Chapter 4

27 4 0
                                    

Destine's P.O.V

Pinainit nila ang mga makina ng kanilang sasakyan habang itinaas naman ng babae ang dalang bandera. Itinukod ko ang baba sa kamao ko. Marahas binaba ng babae ang bandera at agad namang humarurot ang lahat ng sasakyan. Itinuon ko lang ang atensyon kay Lucas na ngayon ay prenteng nagmamaneho. Wow! Kampante ang bwiset.

Napakagat ako ng labi nang nanguna siya sa lahat. No, this can't be. Napatingin ako kay Daphnie at nakita kong tutok na tutok siya sa magic mirror niya. Agad kong binalik ang atensyon kay Lucas. Napakurap ako nang nilampasan siya ng red sports car.

"Thanks God" Naisatinig ko. Sumeryoso ako nang humabol si Lucas. Nagawa niyang pantayan ang sasakyan nilang Carina. Well, nasa loob nga si Carina kasama ang lalaking inaasahan kong makatalo kay Lucas.

Napaigtad ako nang binunggo nito ang sasakyan niya. Hindi naman siya nagpatalo at ginawa din niya ang ginawa nito. Napamaang ako nang nalampasan silang dalawa nina Kylo at Kegan. Tumigil sila sa pag banggaan at humabol sa dalawa. Nalampasan nila muli ito.

Nagulat nalang ako nang agad humarurot ng napakabilis ang sasakyan ng kalaban. Hahabol na sana si Lucas ngunit agad may humarang na mga sasakyan sa dadaanan niya na hindi ko kilala kung sinu-sino ang nasa loob. Agad siyang nagpreno at nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Galit niyang pinalo ang manibela ng paulit-ulit.

"What the hell! This is impossible!" Narinig kong komento ni Alfonso.

"Woah! Success!" Masiglang sigaw ni Daphnie. Napangiti ako at nagtinginan kaming dalawa. I mouthed her thank you and she just smiled.

Binalik ko ang atensyon kay Lucas at nakita kong nilampasan siya ng lahat ng natira. Kitang-kita ko kung paano ito sumigaw sa galit. I smirked and leaned to my swivel chair. Serve that jerk.

Pinaharurot niya ang sasakyan at dumeretso siya sa Bijou Nightclub of Washington St. in Theater District. Naningkit ang mga mata ko, paniguradong puyat na naman ito. I roamed my eyes and I did stop when I saw the wall clock. Bumagsak ang balikat ko. Great, it's already twelve o'clock. I sighed. I admit, naawa ako sa kanya ng kunti. It was his first time. Naka sigurado akong mabigat ang loob niya dahil sa pagkatalo.

Nakita kong hinila niya ang kwelyo ng Bartender ng marahas at tanging counter lamang ang namamagitan sa kanila. Bumuka ang bibig niya at nakasigurado akong may sinabi ito. Agad tumango ang Bartender na parang takot. May dalawang lalaki naman ang lumapit sa kanila at akmang hahawakan si Lucas ngunit sinenyasan ng Bartender na wag ituloy. Binitawan ni Lucas ang kwelyo nito at pabagsak siyang umupo sa high stool chair. Napailing-iling nalang ako, di ko akalain na ganito pala siya kapag natalo. Naku, mahirap talaga kapag ang isang tao hindi makakatanggap ng pagkatalo. Nakakabaliw.

He was given a wine by a Bartender and he immediately accepted it. Derederetso niya itong nilagok at nang naubos humingi muli siya. Napahilot ako sa sentido. Ayaw kong pakialaman ang isipan niya ngayon para tumigil sa pag-inom lalo na't galit ito. Ako pa naman ang dahilan. I also respect his feelings and he need to let out his rage for now. Yes, drinking is not a solution but it's a way to fall asleep. Mahirap ang makatulog kapag may iniisip. Bakit tulog ang naisip ko? Kasi hating gabi na at kaylangan na niyang matulog para makatulog na rin ako, kagigil.

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang may babaeng lumapit sa kanya. Anak ng putakte naman oh! Paniguradong sakit na naman 'to sa ulo.

Nanliit ang mga mata ko. The girl sat to his lap but he didn't bother to pay attention. Hinaplos siya nito sa dibdib at kinagat kagat ang tenga niya. Para namang napaso si Lucas at agad niyang tinulak ang babae kaya napanatag naman ako. The girl just smirked that made me wonder. Napamaang nalang ako nang agad siya nitong sinunggaban ng halik.

Writer Of Destiny: The Opposition (On-going)Where stories live. Discover now