CHAPTER 15

2 0 0
                                    

This chapter is dedicated to Ms. Yen Gregorio

                  
                             ‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙

Devilians

THIRD PERSON'S POV

"Nakilala ko na ang babaeng magbibigay saatin ng pag-asa, huwag kang mag-alala aking panginoon at mapapasakamay na rin natin siya." Ani ng isang lalaking naka maskara habang nakatingin sa mahimbing at natutulog niyang Panginoon.

"Narito ka lamang pala."

"Ano ang iyong kailangan?" Malamig na sabi ng naka maskara.

"Nalalapit na ang oras, malapit ng magising ang ating panginoon. Pagsapit ng ika-labing dalawa, lilitaw ang pulang buwan."

"Paano ka nakasisiguro? Batid mo bang walang magiging hadlang saating ritwal?"

"Wala na, isa pa'y narito na rin ang mga alay." Nakangising sambit ng matanda at mula sa hindi kalayua'y dumating ang mga Devilians na kasama ang magaganda at makikinis na mga babae.

"Sariwa ang dugo nila at mabango, sigurado akong masasabik ng husto ang ating panginoon." Tumatango-tangong sambit ng lalaki.

Sa kabilang banda'y patuloy na rumoronda ang mga Devilians upang pag-handaan at bantayan ang kanilang nasasakupan. Patuloy ang paghahanap ng maaaring i-alay para sa kanilang panginoon.

"Hanapin niyo ang traydor na iyon! Iharap nyo siya saakin ng buhay man o patay, hindi ako makapapayag na umalis siya ng ganon-ganon na lamang." Sigaw ng kanang kamay ni Haring Devon, si Lazaro.

"Tiyo, anong problema? Tila ika'y galit na galit."

"Nakatakas ang isang taksil saating kuponan, sinasabi ko na nga ba na noon pa lamang ay masama na ang kutob ko sa lobong iyon." Nanggagalaiting sambit ni Lazaro at halos mapatid na ang kaniyang litid sa sobrang galit.

"Huwag kang mag-alala Tiyo, dahil tama nga ang matandang itim nakilala ko na rin ang magliligtas saatin kong sakali-mang mapikot ko siya ay mapapadali ang ating misyon."

"Magaling aking pamangkin, siguraduhin mong magagawa mo ang iyong pangako saakin at sa ating panginoon."

"Sinisiguro kong mawawala rin sa balakid ko ang Principe ng mga lobo."

"Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba'y patuloy kang nag maman-man sa ating mga kaaway?"

"Masyado siyang mailap at napapansin ko ring palihim siyang umaalis ng Unibersidad upang magmanman at humagilap ng balita." Napahawak sa sintido ang lalaking naka maskara tsaka humarap kay Lazaro.

"Masyado rin siyang malapit sa babaeng nasa propesiya, palagay ko Tiyo kailangan ko ng inyong tulong."

"Sa bagay na iyan, wala na akong magagawa kundi tulungan ka ngunit sa isang kondisyon. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya kong ayaw mong magaya sa iyong Ama." Tumango at ngumiti ng pilit ang lalaki tsaka umalis.

"Ipag-hihiganti ko kayo Ama, uubusin ko ang lahi ng mga lobong iyon."

Gabi na at nagsisimula na ang seremonya, inihiga nila ang kanilang Hari sa gitna ng malaking bilog na may guhit at daluyan. Biglang dumating si Lazaro at ang naka maskara kasunod ng mga babae.

Isa-isang ginilitan sa leeg at itinapon sa gilid, pinag sama-sama nila ang dugo ng mga babae tsaka marahang inilagay sa maliliit na guhit dahilan para daluyan ng dugo.

Nag simulang umapoy ang paligid at umusok ang bilog na guhit, kumukulo ang likido na kusang sinisipsip ng katawan ng hari.

Tumingala ang lahat sa pulang buwan na natatabunan ng makapal ng ulap, hinihintay ang pagsinag. Sumilip ang kulay dugong buwan na nagsilbing ilaw ng mga Devilians tsaka tumama sa nagbabagang Hari.

May kung anong itim na mahika ang bumalot at itim na usok na siyang kumapit sa katawan ng Hari, "Ang itim na matanda." Bulong ni Lazaro.

May sinambit na latin ang matanda, na siyang nagpapatibay sa ritwal. Umihip ang malakas na hangin dahilan para mamatay ang apoy.

Biglang tumahimik ang lahat, ni-huni ng mga ibon ay hindi manlang nag-tangkang magingay. Kabado ang lahat, sabik na sabik makita ang kanilang Panginoon na matagal nang nakahimlay sa kaniyang higaaan. Nawala ang itim na usok lahat ng pares na mata'y naka tuon lamang sa Hari.

