Chapter 2

58 5 0
                                    

Chapter 2

Transferee

"I am Avery, daughter of the great business couple here in the Philippines Adams and France Salvidar. We own the Solely Company and have different branches globally." So, indirectly don't befriend someone like me if you're not even on the same level of my feet.

Malawak ang ngiti ko nang makita si George na pumasok sa classroom na may dalang folders. Nang makita ako nito ay agad nanlaki ang mga mata niya sa gulat. I waved my hand at him excitedly and looked at my classmates.

"George and I are so close to each other and I am very glad that we're here in same school!" I proudly said.

Nilapag ni George ang mga folder sa table ng teacher naming nakangiti habang palipat lipat ang tingin sa amin ni George.

"Really? So you two came from the same school in Los Angeles?"

Tumango ang ng marami bago muling tiningnan si George, inaasahan na nakatingin pa rin siya sa akin. But he's now walking to his chair. Lumipad agad ang tingin ko roon. Walang bakante malapit sa kaniya.

"Alright, then. Maupo ka na sa bakanteng upuan dito sa harapan para makapagsimula na tayo."

Disappointed man ako dahil nasa unahan ang upuan ko habang nasa likuran si George, umupo nalang ako at taas noong nakinig sa teacher namin.

Well, hindi naman ako bright. Mayaman lang ako at naniniwala naman akong hindi ko na kailangan ng sobrang katalinuhan para maging successful sa buhay. Kaya hindi na ako nakipagcompete sa mga bright students ng paaralan na 'to.

Not bad. This school is really private and high end. Hindi ko inakala na may mala-harvard na school pala ang Pilipinas sa ganda ng buong lugar. Kung hindi ko lang alam na mayroon 'to sa Pilipinas ay iisipin kong sa Europe ang paaralan na 'to. Kung 'di ako nagkakamali ay may katapat din itong school na kasingganda rin ng school system at environment. Douglass Academy yata ang pangalan. Pagmamay-ari ng mga Cameron na sigurado akong friends din nila mommy at daddy.

But this school, I chose this kasi dito nagtransfer si George. Kung 'di ako nagkakamali ay halos dito nanggagaling ang mga brainy students sa mga patimpalak. Samantalang sa kabilang school naman nanggagaling ang mga great students sa sports. Wala naman akong talent sa sport kaya mabuti nalang at dito ako pumasok.

Nung mga naunang araw, nahirapan akong makalapit kay George dahil palagi siyang pinalilibutan ng mga kaklase namin. Marami ring lumalapit sa akin para makipagkaibigan dahil nga new students kami. Kaya ilang araw akong 'di makawala lalo na't ayaw ko ring magkabad-impression.

Ngunit one time, napuno na ako kakabuntot nila sa akin dahil kahit magpunta akong locker ay palagi akong tinatanong ng mga bagay bagay! Especially those cheeky ones na akala mo kung makaasta ay reyna ng school na 'to. Bitches? Iritado kong sinarado ang locker ko.

Gulat sila at bahagya ring napatalon dahil sa lakas nun. Nilingon ko sila nang may nakataas na kilay habang dala dala ang book na gagamitin namin para sa next subject. Mainit ang ulo ko dahil hindi ko pa nakikita si George o nakakausap man lang dahil sa mga lintang ito.

Tinaasan din ako ng kilay ng isa sa kanila. If I'm not wrong, she's Gineah Gomez. Her twin ponytails make me sick and her super stripes pink socks showing off are really a pain in my eyes.

"You're raising your eyebrows to me?"

"Isn't that obvious, yet?"

Nagsinghapan ang lahat dahil sinagot ko siya. Well, why not? I am also rich like her? Anong karapatan niya na pagbawalan ako? And I will answer whoever I want!

Troubously Yours (Villain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon