Chapter 23

22.3K 335 36
                                    

Idea

"Sage!" Tili ko habang nakatingin sa mapupulang marka sa leeg ko sa salamin. Clearly, these are fucking hickeys!

Padarag na bumukas ang pinto ng baniyo niya nang pumasok siya. He cupped my cheeks and scanned my body.

"What's wrong? Are you okay?"

Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro ang mga marka na iniwan niya sa balat ko.

"You left hickeys on my neck! What the heck, Sage!" Hinampas ko ang dibdib niya. "I'm a fucking model!" I hissed. He wasn't careful! Oh, ghad...

He heaved a sigh of relief. "I'm sorry, you can conceal those with makeup, right?"

Sinapo ko ang noo ko. Ano nalang iisipin nila Aster nito? I think I need to buy a lot of concealer bottles kung ayaw kong makita nila itong mga ginawa ni Sage sa'kin.

"No neck-kissing next time," sabi ko at humalukipkip.

Kumunot ang noo niya. "What? No! I didn't do it intentionally! Nadala lang ako..."

"Still... my decision's final. Now leave the bathroom. Maliligo pa ko." Hindi siya gumalaw kaya sapilitan ko siyang tinulak palabas ng baniyo bago hubarin ang suot kong itim na roba at maligo.

Sage and I spent the day inside his condo. We just watched my favorite show while cuddling. Sinusulit namin ang oras na hindi kami busy dalawa. Sa susunod na araw ay naging abala ako dahil kailangan kong tapusin muna ang mga projects ko dito bago kami lumipad pa-New York. I had late dinner with Sage sa paborito naming restaurant bago niya ako hinatid pagkatapos.

Sage wants to be with me in New York pero hindi ko pinayagan. Masiyado na siyang abusado kung ganoon ang gagawin niya. He really can't be away from me for too long. Gusto niya ay palagi kaming magkasama o gusto niya ay araw-araw kaming nagkikita kahit saglit lang. Between us, siya talaga ang clingy but that's okay with me. Gusto ko nga na ganoon siya. Hindi ko rin naman mapagkakaila na gusto ko rin siyang palaging kasama.

"Let's go in." Sumunod ako kay Tito Abel. I smiled as I read the name of the airline on the big aircraft. Sartorius Airlines.

Hindi ako naihatid ni Sage dahil may flight siya kaninang umaga papuntang Incheon. Hindi pa ako nakakalabas ng Pilipinas ay namimiss ko na siya.

Nakasunod parin ako kay Tito Abel paakyat ng eroplano. Kasama namin ulit ang glam team. We'll probably stay in New York for a week. Hindi na nga ako makakapunta sa wedding ni Alvin dahil saktong nasa New York pa kami sa araw ng kasal niya but then I already bought him a gift. Ipapadala ko nalang sa araw ng kasal niya.

"Final na ba?"

Mula sa pagbabasa ng librong dinala ko pa, bumaling ako sa katabi kong si Jana.

"Alin?" Hindi ko maintindihan ang tanong niya.

"Hindi talaga nakasunod sayo si Sage dito?" Lumingon pa siya sa likuran namin para makasigurong hindi talaga nakabuntot si Sage sa akin. I can't blame her, ganoon talaga si Sage. Bigla nalang sumusulpot.

Umiling ako. "No, I didn't let him. Hindi naman pwedeng palagi siyang nakasunod tuwing bibyahe tayo abroad."

"Isang linggo lang naman." But one week is too long for us...

I couldn't agree with it kaya hindi nalang ako nagsalita. Buong byahe namin pa-New York ay puro basa at tulog lang ang ginawa ko o 'di kaya'y kakwentuhan si Jana. Mabuti nalang at nasa business class kami kaya naging kumportable ako buong byahe lalo na non-stop ito. Pagdating namin sa New York ay diretso dinner kami sa isang restaurant malapit sa airport. Pagdating sa hotel room ko ay nagsend na ako kaagad kay Sage ng mensahe bago pumasok sa baniyo para maligo. Umaga na doon kaya sigurado akong mababasa niya kaagad. Few seconds after I got out of the bathroom, my phone rang. Alam ko na kaagad kung sino. May iilang missed calls pa doon bukod sa tawag niya ngayon.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now