CHAPTER 11 (WEREWOLVES1.1)

8 1 0
                                    


This chapter is dedicated to Ms. Jamaica Reate

               ‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙

Habang naglalakad sa may pasilyo sumalubong saakin ang malamig na hangin, tila ba parang may nagmamasid saakin mula sa malayo. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Ang aga mo ah!" Nahawakan ko ang bag ko at mabilis siyang hinataw nito, bigla naman siyang dumaing sa sakit kaya tumigil ako.

"Hala! Sorry hindi ko sinasadya, m-masakit ba? Ikaw kasi bakit kaba nang gugulat." Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa lalaking ngayon ay hawak-hawak ang braso niya.

Hindi ko siya kilala, pero parang pamilyar siya saakin. Madalas ko rin siya nahuhuling nakatingin saakin sa klase, habang nagtuturo ang teacher namin tapos biglang ngingiti.

"H-Hindi okay lang."

"Sure ka ha? Sorry."

"Yep! It's okay, sorry kong nagulat kita Katana."

"Ahmm... Ikaw, same tayo ng section diba?" Paniniguro ko sakanya, nagsisimula na kaming maglakad ngayon dahil sumabay siya saakin.

"O-Oo hehe" sabi nito at kinamot ang noo niya, nahihiya ata.

"By the way, ako nga pala si Cedric." Sandali kaming tumigil sa paglalakad dahil inilahad niya ang kamay nya saakin, agad ko namang inabot iyon.

"Katana" ngumiti siya saakin at ganon din ako, "Oo nga pala anong ginagawa mo sa Library?" Nanlaki ang aking mata at niyakap ng mahigpit ang bag ko dahil sa kaba.

"Don't worry hindi naman kita isusumbong."

"A-Ano kase..... M-May naiwan akong book ko doon sa loob importante kase 'yon saakin." Tumango naman siya at muling tumingin sa unahan.

Hindi ko alam pero bakit may kakaiba sa kanya? Sa totoo lang ay nag dududa ako sa mga ikinikilos niya base sa mga nakikita ko.

"Baka naman ako matunaw niyan." Mabilis kong inalis ang tingin ko sakanya, actually gwapo naman siya kumbaga perfectionist pero mas pogi parin si Kayne—wtf?!

Teka bakit nasama ang pangalan ni Kayne sa mga poging nakikita ko e ang sungit non!

"Bakit minsan wala ka sa klase natin?" Tanong ko sakanya.

"Ayieee bakit? Miss mo na ako?" Luhh ang hangin naman nito.

"H-hindi naman sa ganon, napapansin ko lang kase madalas absent ka."

"Hindi mo pa siguro alam na isa ako sa mga officers dito sa Wolfy University?" Agad na namilog ang bibig ko dahil sa gulat, "Wehh? Hindi nga, isa ka sa officers ng Wolfy University?" Hindi makapaniwalang aniya ko.

"Yes."

"Eh bakit hindi kita nakikita?"

"Ako kase ang Secretary nila President kaya parati akong busy, alam na nila iyon. Lahat ng officers dito sa W.U ay excuse na sa klase dahil masyadong marami kaming ginagawa." Mahabang lintaya nito at napatango naman ako.

Ganon pala yon, mabuti pa sila hindi na kailangang umattend ng klase huhu.

"Katana... Gusto mo ba sabay na tayong mag lunch mamaya? Libre ko." Nakangiting saad nito dahilan para mapangiti ako.

"Sige ba hindi ko uurungan 'yan lumalapit na saakin ang libre e!" Natatawang sagot ko.

Hindi ko namalayan sa pagkwe-kwentuhan namin ni Cedric e sumisilip ang haring araw, sabay kaming pumasok at taka naman akong tiningnan ng mga kaklase ko.

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now