Chapter 26

83 4 0
                                    

Chapter 26

Falling apart

"Kailangan kong bumalik sa Alledra. Hindi puwedeng habang buhay nalang akong magtatago rito. I hate being here, Avery. Kaya bukas na bukas ay uuwi tayo."

It's been what? Weeks? Hindi talaga ako umuwi sa Alledra dahil hindi pa ako handang magpakita sa lahat. Duwag na kung duwag. Ayaw kong harapin ang mga nagawa ko roon. Iniisip ko palang ang disappointment ni mommy at tita Kirsten sa akin ay natatakot na akong umalis sa bahay na 'to.

Tita Kirsten must've known it by now. Hindi pa lumalaki ang tiyan ni Carol gayong sinabi ko ba naman na buntis siya. For sure alam na ni George 'yon. Siguro? Hindi ko alam. Pero paulit ulit na pumapasok sa utak ko na baka nga alam na ni tita Kirsten dahil sa sinabi ni mommy.

Ayaw kong kompirmahin. Masama pa rin ang loob ko kay George dahil sa mga ginawa niya sa akin. Hindi biro ang sakit na ininda ko para sa kaniya. I also despise Jhen that nerve bitch! Ayaw ko siyang makita dahil pakiramdam ko hindi puwedeng hindi ko siya masasaktan kapag nagkataon!

Kaya nang sabihin 'yon ni Jackie, bigla akong kinabahan lalo na't iyon ang pinakahuling bagay na gusto kong gawin ngayon.

"Do we have to? Mas safe dito, hindi ba?"

Jackie sighed. "I don't know Avery. Hindi pa nagmemessage sa akin si mommy. Ilang linggo na ang nakalilipas. Natatakot na rin akong lumabas at hindi na pumupunta rito 'yong caretaker natin! Iyon pa naman ang nagdadala ng pagkain dito!"

True enough, mom didn't text me either since then. Hindi ko alam kung anong balita na roon at ayaw ko ring malaman lalo na't kung ano man ang puwedeng mangyari roon ay malaki ang posibilidad na ako ang may kasalanan.

"Kahit na. I'm sure mom is just busy. Lalo na't siya na ang naghahandle ng kompanya. And 'yong caretaker? Baka may nangyari lang. I-message mo nalang si mommy na hindi pumunta 'yon simula pa last week. Pero huwag mong sasabihin na nandito ako!"

"Tapos na. I already messaged her. Pero hindi pa rin nagrereply. I don't know what to do, Avery. Nababahala na ako sa mga nangyayari. Ilang buwan na akong walang balita sa lahat. I have no friends to rely on for news because mom said it's not safe. Nandito ka rin kaya hindi natin alam kung ano ng nangyayari!"

"Don't worry. Everything is fine, Jackie. Nag-ooverthink ka lang." Sabi ko sabay lipat ng chanel.

"Hey! Ibalik mo! Nanonood ako nun!"

"That was boring. Dito nalang mas maganda."

Tumayo si Jackie at inagaw sa akin ang remote. "Ako ang masusunod dito. Kapag hindi ka sumunod sa akin, isusumbong kita kay mommy!"

"Argh! I hate you!" Iritado kong sabi sabay krus ng mga braso. "Kung mayroon lang akong puwedeng ibang puntahan ay umalis na ako rito!"

"Oh, pasensya na ha? Sino ba kasing bigla bigla nalang pupunta rito tapos kung makaasta ay akala mo matagal na siyang nakatira rito?"

"This is also my house."

"Yeah but I lived here long enough before you. Now shut the fuck up and just watch my favorite TV show."

Sabay kaming umirap sa isa't isa. This is our normal days. Palaging nag-aaway sa mga simpleng bagay. But at the end of the day, we'll talk like nothing happened and he'll worry about things while I'm busy making myself distracted. Buti nalang may gym at swimming pool dito. At least may puwede akong paglibangan.

Hindi ko na rin inopen ang telepono ko dahil ayaw kong makabasa ng kahit anong mensahe galing sa Alledra. Also, Jackie told me that it is safer not to turn on my phone para hindi kami matract. Ang katangi tangi kasing ginagamit niya ay 'yong cellphone niya na si mommy, daddy, at 'yong hired security ni Jackie lang ang mga contact.

Troubously Yours (Villain Series #4)Where stories live. Discover now