CHAPTER 4

34 5 0
                                    


A/N: OMG!! guyssss sorry if lame ahh support niyo ko and paki vote narin. Medyo sabog ako ngayon dahil sa module HAHAHAHAHA. By the way Merry Christmas and happy new year sa inyong lahat!!!! 🎊🎉🎉🎉

Battle

KATANA POV.

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos dahil sa sinabi ko, doon kay Mr. President na mukhang baliw.

Ngayon ko lang napag tantong mali ang mga sinabi ko dahil natatakot talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko, siya ang President and SSG PRESIDENT ng buong campus.

And take note ha! He's the owner of WU

Nalaman ko lang dahil sa sinabi saakin ni Snow, nakalimutan niyang isabi saamin dahil nga nag kakagulo kanina sa cafeteria. Hindi rin naman niya akalaing iyong nakabangga ko ay may ari ng University.

Juskooo ano ba itong pinasok mo katana!

Hindi nalang kaya ako pumasok? Oo tama hindi nalang siguro.

Tumayo ako at tumingin sa kalendaryo, Friday naman ngayon at may summative test kami..

Fvck hindi ako pwede!

Napasabunot ako sa aking buhok, at inis na bumalik sa Kama ko.

"Hoy gaga! Nakakahilo kana, bakit ganyan parin ayos mo?" puna saakin ni Snow.

Tumingala ako at umiling saka ngumuso. "Hayst nakakatamad pumasok, nakakahiya yung ginawa ko Snow anong gagawin ko?!" saad ko tsaka tumambling sa kama at nag pagulong-gulong.

"Edi harapin mo, ayan kase sinabi mo pang hindi ka natatakot tapos ngayon gaganyan-ganyan ka? Tanga mo." sagot ni saka ako inirapan.

Snow thank you sa advice grabeeee na appreciate ko!

"Bilisan mo dahil baka malate na tayo!" bulyaw nito saakin.

Tamad akong tumayo at naligo. Nakatulala lang akong nag lalakad papasok ng University. Parang ayaw ng paa ko pumasok sa loob.

Putaaaaaaaa

Kinakabahan ako na para bang may mangyayaring hindi maganda. Napakamot ako sa ulo ko.

"Tara na may summative test pa tayo kay ma'am Farrah, nag review ba kayo?" tanong ni Rain dahilan para lumaki ang mata ko.

"Omg nag review ka?" -Windy

"Hindi ako nag review, pagaya nalang." -Snow

Nasampal ko ang sarili ko dahil sa katangahan, hindi nga pala ako nakapag review gawa don sa mga iniisip ko puta.

Una libro, pangalawa anong tinatago nila dito sa University at pangatlo na encounter ko ang may-ari ng University at nakaaway ko.

Naway kainin na ako ng lupa!!!

Kinuha ko ang notebook ko tsaka nag review kahit paano tsaka dumating si Ma'am Farrah.

Medyo inaantok pa ako pero nilabanan ko at nag sagot kahit paano.

Biglang tumunog ang bell, tumingin saamin si Ma'am Farrah at ngumiti.

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now