Chapter 38

28.8K 368 159
                                    

Embers

I stayed inside my condo for the next two days. Tamad na tamad akong lumabas lalo na at wala rin naman akong shoot. Sa Lunes pa ang shoot ko for the commercial. Noong Biyernes ay niyaya ako nila Prim na lumabas pero hindi ako sumama dahil baka tanungin lang nila ako tungkol kay Sage. For sure... hindi mawawala si Sage sa usapan namin dahil sa akin.

Hindi ko na sinubukang dalawin si Sage sa unit niya. Hindi rin ako nag-gym at sa unit lang nagworkout dahil baka makasabay ko pa siya. Ayaw ko muna siyang makita dahil naiinis parin ako. At oo, nagseselos ako kay Lia kaya ako naiinis. Pero hindi ko naman maiiwasan ng matagal si Sage lalo na at Lunes na bukas, makikita't-makikita ko siya sa shoot.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay tumayo ako nang marinig ang tunog ng doorbell. Binuksan ko iyon at wala namang pasabing pumasok si Hershey. Hindi ko pa siya pinapapasok ay nakapasok na kaagad siya.

"What are you doing here?"

"Stop sulking, Chant. Kung ayaw mong magkwento, samahan mo nalang ako magshopping."

"I can't do that..." wika ko.

"Call Steve, duh..."

Umupo siya sa couch at tinaas ang paa sa coffee table. Pinilig niya ang ulo niya. "Ligo ka na, wala kang choice kung 'di sumama sa akin."

Bumuntong hininga ako at sumunod nalang. I took my time taking a bath then I texted Steve na pupunta ako ng mall. Naglagay ako ng light makeup habang dinig ko mula sa living area na nanonood ng vlog si Hershey sa TV. After I'm done with my face, pumili ako ng mga kaswal na damit, iyong hindi ako makakakuha ng atensyon. I also wore my sunglasses and a facemask.

"Let's go!" masiglang bulalas niya paglabas ko ng kwarto. Pinatay niya ang TV at hinila ako palabas ng unit ko.

Habang nasa loob ng elevator ay napatitig ako sa kaniya dahil parang may kakaiba sa kaniya na kanina ko pa hinahanap kung ano. She's blooming, kumikinang ang mukha niya. Nagkalaman din ito kahit ilang araw lang kaming hindi nagkita.

"Why are you staring?" Tanong niya, nakahalukipkip pa.

"Are you pregnant?" I asked.

Nanlaki ang mga mata niya. "Halata?!"

Umawang ang labi ko. Unti-unti ay nagsink in sa akin ang sagot niya. "Fuck, really?!" Bulalas ko, napatuwid pa ng tayo. Tumango siya at ako naman ay niyakap siya ng mahigpit, malapad na ngayon ang ngiti.

My best friend is pregnant! Oh, my ghad...

"Oh, my ghad!" hindi ko alam kung ilang beses ko na 'yan sinabi. Mula noong nasa elevator kami hanggang ngayon na nasa mall na kami ay sinasabi ko iyan tuwing napatingin sa kaniya.

Umirap siya. "Hindi ko muna sana sasabihin, gusto ko sabay-sabay niyong malaman tapos napansin mo naman."

Nakwento niya kanina noong nasa byahe na dalawang linggo na siyang buntis. Kinwento niya rin pati ang pag-iyak ni Skye noong nalaman iyon bago sila sabay nagpunta sa OB-GYN.

"Ang bilis..." sabi ko. Nagpaplano palang sila tapos ngayon meron na?

"Magaling eh," aniya at tinaas-baba ang kilay. Ngumisi naman ako at natawa.

"Dahil buntis ka, I'll buy you clothes and bags! Regalo ko sayo."

"Hala! Seryoso ba 'yan?"

"Yes, duh." I drawled. Tumili siya, nagsilingunan tuloy sa amin ang mga tao. Yumuko ako para hindi nila ako makilala.

"Ang ingay mo," bulong ko.

Pumasok kami sa loob ng Fendi habang si Steve ay nakasunod lang sa amin.

"This one will look good on you." Tinapat ko kay Hershey yung dress. Hinayaan ko siya doon at tiningnan isa-isa ang mga dresses and bottoms.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now