Chapter 17

19.9K 313 107
                                    

Picture

I sighed while watching Aster through the mirror. She's putting concealer under my eyes. Pangalawang dagdag niya na ng concealer sa ilalim ng mata ko. Nasa likuran ko naman si Jeff at pinapatuyo ang buhok ko gamit ang hair blower.

"Natulog ka ba?" She asked.

"Yeah," dalawang oras.

"Sigurado ka? Ang itim ng eyebags mo," natatawang puna niya.

"Pakitakpan nalang," nakasimangot kong sabi.

"Bakit ba napuyat ka?" Tanong ni Jeff at maya-maya ay nanlaki ang mata niya. "OMG! P-pinagod ka ni fafa Sage?!" Napasapo nalang ako sa noo ko.

Hindi ko maintindihan bakit ang dumi-dumi ng mga utak ng mga tao sa paligid ko.

"Whatever your thinking, Jeff... please, stop it."

Yes, he's the reason why I can't sleep last night but my goodness! It's not because we had sex, like what Jeff's thinking! It was because of the kiss and him rejecting me when I want another kiss from him! Damn! I'm so annoyed!

"We?" tinaasan niya ko ng kilay at bahagyang hinatak ang buhok ko. "Sus! Lalo na magkatapat lang kayo ng hotel room ni Sage?"

"Oo nga! Ang kulit! Just do my hair," mataray na sabi ko para tigilan na ko.

Pagkatapos nila akong ayusan ay nagpalit na ako into Calvin Klein black sports bra, black long sleeve mesh crop top, high-waisted denim ripped skinny jeans, and black ankle boots. Nagsuot din ako ng black belt from Calvin Klein din.

"Ghad! This is really happening!" bulalas ni Tito Abel paglabas ko ng fitting room. Pinanood nila ako habang papalapit ako sa kanila.

"Yeah, I can't believe it, too." Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. My hair's done into a half ponytail with curls at the end.

Natigil lang ako sa pagtitig sa sarili ko sa salamin nang makarinig ng katok sa pinto. Dumungaw ang isang staff at nginitian ako bago sabihin na kailangan na ako.

"Let's do this," bulong ko at sumunod kay Tito Abel.

I was introduced first to the photographer before the photoshoot began. Pinakilala rin ako sa dalawang models na nandoon. Pamilyar sila sa akin dahil nakita ko na sila last Calvin Klein fashion show.

"Wow! That's good! Okay, continue what you're doing!" Puri ng photographer mula sa likod ng camera.

Lalong tumaas ang confidence ko dahil doon kaya mas ginanahan ako sa photoshoot. Nakailang beses pa akong palit ng damit dahil sa shoot. Sa panghuling shoot ay mas sexy na kaysa sa mga naunang outfit ang damit ko. Isang pares ng black underwear ang suot ko ngayon. Suot ang puting roba ay bumalik ako sa set kung saan may kama na ngayon.

"Keribels mo na yan, ah?" Tito Abel whispered while Jeff was entangling my curls.

"Yes," nakangisi kong sagot.

"Tell me when you're ready," wika ng photographer. Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ayusin ni Jeff ang buhok ko ay umupo na ko sa kama.

"I'm ready," wika ko. The gay photographer nodded and directed his camera to me.

"We'll also shoot behind the scenes so just relax, alright?" I scanned the cameras and lights around me before nodding. Relaxing music played on the background para mas magawa ko ng maayos ang shoot.

Humiga ako sa kama at medyo tinagilid ang katawan at ang balakang ko. I parted my lips and stretched my neck while looking at the camera with my sleepy eyes. Puro tunog ng shutter ang naririnig ko. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tinagilid ang ulo ko.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now