Chapter 40

73 1 0
                                    

Chapter 40

Mother

I woke up the next morning. Pagkatingin ko sa alarm clock na nasa gilid ay napabangon ako. Alas nuebe na ng umaga at kagigising ko lang. Dang it, really? Nagawa ko pang matulog ng mahimbing sa kama ni George?

Dumiretso ako sa bathroom na nasa kuwarto ni George at doon nag-ayos. Pagkalabas ay naamoy ko kaagad ang niluluto mula sa kusina. Nakita ko si George na nagluluto roon habang may pinapanood na cooking instruction sa Youtube. Umangat ang tingin niya para makita ako. He gave me a short smile.

"Good mornin'."

"Morning." Mabilis kong sagot.

Kumuha ako ng upuan at umupo sa harapan niya habang nagluluto siya. Sinilip ko ang pinapanood niya, mukhang patapos na siya.

"Anong oras daw darating sina daddy at Jackie?"

"By this afternoon. They took a common flight."

"Bakit hindi nalang private?"

"They want to keep it low. How's your sleep?"

Huminga ako ng malalim at tumango. "Never better."

"That's a relief then. Here," kumuha siya ng plato at naglagay doon ng kanin mula sa niluto niyang fried rice na nasa kabilang kaserola. Sunod ay inilagay niya ng omelette na ginaya niya sa social media at ipinatong doon. He is making an Omurice. "Have some breakfast."

"I didn't know you have cooking skills." Sabi ko habang tinitingnan ang breakfast ko na nilapag niya sa aking harapan. He also made one for himself.

"I just followed the instructions of this tutorial."

"Baka naman pangit lasa nito?"

His lips lifted. Umikot siya at umupo sa tabi ko dala ang plato niya.

"So far, I have never failed following instructions."

Tumaas ang kilay ko sa kayabangan niya. He looks so cocky about it that I couldn't help but to roll my eyes and took a spoon from his Omurice.

Damn it. It tastes good! Totoo nga atang aggressive activities lang ang hindi niya kayang gawin dahil talagang masarap ang pagkakaluto niya.

"Uhm, so... About your irregular heartbeat... Are you now okay?" Tanong ko para may mapag-usapan dahil pakiramdam ko ay mahihimatay ako kapag hinayaan ko ang katahimikan sa pagitan namin.

Nahinto siya sa pagkain. Pero hindi niya ako nililingon. As if I asked a sensitive question. I got curious because of that.

"I still have it." He said, almost like a whisper.

"What?"

Pinagpatuloy ang pagkain. "I still have it. That's why I have to control my emotions."

"What happened to you when you were admitted at the hospital?"

"I... was having my check up."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "You wouldn't get admitted that long if you only have a check up."

"You knew I was there that long?" He tried to sound humorous.

"Don't change the topic." I said seriously.

Dahan dahan siyang tumango at nilingon ang pagkain ko. "Kumain ka na muna."

Sumubo ako pero hindi pa rin ako tapos sa kaniya. "Tell me. You want to be true right? Tell me everything now."

Huminto siya sa pagkain at bumuntong hininga. Alam niya yata na hindi siya makakatakas sa akin at kukulitin ko pa rin siya kung sakaling talikuran niya ako. Hinarap niya ako at hinawakan ang dalawang kamay.

Troubously Yours (Villain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon