Chapter 20

73 2 0
                                    

Chapter 20

Family Gathering

Hindi ko alam na mas may gaganda pa sa mga araw ko. Akala ko hanggang doon lang siya sa paghatid hatid sa akin sa school. Pupunta ako sa bahay nila tapos sabay kaming papasok. Pero mas nakakagulat pa pala na tanungin niya ako ng ganito.

"Let's date,"

Natulala ako. Hindi kaagad nakabawi dahil sa sobrang gulat.

Maging ang mga kasama ko dito sa library ay nagulat ng husto sa sinabi ni George.

Is this for real? I had to blink twice in order to believe it. Pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang tuwa. He's asking me out! He really is!

Sa saya ko ay tinalon ko ang distansya naming dalawa at niyakap siya ng mahigpit. Lahat ng nandito ay napalingon dahil sa ingay na ginawa ng silya ko. Even the librarian.

Sabi na eh! Bibigay din siya sa akin. Hindi talaga ako naniniwala na wala siyang epekto sa akin. Sa dami ng effort ko para sa kaniya, imposibleng hindi pa siya nahulog sa akin!

"Yes of course!"

Dahan dahan akong tinulak ni George at napatingin sa paligid.

"Lower your voice. We're inside the library." Aniya.

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. Damn it! Tuwang tuwa talaga ako!

"Kailan at saan tayo magdedate?" Tanong ko. Nakasabit pa rin ako sa leeg niya.

He pushed me a bit. Nahihiya siya sa dami ng nakatingin sa akin. Kita ko pa ang librarian na palapit na sa puwesto namin.

"Uh? May nalampasan ba kaming isang chapter at ganito na kayo?" Kumento ni Gio sa gilid.

"Hindi lang yata isang kabanata ang hindi natin nabasa." Ani Rose na papalit palit ang tingin sa amin.

Tuluyan na akong tinulak ni George. Nakalapit na ang librarian at pinamaywangan kami.

"Anong nangyayari dito?" Mataray nitong tanong.

George sighed. Sinulyapan niya ako. "Weekend. Susunduin kita."

Pagkatapos nun ay nagmamadali siyang umalis. Hindi na mawala ang tuwa ko kahit na pinapagalitan na kami ng librarian. Tulala ako hanggang sa palabasin kami at bigyan ng warning. Dumikit naman sa akin ang apat.

"What was that?!" Gulat na tanong ni Carol.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Tanong ni Rose.

"Baka kayo na nang hindi namin alam ah?"

Nilingon ko si Krisha at tinaasan ng kilay. "Kami naman talaga ah?"

"Ang ibig kong sabihin ay 'yong kayo na parehong may feelings!"

"Shit teka lang! Magkwento ka naman!" Pangungulit ni Gio. "Pakiramdam ko ang tagal kong nawala kaya hindi ko na alam ang nangyayari!"

"Same rin," Ani Rose. "Magkwento ka."

"Parang nung nakaraan lang ay halos magpatayan na kayo ng tingin pero ngayon?"

Ngumuso ako sa sinabi ni Carol. Naalala ko nanaman ang pagsasabi niya sa akin na magdate daw kami. Uminit ang pisngi ko at ang lakas ng tambol ng dibdib ko. Kumakalabog nanaman ang puso ko ng husto.

"Araw araw na rin kayong sabay na pumapasok at umuuwi. Kayo na ba talaga?" Si Rose.

I bit my lower lip. Kami naman talaga, matagal na.

Actually, hindi ko rin alam kung anony nagpabago sa kaniya. Parang biglaan din ang mga nangyayari. Nagugulat nalang ako at ganito na ang set up namin. Ilang araw na kaming sabay pumasok at umuwi. Hindi man madalas magkasama tuwing klase at lunch pero sabay pa rin pumasok at umuwi.

Troubously Yours (Villain Series #4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن