Chapter 6

21 4 1
                                    

Destine's P.O.V

Lumipas ang mga araw naging kasintahan ni Lucas si Mickey at nakikita kong seryoso siya sa naramdaman niya dito. Tumigil na siya sa pambabae at madalang na rin siyang sumama sa mga barkada para magbar. But sad to say, hindi pa rin mahanap ng agent ko ang writer ni Mickey.

Sa pagmonitor ko kay Lucas. Di ko akalain na may tinatago pala siyang sweet behavior. Di ko maiwasan ang mainggit kay Mickey. Syempre, sinong di maghahangad ng isang lalaki na kagaya niya. He changed a lot for his girl. He's caring and loving boyfriend. He's boyfriend material and I admit, the man like him is what I seek for.

May Verjel ka naman eh. Sabat ng utak ko. Isa din 'yun. Iwan ko ba kung nanliligaw ba 'yun o hindi. Nakakalito. Lagi niya akong binibigyan ng mga bulaklak at madalas dumalaw. He's caring and thoughtful but I don't know what his intention. Kapag tinatanong ko siya lagi nalang lumilihis. Ang ex-fiance naman niya, minsan nambubulabog pa rin.

I sighed. Tinuon ko nalang ang atensyon sa magic mirror ko at nakita ko si Lucas kasama ang kasintahan niya. Anniversary nila ngayon kaya dinali ni Lucas si Mickey sa isang resort. Nagset up siya ng dinner date nila sa gilid ng dalampasigan. He made it by his self and it's perfectly aborable.

May binigay si Lucas na box kay Mickey at binuksan naman nito. Isa iyung kuwintas na hugis bituin ang nakalawit. It's diamond pendant. Expensive necklace ang binili niya.

Tumayo naman siya at pumunta siya sa likod ni Mickey. Sinuot niya ito sa kasintahan. Napangiti nalang si Mickey at ginawaran niya ng halik ang nobyo. They look so sweet, adorable at nakakabitter sa isang tulad ko na NBSB. They really hit my ego.

Pagkatapos ng dinner nila pumasok sila sa cottage na binili ni Lucas. Dumiretso sila sa kwarto na kinabuntong-hininga ko. Here we go again. May nangyari na sa kanilang dalawa at di na imposibleng hindi masundan. Tumayo nalang ako at naghanda para umuwi.

Lumipas ang mga taon nakapagtapos si Lucas sa kursong aeronautics. Mickey was one of his inspiration to finish his college years. Agad siyang nakapasok ng trabaho bilang piloto. Si Mickey naman isang doctor at umuwi ito ng pilipinas para doon magsimulang magtrabaho. Nangako naman si Lucas na susunod siya sa pinas para makapag pakasal sila. Well, they are engaged already. Dumaan ang isang buwan simula noong nagkahiwalay sila naging busy si Lucas sa trabaho at minsan nalang niyang nabigyan ng panahon para kumustahin ang fiance. Uuwi na sana si Lucas sa pinas dahil nakahingi siya ng isang buwan na bakasyon ngunit pinapakiusapan siya ng Mommy niya na bantayan ang restaurant nila. Kahit may manager, mas mabuting ang owner talaga ang namamahala ng restaurant since kinagawian iyun ng Mommy niya. Dumating ang Daddy niya kamakailan lang at gustong isama nito ang asawa sa switzerland para sa isang business trip. Doon din gaganapin ang anniversary nila bilang mag-asawa. Dalawang buwan sila doon.

Lucas can't refuse of what his Mother requested. Mahal niya ang kanyang Ina at minsan lang itong nakiusap kaya pinagbigyan niya. Kinausap naman niya ang fiance na hindi pa siya makauwi at kahit labang sa kalooban pumayag nalang si Mickey. Sa pagtataguyod ni Lucas sa restaurant mas naging busy siya dahil minsan siya ang naging cook kapag day-off o absent ang totoong chef ng restaurant. Sikat ang restaurant nila kaya lagi itong dinadagsa ng mga customer. Natapos ang isang buwan niyang bakasyon kaya pinagkatiwala niya lamang ang restaurant sa manager. Napag-usapan na nila ito ng kanyang Ina na kapag tapos na ang bakasyon niya ipagkatiwala lamang niya ito sa mananger dahil wala namang choice.

Bumalik sa trabaho si Lucas at madalas na ring nag-aaway silang dalawa ni Mickey. Hindi ko naman masisisi ang fiance niya. Engaged na sila pero wala pa ring kasalanan nangyari. Hindi naman laging may flight si Lucas ngunit hindi din pwede na kapag kaylangan siya wala naman siya. Minsan nga tumatambay lang siya sa bahay pero kapag tumatawag sa kanya ang katrabaho agad din siyang pumunta. Malas lang dahil nasa pinas ang fiance niya. Hindi din naman kasi nito gustong bumalik ng Boston dahil ayaw nitong iwan ang trabaho.

Writer Of Destiny: The Opposition (On-going)Where stories live. Discover now