CHAPTER 07

13 0 0
                                    

THEMARIE'S POV.

Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ko ang mga sugat ng mga pasyente dito sa clinic. They are deep. Sa sobrang lalim ng mga sugat nila ay halos makita na ang mga bones nila. This is new. I never encountered anything like this.

Marahan naman akong napalingon sa susunod na pasyente na gagamutin ko. My eyebrows furrowed nang makita kong putol ang kaliwang braso nito. Agad naman akong lumapit dito at marahang hinawakan ang putol nitong braso.

"What happened to your arm?" mahinang tanong ko sa lalaki.

Umiiyak naman siyang napatingin sa'kin. "... ripped..." mahinang aniya.

Napataas naman ang dalawang kilay ko. "Po?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"T-that monster r-r-r-ripped my a-arm! Akala ko ba safe zone itong association?! Bakit may mga nakapasok?!" sigaw nito sa'kin at susugurin na sana ako nang pigilan siya ni Bethany.

Hinila siya ni Bethany sa kwelyo ng damit niya at mabilis na itinali sa kama. "Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako—" natigil naman siya sa pagsigaw nang pisilin ni Bethany ang sugat niya. "AHHHHH!" malakas na sigaw nito bago mawalan ng malay.

Malakas ko namang hinampas sa braso si Bethany. "Bakit mo pinisil 'yong sugat niya?!"

She glanced at me. "Para manahimik na siya. Oh, 'di ba, effective?! Nanahimik na siya." tugon nito sa'kin.

Napangiwi naman ako. "Eh, nahimatay naman." mahinang bulong ko sa sarili ko.

"At least effective." tugon pa nito na ikinangiwi ko. Narinig niya pa 'yon?

Napa-iling naman ako. Mas mabuti nang gamutin ko na muna ang lalaking 'to bago siya magising. Marahan naman akong umupo sa isang stool na katabi ng kama niya and I slowly grabbed his right shoulder. What kind of monster ripped his arm? Shall I investigate after this? No, these patients still need me. Maybe, I'll just ask Bethany to investigate for me? It will be easy for her since she's an assassin.

"Kaya mo pa ba?" Bethany asked as she moved to my left.

I nodded at her. "Yes, kaya ko pa." sagot ko sa kaniya at gagamitin na sana ang ability ko nang hablutin niya ang kaliwang braso ko.

"Your nose is bleeding, Themarie. Maputla rin ang labi mo," aniya at hihilahin na sana ako patayo nang pigilan ko siya. She glared at me. "You need rest, Themarie. Kahit ilang minuto lang." salubong ang kilay na sambit niya para manlumo ako.

Nagbaba naman ang tingin ko sa putol na braso ng pasyenteng nasa harapan ko ngayon. Agad ko namang hinawakan ang balikat nito at mabilis na ginamit ang ability ko para gamutin ang putol na braso nito.

"Themarie!" galit na sigaw nito sa'kin at hahablutin na sana ang kaliwang braso ko nang lakasan ko pa ang ability ko.

I immediately closed my eyes when I felt this electric sensation in my hands. I can feel my hands trembling pero hindi ko pa rin tinigil ang pangga-gamot ko.

I slowly opened my eyes nang maramdaman kong may tumulo mula sa ilong ko. Matapos kong makita na may bago na siyang braso ay napangiti ako. Tatayo na sana ako sa kinau-upuan ko nang mapa-ubo ako ng dugo.

Mabilis namang lumapit sa'kin si Bethany at agad akong inalalayan. "Tanga ka ba? Nasa limit ka na pero nag-push ka pa rin na gamutin 'yang lalaking 'yan!" malakas na sigaw nito sa'kin.

BLACK LOTUSWhere stories live. Discover now