Chapter 13

63 10 0
                                    

Nandito na nga kaming pareho ni Garrett sa mismong lugar kung saan dito gaganapin ang laban niya. Nasa labas pa lang kaming dalawa ni Garrett at kita ko na madaming tao ang nagpapasukan doon mostly ,puro babae pa mga pumupunta dito.

Gaano ba kasikat itong kasama ko?

"Lumabas ka na ng kotse ko."malamig na sabi niya kaya napalingon ako.

"Ako lalabas?"turo ko sa sarili ko habang kaharap ko siya.

Matalim niya akong tinignan ,"Of course Claudette ,ano pa ba ineexpect mo?"

Ang sungit niya huh?

"Beside ,any minute ay magsisimula na ang laban ko. kailangan ko pa magbihis."he said seriously.

Then I slowly nodded.

"Paano ako? saan ako uupo kung di kita makakausap?"mariin na tanong ko sa kanya.

Di ko naman alam kung saan ako uupo dahil di ako sanay na may kasama akong Car racer player dito at malala pa ,sikat na sikat pa!

Magaling ba ito sa karera? parang hindi naman.

"Sa front seat ka makakaupo ,Claudette."seryosong sabi niya sa akin ,"Kaya pinapaalis na kita dito sa kotse ko para may maupuan ka pa sa front seat dahil padami na ng padami ang mga manonood ngayon."

Kaya agad akong tumango sa sinabi niya.

"O-okay ,aalis na ako."kinuha ko ang bag ko at saka ako lumabas ng kotse. At sa paglabas ko ay tinignan niya pa ako ng mabuti.

"Pumasok ka na doon."nguso niya doon sa entrance kaya tumango ako saka ako tumalikod sa kanya para makapasok na ako doon.

****

Di rin nagtagal ay pumasok na ako doon sa loob at nagulat ako na sobrang dami na ng mga tao at may mga hawak pa sila mga banner at nakita ko pa nga ang pagmumukha ni Garrett doon. Sikat talaga yun? parang di ko feel na sikat siya.

Nung natapos na ako magtingin tingin sa mga tao dun ay umupo na ako doon sa bakenteng upuan sa harapan dahil baka maunahan pa ako ng iba. Since ,gusto ko rin makita kung gaano kagaling magmaneho ang greatest enemy ko.

After 10 minutes ,nakita ko na ang anino ni Garrett. He's wearing a car racing uniform while he holding a helmet. Nakafacemask rin siya at kahit nakatakip ang kanyang mukha. Marami na ang sumisigaw sa pangalan niya.

Kalauna'y ay nakasuot na si Garrett ng helmet sa ulo niya at pumunta na siya sa sport car na gagamitin niya. Di pa nagsisimula ang laban ay nakarinig na ako ng malakas na tilian at puro sinisigaw ang kanyang pangalan.

Pero habang di pa nagsisimula ang laban ay napatingin siya sa akin at napansin ko na kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa.

Hmm ,sino kaya itetext niya?

Napapitlag ako sa gulat na biglang nagvibrate ang laman ng bag ko kaya agad ko kinuha ang cellphone para tignan kung ano.

1 text message from Garrett.

Napatingin ako sa kanya at nagtataka kong tinignan ulit ang cellphone ko.

Ano naman trip niya at tinext niya ako?

Binuksan ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang kanyang text message sa akin.

Garrett:

Didn't you even tell me before my competition started?

My eyebrow furrowed. Huh ,ano daw?

I bit my lip.

Ako:

Together For A Day ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon