Chapter 9

23 3 1
                                    

Destine's P.O.V

Nagising nalang akong masakit ang noo kaya agad akong napangiwi. Ano bang nangyari? Bakit masakit ang noo ko? Nakatulog pala ako. Nilibot ko ang paningin at di ako sigurado kung akin ba ang kwartong ito. Siguro akin nga kasi natulugan ko na eh. Agad akong napatingin sa pinto nang bumukas iyun at iniluwa doon ang taong hindi ko inaasahan.

"Hala uy! Uy! Bakit ka nandito sa kwarto ko? Ay mali__why are you here? This is not your room. What are you doing here?" Angal ko sa kanya at bigla namang tumaas ang kilay niya. Aba, mataray.

"You speak tagalog" Napatigil ako sa sinabi niya ngunit agad ko rin siyang tinaasan ng kilay.

"Tapos? Bawal ba? Ikaw nga marunong kaya__" Agad akong napatakip sa bibig gamit ang mga kamay. Naku patay. Napalunok ako dahil sa hitsura niyang mapanuri. Jusko, dumulas na naman ang bibig ko. Ang tanga ko talaga.

"How did you know?" He asked with curiosity. Muli akong napalunok.

"What?" Maang kong sabi.

"That I speak tagalog" Agad akong nag iwas ng tingin. Jusko, pakiusap kunin niyo na ako now na. Pero teka, wala pa pala akong first kiss. Wala pa akong anak.

"May sinabi ba ako nun?"

"You're suspicious. Who are you?" Kalmado ngunit ramdam ko ang maawtoridad niyang presensiya.

"Destine Danehills" Agad kong tugon. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama kaya agad akong napatingin sa kanya. Jusko, nakaupo na siya sa harapan ko. Muli akong nag iwas ng tingin.

"No, not that. What I mean is, who are you? What do you want from me? Are you my stalker?" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Luh! Hindi ah! Sa ganda kong 'to stalker? Huh! Mahiya ka naman" Atungal ko. Naumid ang dila ko nang tumaas ang sulok ng labi niya. Jusko, mahabanging langit. Bakit ang sexy niyang tingnan?

"Really? I don't remember that I already encountered you" He certainly said.

"Aba, malay ko. Ulyanin ka lang siguro" Depensa ko. Napatangu-tango naman siya.

"Here, take this" May inabot naman siyang Ice pack sa akin kaya nangunot ang noo ko.

"Anong gagawin ko d'yan?" Taray kong tanong.

"You got a lump on your head after bumping into the doorway" He calmly said. Napatanga ako at sandaling natigilan. Nag-flash back naman sa akin ang lahat na nangyari kanina. Ang lahat ng katangahan ko. Just what the hell? Di ko akalain kung gaano ako katanga kanina.

Uminit ng husto ang mukha ko nang naalala ko kung paano nag-request ako ng halik. Naalala ko rin ang mga kamay niya sa dibdib ko kaya uminit na rin ang buo kong katawan.

"Oh God!" I uttered and I covered my face using my hands because of embarrassment.

"What are you doing?" He asked. Pinukulan ko siya ng masamang tingin. Agad kong inagaw ang Ice pack sa kanya at dali-daling bumaba ng kama. Naglibot ako ng tingin at nakita ko naman ang sapatos ko sa gilid ng pintuan. Dali-dali ko naman iyung kinuha. Akmang lalabas na sana ako nang nagsalita siya.

"Wait a minute. Why are you here earlier?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil doon.

"Ah-eh" Dahan-dahan ko siyang nilingon habang nag-iisip ng palusot.

"A-akala ko kasi ito ang silid ko. Oo, tama. Nakalimutan ko kasi ang number ng room ko pero ngayon naalala ko na" Pagsisinungaling ko. Matiim naman niya akong tiningnan.

"And you directly went to the bathroom's door with your shoes?" He asked in wonder. Para namang umatras ang matres ko__este, dila pala.

"Eh kasi may narinig akong ingay ng tubig kaya ayun. Gusto ko lang naman makasigurado kung may tao ba" Palusot ko pa. Gusto ko namang ngumiti sa mga palusot ko. Ang galing ko talaga. Reyna na yata ako ng mga sinungaling.

Writer Of Destiny: The Opposition (On-going)Where stories live. Discover now