CHAPTER 03

2 0 0
                                    

ESHTER'S POV.

Tinatamad naman akong napa-upo sa pinaka-dulo ng mahabang lamesa na ginagamit nila dito sa loob ng Conference Room. At tsaka, why would I sit in front?

"Captain, Jack and Liu are both looking at you," bulong sa'kin ni Reikan na nakatayo sa likuran ko.

My eyebrows furrowed. I sighed before glancing at the two of them. I crossed my arms. "May kailangan ba kayong dalawa sa'kin?" kunot ang noo'ng tanong ko sa kanilang dalawa.

Nakangiti namang ipinatong ni Jack ang mga braso niya sa lamesa at natatawa akong tiningnan. "No. I'm just amused that you're here," natatawang aniya para mapailing ako.

Nilingon ko naman si Liu. He cleared his throat. "Same reason with Jack." maikling sagot niya na ikinangiwi ko.

Marahan naman akong napasandal sa upuan ko at salubong ang kilay na ipinatong ang dalawang paa ko sa lamesa. "This is supposed to be a meeting between the guild captains, so tell me, bakit nandidito kayong dalawa?" salubong ang kilay na tanong ko sa kanila. "You two are guild masters." dugtong ko na ikinatawa pa lalo ni Jack.

Can I kill him?

"Captain, huwag mong gawin 'yang nasa isip mo, you'll be prohibited to do missions if you kill him," mahinang bulong ni Reikan sa'kin.

Iniiwas ko naman ang tingin ko kay Jack. "Tsk."

Malakas namang natawa si Jack. "We are here because of you, Eshter." nakangising tugon niya. Liu nodded at his response. "Do you know why?" kunot ang noo at natatawang saad niya.

"No." deretsong sagot ko sa kaniya at hindi na siya pinansin. Napa-buntong-hininga naman ako at ipinikit nalang ang mga mata ko.

Maya-maya pa ay bumukas nang malakas ang double door ng Conference Room. "Where is she?!" rinig kong sigaw ni Sunshine.

"There she is." rinig ko ring saad ni Jack.

Napangisi naman ako nang marinig ko ang padabog na lakad ni Sunshine papalapit sa'kin. "Hoy! Eshter! Eshter!" sunod-sunod na sigaw niya pero hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko.

She pushed my chair. "Hoy! Sinabi ng— hoy!"

"Sunshine, stop it—"

"Keep quiet! The Chairman is here!" malakas na sigaw ni Gergen.

Sunshine kicked my chair. "Tch. Humanda ka sa'kin mamaya," saad niya at padabog na naglakad papalayo sa'kin.

I slowly opened my eyes nang bumukas ng malakas ang double door ng Conference Room. As soon as I opened my eyes, lahat sila ay napatayo to welcome his presence. Nangunot naman ang noo ko. Bakit ba ang hilig nilang buksan ng malakas ang pinto? Are they holding a grudge against the door?

Sinundan ko naman ng tingin si Chairman hanggang sa mapa-upo siya sa upuan niya na nasa pinaka-hulihan ng lamesa. Napalingon naman siya sa'kin. "It's nice to see you here, Eshter." nakangiting aniya para mapatango ako sa kaniya. Nagbaba naman ang tingin niya sa mga paa kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Can you... move your feet, Eshter?" aniya na ikinatango ko ulit. Marahan ko namang ibinaba ang mga paa ko at nakangiti siyang tiningnan.

My eyebrows furrowed when Reikan leaned at me, just right to whisper in my ear. "Don't mock the Chairman, Captain. Maawa ka sa'min. Kami nalang palagi ang sumasalo sa mga punishments at prohibitions mo," mahinang bulong niya sa'kin.

BLACK LOTUSWhere stories live. Discover now