Chapter 15

59 9 0
                                    

It's been a month simula nung huling pumunta si Garrett sa bahay ko. At sa huling pag uusap namin ay nagkaayos na kaming dalawa ,sinabi ko na rin sa kanya na di ko na siya pakikialaman kung ano ang gagawin niya sa buhay niya. Dahil buhay naman niya yun at alam naman niya mga ginagawa niya.

Di naman siya kumibo nun sa mga sinabi ko atleast ako na mismo nakipag ayos sa kanya ,dahil ayokong may taong nagagalit sa akin like Garrett. I don't think so na di na niya ako paghihigantihan?

Pero kahit ganon ay nakakausap ko na rin siya ng masinsinan na di tumataas ang boses ko. Napag alaman ko rin na nakabalik na si Ma'am Freya sa pilipinas kaya kada papasok ako sa coffee shop ay di ko na nakikita si Garrett doon.

Di ko alam kung saan yun namamalagi gayong wala na siya sa coffee shop.

"Malalim ata iniisip mo?"nagulat ako na biglang nagsalita si Bullet sa harapan ko.

Speaking of Bullet ,nitong linggo lang niya ako nabisita dahil sa sobrang pagkabusy niya sa trabaho. Nagtampo pa nga ako kung bakit di man lang siya nagtext gayong 1 month pala siya mawawala sa manila! ang dahilan niya ay di daw allowed ang cellphone sa barko kaya di na niya ako naitext. Kaya tinanggap ko na yung sorry niya sa akin ,sino ba naman ako diba? isa lang naman ako kaibigang nag aalala sa kanya.

Umiling ,"Nothing ,may iniisip lang."

"Hmm ,sino naman ang iniisip mo?"kumunot ang kanyang noo.

Kaya napatingin ako sa kanya at ang kanyang isa niyang kamay ay nakahawak sa mga baba niya habang naghihintay siya ng sagot galing sa'kin.

"Nakakausap mo pa ba si Garrett?"tanong ko kay Bullet kaya napaayos siya ng upo.

Umiling siya ,"Hindi eh. simula nung naging alitan namin ,di na niya ako pinagkakausap."

Tumango ako ,"Ah."

Bakit ko ba siya hinahanap?

"Bakit mo pala natanong? may problema ba?"mariin na tanong sa akin ni Bullet.

Napatingin ako sa kanya ,"Wala naman ,simula kasi umuwi ang mommy niya di ko na nakita ang anino niya."

Inaamin ko sa sarili ko na kahit masama ugali nun ,namimiss ko ang presensya niya. Haist! bakit ayaw mo magpakita sa akin huh? di mo man lang ba ako namiss ang pambubwisit ko sayo Garrett?

Ginulo niya ang buhok ko ,"Wag mo na lang siya isipin ,Claudette. nandito naman ako eh ,wag mo na lang siya hanapin okay?"nginitian niya ako pero napansin ko na iba ang sinasabi ng mga mata niya.

What does it mean?

Nawala ang pag iisip ko na nilapag na ng waiter ang pagkain na inorder ni Bullet kaya napatingin ako sa pagkain.

"Kumain muna tayo ,Clau."he smiled softly ,"Sure akong gutom na gutom ka na."

Kaya dahan dahan akong tumango kay Bullet.

Mahigit isang oras din kami namalagi ni Bullet doon sa restaurant. After that ,inihatid na niya ako sa bahay ko dahil mag gagabi na rin naman.

Naabutan pa niya doon si Jaycee na naghuhugas ng plato. Binati naman siya nu Jaycee kaya binati niya rin ng pabalik.

Kahit papaano ay nagiging kaclose na niya ang kapatid ko dahil binigyan niya lang naman ng pabango si Jaycee ay naging mabait naman itong kapatid ko kay Bullet.

"Bakit di mo pinatuloy si Kuya Bullet dito ,ate?"bungad na tanong sa akin ni Jaycee na kaya napatingin ako sa kanya.

I sighed heavily.

Bigla na lang din kasi umalis si Bullet dahil makikipagkita siya sa mommy niya dahil may family dinner daw sila.

"May family dinner daw siyang pupuntahan ,kaya di na siya nag istay ng matagal dito."humiga ako sa sofa dahil sumasakit ang likod ko.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now