Chapter 17

62 9 4
                                    

Agad na kaming pumunta ni Garrett sa ospital. habang nagmamaneho siya ay di pa rin matigil tigil ang pagkabog ng dibdib ko. Masyado akong nagulat sa ibinalita ni Tin sa akin. Kumusta na kaya kapatid ko?

Nakarating na kami sa wakas ni Garrett sa ospital ,kaya pagbaba namin sa kotse niya ay pumasok na kami kaagad sa ospital kung saan isinugod si Jaycee. Pagpasok ko dun ay nakita ko na lang si Tin dun na mukhang hinihintay ako.

Nakasuot siya na formal dress at may suot pa siyang maroon coat.

"Tin."bati ko sa kanya at nilapitan ko siya.

"Clau....."sabi niya at hinawakan niya kamay ko."Mabuti at nakarating ka na."

I bit my lip ,"Where's Jaycee?"

"Okay na siya ,mabuti at di masyadong grabe natamo niya sa aksidente niya. Bumisita kasi ako dito dahil may dadalawin ako tapos.... nakita ko si Jaycee sa stretcher habang inaasikaso siya sa E.R kaya nakisosyo ako at ayun nga si Jaycee nga."

"Bat ba siya naaksidente?"tanong ko.

Umiling siya ,"I don't know. pero nakita ko kaibigan niya."

Tumango ako.

Napansin ko naman ang paglingon ni Tin kay Garrett ,dahil napansin niya siguro na may kasama ako pagpunta dito.

"Uh Clau.....may kasama ka pala."napaubo pa si Tin habang sinasabi niya yun.

Bat siya nauubo?

But wait? familiar kaya si Tin kay Garrett?

Napalingon ako kay Garrett na seryosong nakatingin kay Tin na parang kinikilala niya ng mabuti.

"Uh....Tin ,eto nga pala si Garrett."pakilala ko sa kanya at napatakip pa ng bibig si Tin sa sobrang gulat.

"S-si G-garrett ito Clau?"tinanong pa ulit ako ni Tin at tumango ako.

"Oo."

"Diba kaaway mo it-----"bago pa niya ituloy ang sasabihin bigla ko na lang tinakpan yung bibig niya.

I gaved fake smile ,"Wag ka na magsalita please?"mahinang sabi ko.

Tumango siya ,kaya agad ko na ring inalis ang kamay ko sa bibig niya.

Tin suddenly smiled ,"Hi ,Garrett! ako nga pala si Kristin Montemayor ,but can you call me Tin. Dahil mas sanay akong tawagin dun."naglahad ng kamay si Tin sa harap ni Garrett.

Sandaling tumingin si Garrett sa paglahad sa kanya ng kamay ni Tin at kalauna'y ,tinanggap naman niya.

"Garrett. nice meeting you ,Tin!"tipid siyang ngumiti.

Pagkatapos nun ay binitiwan na rin nila ang isa't isa ,kaya bumalik ulit ang tingin sa akin ni Kristin.

"Clau....gusto mo ba samahan ko na kaya kung saan nakaroom si Jaycee?"mariin na tanong niya.

Mabilis akong tumango ,"Oo ,sige Tin! g-gusto ko ng makita ang kapatid ko!"

Tumango na si Tin ,kaya sumunod na kaming pareho ni Garrett sa kanya. Napag alaman ko na ,na nasa 2nd floor ang room ni Jaycee. Nasa harap na kami ng kwarto ni Jaycee.

Hinarap ako ni Tin ,"Nandito na kwarto ng kapatid mo. Hindi na kita masasama sa loob ,dahil medyo kumakalam na sikmura ko."tinapik pa niya ang balikat ko.

Ngiti akong tumango ,"Thank you Tin. Sige ,pwede mo na akong iwanan. May kasama naman ako eh."

Bago siya umalis sa harapan ko ay hinalikan pa niya ako sa pisngi ,kaya masyado akong napahalakhak.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now