Chapter 19

50 7 0
                                    

"Aray ,ang sakit ng ulo ko!"

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit! unti unti ko idinilat ang aking mga mata. At sa pagdilat ko ay palinga linga ako dahil parang di ito kwartong napasukan ko? nasaan ako kung ganun?

Tinignan ko ang buong palilgid at ibang kwarto nga ang napasukan ko. Wait ,bakit parang pamilyar itong kwarto na to?matagal ako nag isip at sa pag iisip ko ,my eyes widened!

OMG! don't tell me na nandito ako sa guest room ni Garrett? agad ko inalala ang nangyari kagabi at di ako mapakali sa pwesto ko dahil sa nangyari. May ginawa ba ko sa kanya? bakit wala akong maalala?

Napasapo na lang ako ng noo dahil ni isa wala akong maalala ,ultimong pati mga sinabi ko di ko din matandaan!

Napaiwas ako ng tingin dahil nasinagan ako ng sikat ng araw ,dahil parang nakalimutan na isarado ang kurtina dito!

Napalingon ako sa cellphone ko na nakalagay sa tabi kaya agad kong kinuha yun. At sa pagkuha ko ay may isang nagmessage sa akin kaya agad kong tinignan yun.

Garrett:

Hi ,Claudette. paggising mo may nakahanda ng breakfast sa baba. Wag kang magexpect na nandiyan ako ,dahil umalis lang ako saglit. may kailangan lang akong asikasuhin sa ngayon ,you need to eat breakfast. Hintayin mo na lang ako diyan ,para maihatid na kita sa bahay mo Okay?

Pagkatapos kong basahin ang mensahe sa akin ni Garrett ay inilapag ko ang cellphone ko sa lapag ng kama ,saka muli ako humiga sa malambot na kama. Gosh! ang sakit ng ulo ko ngayon? naka ilang na bote ba ako kagabi at ganito nararamdaman ko?

Mahigit limang minuto ako nakahiga sa kama after that ,pinilit ko na tumayo at mabuti naman ay diretso akong bumaba. Pagbaba ko ay di ko nga nakita si Garrett dito. Napansin ko na rin na may nakahandang mga pagkain sa lamesa.

"Aray!"napahawak ako sa ulo dahil kumirot na naman.

Napansin ko na may lumapit sa akin na maid at may hawak siyang tubig kaya tinitigan ko siya.

"Hello mam ,tubig po?"alok niya sa akin kaya agad kong tinanggap yun.

"Uh.....salamat ho."ngumiti ako ng mariin saka ako uminom ng tubig.

Sa pag inom ng tubig ko ay kahit papaano ,gumaan ang pakiramdam ko.

"Nga pala po mam ,pinagbibilin po kayo sa akin ni Sir Garrett na kumain na po kayo ng breakfast."pagkasabi niya ay agad akong tumango ,kaya tumungo na ako sa dining room para makakain na ng agahan.

Kumakain na ako ng tahimik dun na mag isa ,papikit pikit pa ako ng mata dahil nararamdaman kong parang gusto ko pa matulog. Argh! next time nga ayoko na uminom ng maraming alcohol!

Sana wala akong nasabing di kaaya aya kay Garrett. pag lasing pa naman ako di ko na matandaan yung mga ginagawa ko or sinasabi ko.

Tinapos ko ang kinakain ko para makapag ayos na ako para sa sarili ko. Nung natapos na ako mag ayos ay umupo na ako sa sofa ,para hintayin ko na lang si Garrett. Mahigit 30 minutes ako nakatunganga dun kakahintay sa kanya ,kaya napagdesisyonan ko na manood muna habang di pa siya dumadating.

Napalingon ako na biglang may dumating na tao galing sa pintuan. nakasuot siya na puting t shirt kita ko sa noo niya na may pawis siya.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?"nilapitan niya ako saka siya umupo. Naamoy ko ang mabango niyang amoy kaya tumitig ako sa kanya.

Tumango ako ,"Oo ,kanina pa ako naghihintay dito. s-saan ka ba galing?"gusto ko lang malaman ,dahil paggising ko di ko na nakita ang anino niya.

He sighed deeply ,"Tumulong lang ako sa coffee shop dahil busy ngayon ang mommy ,that's it."pinunasan niya ang noo niya dahil sa pawis niya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now