Chapter 13

18 3 0
                                    

Destine's P.O.V

"I've heard you hates women, kaya ba ang sungit mo sa akin?" Pag open topic ko kahit alam ko ang rason niya. Well, I think this is the righ time to start my purpose.

Napatigil siya sa pagsubo at walang ekspresyon niya akong tiningnan.

"Don't talk when you're eating" Seryoso niyang sabi at muling sumubo ng pagkain. Napanguso ako. He just trying to avoid the topic.

"Bakit ka galit sa mga babae?" Pangungulit ko. Napaigtad ako nang binagsak niya ang kamay habang hawak ang kutsara.

"Because they are always being unreasonable. They are very difficult to understand. Most of them are deceptive that's why it's hard for me to trust anyone of them, anyone of you" Puno ng hinagpis niyang sabi. He gripped the spoon tightly. Ang dilim ng mukha niya. Pinilit ko ang sariling maging matapang para ibuka ng bibig.

"Who was the girl behind your hatred?" Seryoso kong tanong ngunit ang totoo kinabahan ako.

"My ex-fiance" Tiim bagang niyang sabi. Napatitig ako sa mga mata niya na kay asul na ng dagat. Pagkamuhi, sakit at galit ang nakikita ko doon.

"Why don't you let it go? Try to forgive her, trust me nakakagaan 'yun sa dibdib. But first, tanggapin mo ang katotohanang nangyari sa inyo. Acceptance is more important to eliminate your resentment" I certainly said. Nanlamlam ang mga mata niya at nanghihinang sumandal sa upuan.

"I can't. I don't know how" Bulalas niya. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"I can help you" Walang pag-alingan kong sabi. Kumurap siya at umayos sa pagkakaupo.

"I refuse. I don't need your help" Tanggi niya na kinanganga ko. Sinipa ko ang binti niya sa ilalim ng mesa at napadaing naman siya. I hissed. Wala pang tumatanggi sa akin.

"You brute, why did you do that?" Hasik niya.

"Dahil galit ako. Galit na galit at gusto kong manakit!" Bulyaw ko at pinabusangot ng husto ang mukha. He pursed his lips but he burst out of laugh. Napatanga ako.

"You're funny. Alright, I'll let you help" He said and he composed his self to calm down from laughter. I blinked my eyes several times. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganun. Nakakapanghina ng mga tuhod ang paraan ng pagtawa niya. He was really adorable.

Tumikhim ako.

"You sure?" Kumpirma ko at tumango naman siya na kinangiti ko.

"So what are we going to do?" Tanong niya na may kunting ngiti sa mga labi.

"Hmmm first, you should have courage to face her. Mag-uusap kayo ng masinsinan" Nakangiti kong sabi ngunit agad sumeryoso ang mukha niya.

"No. That's not gonna happen" He immediately objected. I hissed.

"Wag ka ngang bato. Paano mo mapapatawad ang isang tao kung hindi mo siya harapin. Hear her side and then let yourself move forward without hatred. I know it's not easy but why don't you try it right?" I said and I winked at him. Napa-isip naman siya at napakrus ang mga braso sa malapad na dibdib.

"Game" Aniya sabay upo ng maayos. Napangiti ako ng malapad.

"So when we're going to philippines?" I asked him but I froze when I realized something. His forehead puckered.

"I mean, kelan natin pupuntahan ang ex-fiance mo? Namiss ko na kasi ang pilipinas kaya ko 'yun nasabi hehehe" Hilaw akong napangiti sa palusot ko. Mapanuri niya akong tiningnan saka tumangu-tango.

"I don't know yet" Aniya at muling kumain.

Pagkatapos namin sa pangalawang agahan bumalik na kami ng mansion. In fairness the foods are indeed delicious. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko noon. Well, it's famous restaurant.

Writer Of Destiny: The Opposition (On-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt