CHAPTER 11 (WEREWOLVES1.2)

8 1 0
                                    


(Continuation)

Buong araw kong hindi nakakausap sila Snow, Windy at Rain. Kamusta na kaya iyong tatlo? Nauna na akong lumabas ng classroom dahil ayaw kong maabutan si Kayne.

Ayoko siyang maka date! Neknek nya.

Pero nagkamali ako, unti-unting gumuho ang mundo ko ng makita ko siyang may kasamang iba—charot lang!

Tangina, nandito na agad siya at nakangising tumingin sa direksiyon ko kaya napalingon ang mga madlang pipol! Bigla niya akong hinila, halos masubsob ako sa likod niya piste ka talaga Kayne.

"Ano ba ang sakit ha! Feeling close yarn?"

"Ang bagal mo kasi."

"Ako pa talaga?! Mas maaga pa nga akong lumabas sa teacher ko para lang takbuhan ka!"

"Ahh so balak mong takbuhan ako? Seriously? Wala pang nagbalak na takbuhan ang kagaya ko."

"Pwes ito ang tandaan mo, kung wala pang nagbalak na takbuhan ka. Ibahin mo ako dahil ako ang kauna-unahang tatakbo sayo!" akmang tatakbo nako ng bigla siyang magsalita. "Sige tumakbo kalang, malalaman ng lahat na nawawala ang libro." Napatigil ako at ngumiti sakanya.

"Ikaw naman hindi mabiro, tara na!" Ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya kahit naiinis nako.

Infairness ang lambot ng kamay niya.

"Hoy teka lang! Bakit tayo nandito sa likod ng WU? anong ginagawa natin dito?" hingal na tanong ko sakanya, napahawak ako sa magkabila kong tuhod.

"Tsk, let's go." Hinila niya ulit ako, kingina kulang nalang talaga ay mabali na ang mga braso ko.

"Huwag mong sabihin na dito tayo mag d-date? Seryoso ba yan? Akala ko pa naman mataas ang standard m—" biglang lumitaw ang isang Fortal na syang nagpa-awang ng bibig ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinila papasok, biglang nag iba ang ihip ng hangin pati narin ang tanawin.

Ang ganda!! Kitang-kita ko ang sunset mula rito!

"Ay parang pamilyar!"

"Malamang dito kita dinala dati noong kinuha kayo ng matandang bruha. Ito ang tahanan ko."

"Woahh ang laki naman ng pag mamayari mo, parang palasyo."

"Tama na ang dada, halika na sa loob."

Agad kaming umupo sa mahabang mesa kung saan kami kumain dati. Grabe walang pinagbago.

Biglang dumating ang mga maidservant at naglagay ng wine sa harapan namin pati narin pagkain.

Woahh pagkain yum yum yum yum!

"B-Bakit mo pala ako naisipang i-date?"

"Nothing, I just want to."

"Ano? Wala manlang dahilan."

"Why? Umaasa kang may gusto ako saiyo kaya kita di-nate?" nakangising sambit nito.

Bakit bigla siyang naging mayabang? Sabagay mayabang naman talaga siya simula noon pa. Nakakainis.

"Excuse me? Wala akong pakealam pero kung meron ka mang gusto saakin hindi ko na iyon kasalanan. Aba sino ba naman kaseng tatanggi sa ganda ko diba."Pagmamayabang ko sa kaniya, bigla namang umasim ang mukha niya at uminom ng wine.

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now