na aalis na. Niyakap namin siya at tuluyan ng nakaalis.




Huminti si Ian sa pagmamaneho sa may tabing dagat. "Let's stay for a while here, love." siya habang tuluyan na kaming nakalabas at pinagmamasdan ang ganda ng dagat. Malumanay ang bawat bagsak ng alon nito at sa sobrang kalmado nito dahan dahan ko na rin natatanggap na aalis na ako bukas.


"Here, I promised you, Alirah Abegail Fuertureza that I will wait you until you come back to me at kung sakaling mahirapan ka mang bumalik sa akin... ako ang lalapit sayo at sana sa paglapit ko... buong puso mo akong yayakapin." Ian was crying.



Mag-uusap kami sa telepono araw araw. Pag may oras siya pupuntahan niya ako dito, kung iisipin parang araw araw lang kaming nagkikita pero ang totoo magiging mahirap ito. Magkaiba ang oras namin, magkaiba ang taong pakikisamahan namin at higit sa lahat mag-iiba ang lahat ng nakasanayan naming dalawa.



It was like the waves of an ocean. Maaring malumanay lang ang bagsak nito pero agad na maglalaho at mapapalitan ng malakas na pagbato nito sa buhangin at mga bato.



"Ian... I promised that I will be your girlfriend even from afar. I promised to be loyal until I can be your wife. I promised to wait for you until you get me and even if when I am on my downest, Ian, promised to wait for you until my last goodbye." ako habang hindi na rin napigilang umiyak.



"I love you so much, Alirah. Mag-iiba man ang ikot ng mga mundo natin basta't nandyan ka lang, hindi ako matatakot... hangga't sa mahal mo pa ako mananatili akong parte sa buhay mo."


I dont know what to say but the only thing I know is to kiss him. It was deep, passionate. Mawalan man ako ng hininga yon ay dahil mahal ko siya. "Mahal na mahal kita, Ian. At lagi kong pipiliin kung ano ang makakabuti sayo gaya ng pagpili mo para sa ikabubuti ko." I kissed him again. He kissed me back, malalim, malumanay hanggang sa tumitig ang mga mata ko sa mata niyang puno ng luha at lungkot.




Chasing Soul (Aliser Series 1)Where stories live. Discover now