CHAPTER 01

16 0 0
                                    

ESHTER'S POV.

"Eshter! Where are you?! Sunshine is in danger! She just can't take that monster on her own! Help her!"

Naiinis ko namang hinawakan ang wireless earphone na suot ko at irita iyong inalis sa tenga ko.

"Tch! If they don't want her to be in danger...." iritang singhal ko at dahan-dahang inilapit ang wireless earphone sa bibig ko. Huminga naman ako ng malalim. "THEN STOP SENDING HER ON DANGEROUS MISSIONS!" malakas na sigaw ko doon at galit iyon na inihagis sa tubig. Is she a team captain for nothing?!

For goodness sake, isa siyang team captain! And are they seriously asking me to help her? She's not even on my team! Ni hindi ko nga siya kasama sa iisang guild! We're from two different guilds. And yet... tsk.

I took a long and deep breath before facing Reikan who was laughing at me while stabbing the monster's head. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. "Anong nakakatawa do'n, Reikan?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

Mas lalo namang lumakas ang tawa niya. "Alam mo, stop being so hard on Sunshine. Instead of hating her, tulungan mo nalang ako dito." nakangiwing aniya para mainis ako.

"Tulungan? Ano pang maitutulong ko sayo, ha? Eh, patay na 'yan?" salubong ang kilay na asik ko sa kaniya para matawa siya.

Sa halip na sagutin ako ay may itinuro siya sa likuran ko. "Ayon, oh? Buhay pa?" nakangiting aniya habang nakaturo sa likuran ko para mapangiwi ako.

Bumuntong-hininga naman ako at hinawakan ng mahigpit ang hawak-hawak kong pana. I was about to face the so-called monster nang bigla nalang itong tumalon. I gritted my teeth out of frustration and changed my weapon into a spear.

Agad naman akong pumwesto at bago pa niya ako malapitan ay mabilis kong pinakawalan ang sibat na hawak ko. I genuinely smile ng tumarak iyon sa core niya— ang tinatawag namin na puso nila.

"Woah! Iba talaga kapag S-rank ka, ano?" asar ni Reikan.

Mabilis ko naman siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "Anong sinasabi mo? S-rank hunter ka rin naman, ah?" iritang tugon ko sa kaniya.

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kaniya at umupo sa ulo ng Arai na pinatay niya kanina. Magrereklamo na sana si Reikan nang bigla nalang mahulog mula sa itaas ang Arai na kinalaban ko kanina. Tch, ang lalaki nga ng katawan nila, ang hihina naman.

"Oh," tila nandidiring aniya para matawa ako. "Stop laughing. Why does it look so easy kapag ikaw na ang gumagawa? At tsaka, 'yung armas mo! You can change its shape, huh? Astig!" masiglang aniya para mapailing ako. Dahan-dahan naman akong napatayo at naglakad papalayo sa puwesto ni Reikan.

That's my ability. I can change my weapon whenever I wanted to, as long as my blood doesn't run out. The advantages of my ability? I can finish every fight, as long as there's blood– mine or not. And the disadvantages? I can run out of blood. I might die of blood loss. But since the higher-ups doesn't want to announce this on public, they kept it a secret, even among my teammates and fellow rankers. Even Reikan doesn't know this kaya ganyan siya magsalita. What's the point of hiding this anyway?

"Lost in thought?" biglang sulpot ni Vintage sa harapan ko para mapa-atras ako sa gulat.

"Are you trying to scare me?" salubong ang kilay na asik ko sa kaniya.

Dahan-dahan naman siyang napahawak sa baba niya. "Did I scare you, though?" aniya para mapailing ako.

Sa halip na sagutin siya ay naglakad nalang ako papalayo sa kaniya. "What are you doing here? Aren't you supposed to help Sunshine?" nakangiwi ngunit sarkastikong tanong ko sa kaniya para kumunot ang noo niya.

BLACK LOTUSWhere stories live. Discover now