CHAPTER 13 (MOONLIGHT)

6 0 0
                                    


This chapter is dedicated to Purplewinker Wp

                               ‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙

Nakatulala lang ako sa may sulok, nagkulong ako sa kwarto buong magdamag. Hindi ako makapaniwala sa lahat, ito na ang reyalidad na sumasampal saakin. Pero bakit ayaw ko paring paniwalaan?

Naiinis ako, sa totoo lang ay bumababa na ang tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko ako lang ang naiiba sa mundong ito.

Hindi ko alam kung anong nangyari noong nakaraang gabi, hanggang ngayon ay hindi ko parin sila kinakausap. Alam kong sumusobra na ako pero hindi ko lang talaga matanggap na kailangan pa nilang mag sinungaling saakin. Hindi rin ako pumasok, tinatamad ako.

"K-Katana! Kausapin mo naman kami please?" kinalampag ni Snow ang pinto ng kwarto naming dalawa. Maski na magka room mate kami hindi ko siya pinapansin.

"Katana please? Kausapin mo naman kami." saad naman ni Rain.

"Sorry Katana." Malumanay na sambit naman ni Windy, tuluyan ng lumandas ang mga luha ko. Ayokong makita nila akong ganito, batid ko rin na alam na nila ang totoo. Siguro'y sinabi sa kanila ni Kayne.

Tumayo ako at lumapit sa may pinto, akmang bubuksan ko na ito ngunit biglang nagsalita si Snow. "I'm sorry Katana, alam na namin ang nangyari kung bakit ka nagkakaganiyan. B-Bess sorry talaga kong nag lihim kami saiyo, naiintindihan namin ang nararamdaman mo kaya tatanggapin namin ang sasabihin mo. Deserve namin ang masasakit na salitang galing saiyo. Hindi ka na namin kukulitin, hihintayin ka naming lumabas riyan at harapin kami..... Oo nga pala nagluto na kami, kung hindi ka papasok ako na ang bahala mag ingat ka rito." Naiiyak na saad ni Snow, kagat labi akong humawak sa doorknob at pinipigilan ang pag hikbi.

Buong buhay ko, hindi ko pa nasubukang tiisin ang mga kaibigan ko. Nagtatampo ako sa kanila, gusto kong magalit, gusto ko silang sabihan ng masasakit na salita. Pero hindi ko kaya dahil mas lalo akong masasaktan.

Sila nalang ang meron ako sa mundong ito, at hindi ko inaasahang magsisinungaling sila saakin at ililihim ang totoo nilang pagkatao—isa silang taong lobo.

Pero hindi ko dapat sirain ang pagkakaibigan namin nang dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Alam kong may dahilan sila kung bakit nila ginawa iyon.

Muli akong humiga sa kama ko at niyakap ang sarili.

Marahan kong minulat ang mga mata ko at tumingin sa orasan, "Hala tangina 5:59 PM na!" Mabilis akong tumayo tsaka tumungo sa sala. Inaasahan kong bubungan sila Snow, Windy at Rain pero wala akong nadatnan maski na anino nila.

Nakatulog pala ako kakaiyak kanina, hindi ko manlang namalayan iyon. Biglang tumunog ang aking tiyan, ngayon ko lang napag tantong nalipasan na pala ako ng gutom. Dumako ako sa kusina at hinanda ang lulutuin ko, kapag dumating na sila handa na akong kausapin sila.

"Anong oras na pero bakit wala parin sila?" Tanong ko saaking sarili habang nakadungaw sa bintana pinto. Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya niyakap ko nalang ang sarili ko.

Kinakabahan na tuloy ako, nasaan na ba kase silang tatlo.

"Pupunta ako sa WU, baka kung ano na ang nangyari sa kanila." Muli akong pumasok sa loob at kinuha ang jacket ko, sobrang lamig sa labas.

Hindi ko na kailangan pa ng ilaw dahil sobrang liwanag ng buwan—taka akong tumingin sa langit, sobrang liwanag. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito, parang ordinaryong ilaw na nagniningning.

Biglang kumalabog ng husto ang puso ko ng muli ko itong titigan, "AHHH!" Napahawak ako saaking ulo. Sobrang sakit at parang binibiyak ito.

Mayroong sumisigaw sa loob ko, sobrang lakas at halos mabingi nanaman ako. Mas malakas ito noong nakaraan, agad kong tinahak ang condo namin at pumasok sa loob. Halos magbulad ako sa sahig dahil sa sobrang sakit.

Gumapang ako paloob ng kwarto at tumungo sa banyo, n-nauuhaw ako. Nanunuyo ang lalamunan ko, katulad no'ng nangyari saakin. Tumatatak ang imahe ng bilog na buwan saaking isipan.

Binasa ko ang mukha ko ng tubig na malamig at tumingin sa salamin. Naalala ko ang libro na nasa bag ko kaya tumakbo ako at kinuha iyon sa bag ko. Mabilis kong nilipat ang pahina, at naroon na nga ang hinahanap ko.

—MGA SENYALES NG PAGIGING WEREWOLF—

Nagsisimula ng mauhaw sa dugo, may pagbabago sa pang amoy at paningin, humahaba ang mga kuko, lumalago ang balahibo, sumisilakbo ang dugo at lumalakas tuwing kabilugan ng buwan.

Nanginginig ang buong katawan ko dahilan para mabitawan ang libro. Nabubuhay ang dugo ko, at parang lumalakas ako ngunit kailangan ko ng dugo. Nauuhaw ako, kailangan ko iyon.

Hindi ko na kaya, parang binibiyak ang buong katawan ko. Nabasag na ang ilang gamit namin sa kwarto maging ang salamin sa loob ng banyo. Nahawakan ko ito at dumaloy ang dugo ko sa kamay.

Dahan-dahan kong inamoy iyon ngunit hindi ko mawari. Hindi ko maaaring tikman ang sarili kong dugo. Lalong-lalo na ang dugo ng tao, hindi ko alam pero ayoko silang masaktan ng dahil saakin.

Nanghihina na ang tuhod ko ngunit sinubukan ko paring tumayo, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kusang napunit ang mga damit ko at kakaiba ang nararamdama ko. Nakita kong humahaba ang kuko ko, biglang tumubo ang balahibo ko sa braso at maging sa buong katawan ko. Para akong isang aso na naghahamon ng away, hindi ko na pinigilan. Kailangan ko ng palabasin ang nasa loob ko.

Nanghihina na ang tuhod ko ngunit sinubukan ko paring tumayo, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kusang napunit ang mga damit ko at kakaiba ang nararamdama ko. Nakita kong humahaba ang kuko ko, biglang tumubo ang balahibo ko sa braso at maging sa buong katawan ko. Para akong isang aso na naghahamon ng away, hindi ko na pinigilan. Kailangan ko ng palabasin ang nasa loob ko.

Naramdaman kong unti-unting nagbabago ang purma ng mga buto ko at parang maging dalawa ito, sa wari ko'y ito na ata ang senyales. Sobrang sakit ng katawan ko, "Ahhhhhhhhh!!!!" napapikit ako sa sakit.

Iminulat ko ang mga mata ko, i-isa na akong lobo? Matapos ng sakit na nararamdaman ko at parang binabali ang buto ko kanina pero ngayon. Parang sobrang kakaiba. Sobrang lakas ko, at ang sarap sa pakiramdam.

Pinaling ko ang aking paningin sa basag na salamin at nakita ko ang aking repleksiyon, "What the fvck?! Ako ba ito b-bakit ganito. B-Bakit ang ganda ko parin kahit na mukha akong aso! I mean wolf." Hindi makapaniwalang sambit ko saaking sarili, ngunit nauuhaw na talaga ako sa dugo. Parang nandidilim na ang pangin ko, hindi ko na kaya.

Lumapit pa ako ng husto at nasilayan ko ang aking mata, nagbago na ito at naging yellow. Maging ang mga ngipin ko ay sobrang hahaba.

Tumakbo ako ng mabilis, dahil naaamoy ko ang pabango ni Snow. Grabe ang lakas ng pang amoy ko, maging ang pandinig ko. Para tuloy akong aso nito, ngayon nararamdaman ko na ang pagiging aso. Ganito pala ang ginagawa nila tuwing nagugutom sila at naghahanap ng pagkain.

Hindi ko lubos isipin na ang magandang kagaya ko ay magiging isang lobo. Gusto ko sanang magulat kaso nag-aalala na ako sa mga kaibigan ko kaya mamaya nalang.

Wala na akong time para magulat, sapat na iyong nakita ko ang sarili ko sa salamin na maganda parin.

Napatigil ako sa night woods natatandaan ko pa ang eksena naming dalawa ni Kayne dito mismo sa may daanan papuntang night woods. Dito ako dinala ng pang amoy ko, hindi na ako nag aalinlangang pumasok sa loob.

"Napakalaking field." Hindi narin ako nagulat dahil nakita ko na ito dati pa, malinaw parin sakin ang mga nangyari dito.

Nagtago ako sa madilim na sulok ng kagubatang ito, nakikita kona ang mga nangyayari. Naglalaro sila sa kabilugan ng buwan pero kakaibang laro. Katulad ng nasaksihan ko noon, ang labanan sa pagitan nila hindi kaya nagaganap ito buwan-buwan? o sa tuwing kabilugan lamang.

"Snow kaya mo 'yan!" tumingin ako sa hindi kalayuan at nakita ko ang isang grupo ng mga wolf, napakinggan ko ang boses ni Windy na sinisigaw ang pangalan ni Snow.

"Ayos lang kahit matalo ako, hindi na iyon importante. Si Katana at ang pagkakaibigan natin ang pinaka importante sa lahat." pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis syang dinambahan ng isang malaking lobo, panay iwas lang ang ginagawa ni Snow.

I feel guilty when I saw her like that, I know she can fight against her enemies.

(magpapatuloy)

shubidibudibi

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now