Chapter 18

18.7K 350 72
                                    

Drug

Ang akala ko kapag nakauwi ako sa Pilipinas ay si Sage kaagad ang makikita ko pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Hindi man lang ako makalabas dahil maraming nag-aabang na reporters sa labas ng village namin at mayroong iilan sa labas ng bahay ko, hindi ko alam paano sila nakapasok. Unless they also live here or what. I just don't get why they're wasting their time to me. Hindi naman ako artista or what. Maybe being a CK model is really a big thing, huh?

Isang araw na akong nakakulong dito sa loob ng bahay at inis na inis na ko. Mabuti nalang at makakalabas na ko ngayon para sa isang fashion show kung hindi ay baka mabaliw na ko. Kausap ko kagabi si Sage and he said he'll watch me kaya hindi ko alam kung maeexcite ba ko o kakabahan. For pete's sake, ayokong panoorin niya ko! I'm still scared I might stumble in front of him. Hindi na ata ako masasanay, kakabahan at kakabahan parin ako.

"I'm sure maraming reporters mamaya after the fashion show. Answer their questions pero huwag lahat lalo na kung personal na tanong." I nodded at his reminder. "Tatlong beses kang rarampa at pang-finale ka kaya galingan mo. Malalagot ka talaga sakin kung ngayon ka pa madadapa."

I bit my lower lip. Ayaw ko ring madapa. Should I tell Sage not to go? But I badly want to see him!

"Okay, don't worry."

Pagdating sa venue ay inayusan na kaagad ako sa dressing room na nakalaan para sa akin. Nang matapos akong ayusan ay pinagtulungan nilang isuot sa akin ang outfit na susuotin ko.

"Bongga!" Puri ni Jeff at pumalakpak pa.

Ngumuso ako habang umiikot sa harap ng salamin para makita ang kabuuan ko.

"Chant, magsisimula na in ten!" Sigaw ni Tito Abel mula sa labas ng dressing room. Hinawi ko ang buhok ko bago lumabas ng dressing room. "Tara na sa backstage." Marahan niya akong hinatak.

Nagpasalamat ako sa mga bati ng mga co-models ko na nakakasalubong namin. Medyo natagalan nga ang pagpunta ko sa backstage dahil sa mga kakilala.

"Hey! Congrats!" Bati ni Harry. Medyo nagulat pa ako na makita siya dito.

"Thank you! Glad you're here," wika ko habang bumebeso sa kaniya.

"Mas masaya akong makita kita dito." He smiled. "Magkasunod tayong lalabas hanggang sa panghuling ramp." I glanced at Tito Abel na may malagkit na tingin kay Harry bago tanguan si Harry.

"Bitch!"

Ngumiwi ako at hinarap si Hershey na siyang sumigaw. Nagsilingunan sa amin ang mga models na kasama namin dito sa backstage. They were watching us habang papalapit si Hershey.

"Ang ingay mo gaga," reklamo ko. Tumawa siya at bumeso sa akin.

"Hey, Harry," bati niya kay Harry.

"Hey, nice to see you!"

"Thanks, nice to see you, too," aniya bago ako balingan. "Hoy! Marami ka pang ikukwento sa aking malandi ka," bulong niya.

"What?" Taas-kilay kong tanong.

"Nakita ko yung IG story ni Sage! Landi-landi nito!"

"Inggit ka?" Pang-aasar ko.

"Basta! I'll schedule a night out! Hindi ka makakawala sa amin," wika niya bago kami pinahanda dahil malapit na ang turn namin. Si Hershey ang mauuna sa aming tatlo, kasunod niya si Harry tapos ako. Nilibot ko ang tingin ko sa mga audience. Halos mapamura ako nang makita doon si Sage. May kausap siya na tingin ko ay isang businessman. Sinapo ko ang dibdib ko habang humihinga ng malalim.

"Good luck," bulong ni Harry bago siya lumabas ng backstage.

Pinanood ko siya at si Hershey na pabalik na. Nang makitang umikot na si Harry para makabalik ay lumabas na ko.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now