CHAPTER 9

8 0 0
                                    

A: Sorry kong ngayon lang ulit ako nakapag ud, sorry po sa paghihintay. Thank you rin po sa mga nagbabasa!

Weird

   This chapter is edicated to Ms.      Shinny Wp

        ‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙ 
 

Katana POV


Nakaramdam ako ng pagod matapos ang mga nangyari ay hindi parin ako makapaniwala. Ano naman ang purpose ng matandang 'yon at balak pakong patayin.


Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas, ang tagal kase ng discussion e wala nga akong naiintindihan sa mga tinuturo nila. Masyadong kakaiba ang mga lessons kumpara sa school na napasukan ko. Kakaiba talaga ito.

"Katana, hoy ano pa ba ang tinutunganga mo riyan? Halika na." sabi saakin ni Snow, agad akong tumayo at inayos ang gamit ko. Katulad ng nakagawian dumeretso na kami sa cafeteria, doon sana muna ako sa library kaso hinila na nila ako.

Nitong mga nakaraang araw para akong napapagod, hindi ko alam pero kumakain naman ako. Para kaseng may kulang, parang gusto ko ng—biglang may sumigaw kaya napatingin ako sa kinaroroonan ng boses na iyon.

"Aray!" sigaw ng babae, bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko ang kamay niyang may dugo. Para akong naglalaway sa dugo nya, parang gusto kong tikman at namnamin ang lasa non.

"Bes, okay ka lang ba?"

Lumingon ako sa tatlo kong kaibigan at tumango, "Bakit parang namumutla ka? Sigurado ka bang ayos kalang?" Tanging tango lang ang isinagot ko, nakakailang subo pa lang ako pero naamoy ko nanaman ang dugo. Hindi ko na kaya, sobrang weird talaga, ano bang nangyayari sakin para akong nauuhaw.

"Paki abot nga nong tubig ko." inabot naman saakin ni Windy, agad ko inubos iyon pero nauuhaw parin ako. Hindi ko na kaya, parang ganito ang napapanood at nababasa ko tungkol sa mga bampira.

What if isa akong bampira?

Dahan-dahan akong tumayo pero nanghihina na ang tuhod ko, inalalayan ako nila Rain at muling pinaupo.

"Katana! nauuhaw ka ba?" tanong ni Snow saakin at marahan akong tumango bilang tugon dito.

"H-Hindi kona kaya Snow, nauuhaw na ako. U-uhaw na uhaw na ako."

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may sumulpot sa harapan ko. "Hindi ka pwedeng matulog." aniya ng britonong boses sa may gilid ko, naramdaman ko ang pagbuhat nya saakin. "Manatili kang gising, ako ang bahala sa'yo." sabi nito saakin, palihim akong ngumiti.

"Inaantok na ako K-Kayne hindi ko na kaya." Naramdaman kong biglang bumilis ang pagtakbo niya, sobrang secured ako sa mga bisig niya. Parang ayaw ko ng umalis sa pagkakayakap, pakiramdam ko ay ligtas ako pag siya ang kasama ko.

Inihiga nya ako sa may bed dito sa  clinic, may kinuha syang isang bote na kulay pula ang laman. Malayo pa siya pero amoy na amoy ko na iyon, alam kong dugo iyon pero bakit nababanguhan ako.

Lumapit siya saakin at inalalayan akong umupo at pinainom saakin ang dugo, naubos ko iyon at sa isang iglap may kakaiba akong naramdaman. Sobrang lakas ng pakiramdam ko, kakaiba sobrang kakaiba. Nadagdagan ang lakas ko at napaka energetic ng dugo ko. Tanging ang lasa saakin ng dugo ay sobrang tamis, nakakabaliw din ang amoy dahil sa bango nito.

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now