Dahan-dahan itong gumalaw at tumayo na animoy isang bagong silang na sanggol. Maraming pinagbago at mas lalo itong naging malakas. Nadoblihan ang kaniyang presensya na tila ba'y dalawa sila sa iisang katawan. Nakakatakot, nakakakilabot hakos hindi mo na hahangaring makita siya ng harapan dahil sa kaniyang matalas na mata.

"Maligayang pagbabalik mahal na Hari, aming Panginoon." yumuko ang matandang itim at ang hukbo ng Devilians bilang pagbibigay galang sa kanilang Hari.

Ang matangkad, bato-batong katawan at mapulang balat na kulay dugo. Ang matang hindi mo gugustuhing titigan ng matagal dahil anumang oras ay maaari kang maging abo. Ang mahahabang kuko at ang sungay nitong kasing talas ng banal na kutsilyo.

Sumilay ang nakakatakot na ngiti sa kaniyang mapulang labi, lumabas ang pangil nitong kagaya ng sa mga lobo. Humakbang sya ng isa at tiningnan ng katawan tsaka humarap sa kaniyang mga alagad.

"Bakit sobrang tagal ng inyong pagkilos? Ako ay nababagot na sa sobrang tagal na pagkakahimlay! Hindi bale na....... Nasaan ang sariwang dugo?" aniya ng Hari at kunit noong tumingin sa mga Alagad. Lumapit ang matanda at binigay ang isang malaking kupita na punong-puno ng dugo.

"Hindi masyadong nanunuot sa bango ang mga dugong ito, ngunit pag ta-tiyagaan ko nalamang." sumimsim ang hari at hindi kalauna'y dineretso ito ng inom.

Nagdiwang buong magdamag ang mga Devilians dahil sa pagkabuhay muli ng kanilang Hari.

Mula sa kalayuan ay pinag mamasdan sila ng isang lalaki, nakasuot ito ng pang magasaka habang hawak ang kaniyang sombrero na nakatapat sa dibdib. Madilim ang kaniyang mukha at may bahid ng pag-aalala.

"Hindi ako makapapayag sa inyong mga plano. Sisiguraduhin kong ako muna ang mamamatay, marahil ay nagtagumpay kayong buhay ang Hari ng mga Devilians. Ilalayo ko siya sainyo, ilalayo ko ang aking anak." mabilis na nagbago ng anyo ang lalaki at naging isang lobo, umalulong siya ng buong lakas tskaa tumakbo ng mabilis.

"Buhay na ang Hari ng mga Devilians." sambit ng isang matipunong lalaki, matangkad at nakasuot ito ng armor. Seryoso at may perpektong mukha ang humarap sa kaniya, ngumisi ito at inilapag ang kupita na naglalaman ng alak. "Hindi na ako makapaghintay saaking paghihiganti." May bahid ng galit ang kaniyang kulay pulang mata.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya saaking Ama at Ina. Hinding-hindi kailan-man." Ikinuyom niya ang kamao at suminghap sa hangin, muli niyang naalala ang sinapit ng kaniyang mga magulang sa kamay ng Hari.

Handa na siyang umalis ngunit biglang may dumating. "Nais kong makipag tulungan sa iyo, kapalit noon ay isang pabor." napatigil siya ng biglang magsalita ang lalaki.

Tumingin ang ang binata sa lalaking nagsabi no'n at hindi na siya nagulat pa, ganon din ang lalaki. Tila kilala na nila ang isa't isa noon pa. "Handa akong makipag tulungan saiyo." Seryosong sambit nito, "Ano ang pabor na gusto mo?" Britonong aniya ng binata. "Ilayo mo ang aking anak at panatilihin siyang ligtas, pakiusap." Hindi agad nakasagot ang binata, tila nagiisip pa ito bago sumagot.

Muli niyang nilingon ang lalaki, "Mukhang malayo pa ang iyong nilakbay. Maaari kang manatili rito upang maumpisahan na ang plano, para mas maaga pa lamang ay nakahanda na ang hukbo." Tumalikod ito sa lalaki at kapag kuwana'y tumigil tsaka bahagyang limingon. "At hindi mo na kailangang sabihin iyan saakin dahil ako mismo ang po-protekta sa kaniya." Hindi na siya muling lumingon at dire-diretsong lumakad sa pasilyo.

"Maraming salamat, Prinsipe."

(Magpapatuloy)

shubidibudibi

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora