Chapter 12

60 9 0
                                    

"Ate ,saan ka pupunta?"

Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan na bigla akong tinanong ni Jaycee kung saan ako pupunta mamaya. Napansin niya siguro na di ako pumasok ngayon.

Lumingon ako sa kaniya ,"Bakit mo tinatanong?"

"Nothing ,ate"he replied ,"Pag ganito kasing oras wala ka na sa bahay."

Di nakapasok si Jaycee ngayon dahil nalaman ko na nagpuyat pala siya at nagising lang siya bandang mag aalas diyes na. Pinagalitan ko pa nga siya kung bakit alas diyes siya nagising gayong ,may pasok pa siya at sinabi niyang nagkayayaan pala sila ng tropa niyang uminom.

"May mahalaga lang ako pupuntahan Jaycee ,kaya di muna ako pumasok."ngiti ko sa kanya at nakita ko pagtango niya. Ibinalik niya ang atensyon niya sa panonood ng tv at ako naman ay nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Habang naghuhugas ako ng pinggan nakita kong biglang nagbukas ang cellphone ko kaya pinunasan ko ang kamay ko saka ko kinuha.

May nagtext!

Garrett:

Claudette ,2 in the afternoon ka na pumunta sa bahay ko. Aasahan kita mamaya.

I sighed heavily.

Yes! pumayag ako sa gusto ni Garrett na sasamahan ko siya kada lalaban siya sa car competition! wala naman akong magiging choice kung sakaling di ako pumayag ,dahil siya pa rin ang magddedesisyon sa akin!

Ito rin ang dahilan kung bakit pansamantala muna ako di pumasok sa coffee shop dahil siya na din mismo ang nagsabi sa akin na umabsent muna ako ng isang araw.

Dapat nga si Stephanie na lang ang inaya niya , tutal parang nagkakadevelopan naman sila. kaysa ako ang pumunta sa kanya wala naman akong maitutulong dun sa laban niya!

Me:

Okay.

Saka ko ibinalik ang cellphone ko sa lapag ng lamesa saka ko pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. After that ,sinimulan ko na rin na magluto ng makakain namin ni Jaycee dahil tanghali rin naman.

****

Bandang 1:30 ay nag aayos na ako para sa sarili ko. nakasuort lang ako ng puting pantalon at naka itim na T-shirt. Tumingin ako sa salamin at nilagay ko ng kaunting liptint ang labi ko dahil para maganda naman akong tignan! After that ,sinuklay ko na ang buhok ko at saka itinali ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako sa baba at naabutan ko si Jaycee na nakikipagharutan sa kaklase niya. Nagpaalam kasi kanina si Jaycee na kung pupwede ay papuntahin ang kaibigan niya since ,gagabihin naman daw ako ng uwi.

"Ate ,aalis ka na?"tanong ni Jaycee kaya napatingin ako.

I smiled bitterly ,"Yes ,Jaycee."habang kinukuha ko ang bag ko sa sofa.

Tumango siya.

"By the way Jaycee ,wag na kayong aalis dito sa bahay,"paalala ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"Sige po ate ,take care na lang kung saan ka mang pupunta."lumapit siya sa akin saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Kinurot ko ang pisngi niya.

"Magpakabait ka dito huh!"nginitian ko siya at nakita ko ang malalalim niyang dimples.

"I will."Jaycee said.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now