Chapter 1

40.1K 727 50
                                    

Danger

"Bitch!" Bati nila noong makita akong palapit sakanila. Awtomatikong umangat ang mga kilay ko noong nagsilingunan sa akin ang mga tao dahil sa itinawag nila sa akin. 

I kissed their cheeks before sitting beside Hershey. "How are you?" tanong niya na ikinabigla ko. She doesn't usually ask if I'm doing fine. 

Tinanggap ko ang baso noong ialok niya ito sa akin. Noong sulyapan ko, may laman iyong whiskey.

"Oh," I grinned. "Since when did you start caring about me?" 

"Never mind," bawi niya. 

I chuckled. "Don't worry, babe, I'm still breathing and prettier than you."

I emptied my shot glass. Napapikit pa ako nang gumuhit ito sa lalamunan ko.

Nagsitawanan sila, kasama si Hershey. Ngumisi na lang ako. 

I'm sure naman na she didn't take it seriously. 

"Bitch..." malutong iyon. "Your name really suits you, a freaking engkanto," ani ni Prim.

Tumawa ako at mas pinili na lang na magsalin ng whiskey sa wala nang laman na baso. 

Mga kaibigan ko sila. We've been together since college at hanggang ngayon na nagtatrabaho na kami. We were all members of a non-mandated organization during college kaya nagkakilala kami at nagkalapit-lapit. 

"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko sa kanila. 

"Yup, ikaw lang naman ang hinihintay namin. I was thinking na baka kaya ka late ay may—" 

"Naiinggit ka ba?" putol ko. Kaya lang naman ako na-late ay dahil sa photoshoot. Nag-overtime dahil hindi kaagad dumating 'yong kasama kong model.

Tumawa naman ang bruha at pinagkrus ang legs niya, bahagya pang tumaas ang suot niyang dress dahil doon.

"No," mayabang niyang tugon. 

"Ghad! Kung may nakakarinig lang sa inyong dalawa ay malamang na-issue na kayo!" Sap rolled her eyes. 

I sipped on my glass. Paunti-unti kong nilagok ang laman bago naglagay ulit. 

"Oh, shit..."

Nilingon namin si Hershey nang bigla na lamang itong magmura. May tinitingnan siya kaya sinundan ko iyon ng tingin. Dumapo ang tingin ko sa mga lalaking nasa kalapit na mesa. Mukha silang may dugong banyaga. They all look handsome, too. 

"Shit! He's here again!" said Prim while biting her bottom lip.

"Who?" takang tanong ko. 

Hindi ko kasi alam kung sino sa apat ang tinutukoy niya. Lahat naman ay may posibilidad na magustuhan niya. They're all hot, after all. I wonder if they're models, too, but I highly doubt that, I would've known them if they're really models.

"The one who's wearing white long-sleeves polo. Type na type niya yan," sagot ni Prim dahil abala si Hershey kakatitig doon sa lalaki. 

Humalakhak ako at napailing. "Don't tell me matagal mo na siyang napapansin pero hindi mo pa nilapitan? Saan napunta ang kalandian mo?" pang-aasar ko sa kaniya.

Nilingon niya ako, matalim ang tingin. 

"Why? Kaya mo bang lapitan siya?" puno iyon ng panghahamon. 

I smirked at her, is she doubting me? I won't hesitate to do it. 

"Oh, come on. You talk as if you don't know me."

Ngumisi siya. "Sige nga... Get his name and go out with him tonight."

Napahalakhak ako. 

So, pati pangalan ay hindi nila alam? How? I mean, sa gwapo ng mga 'yan paniguradong sikat sila. 

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now