006 - Messed up

0 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

   Parang isang patay na hinahatid sa huling hantungan ang nadarama ni Pia at Leon sa mga oras na iyon. Ang byahe pabalik sa kanila ay napakatagal at napakahaba. Unti-unting binibiyak ang dibdib ni Pia sa isiping magbabago na ang lahat sa kanila ni Ace.

Hindi naman mawari ni Leon, kung paano lulugar sa ganitong sitwasyon. Alam niya sa sarili na hindi dapat siya naroroon.

Everything's a messed. Yan ang paulit-ulit na katagang binabanggit ni Pia sa loob ng kanyang isipan. Mahigpit ang hawak sa manibela at tutok sa pagmamaniobra nito. Hindi man lang niya magawang tumingin sa rearview mirror para silipin ang dalawa sa likod. Para siyang tuod na tuloyang nanigas sa driver seat.

Walang kahit anong kataga ang lumalabas sa kanyang bibig. Marami siyang gustong sabihin, ngunit tila naumid siya, nawalan ng boses, nawala ang tapang.

"Pull over, ibaba mo ako sa track."

"But Ace..."

"What??"

Sa tono ng pagbanggit ni Ace ng tanong ay napakadiin. Naitikom na lamang ni Pia ang bibig at hindi na komontra pa.

Samantala, tuloyang natuod na rin sa tabi ni Ace ang kanina pa rin tahimik na si Leon. Paulit-ulit na kinu-kwestiyon ang sarili kung bakit naroon siya.

"Bring Leonard home."

Pagkatapos noon ay wala ng nagsalita pa hanggang sa makababa si Ace at umalis na ang dalawa.

Bago bumaba si Leon ay pinabaonan pa siya ni Pia ng mga katagang alam niyang kailangan niyang sundin.

"Don't ever ever leak any of what you heard or what you see. It can cost your life and your family. Think wisely, Santia."

Parang mayroong sumipa sa dibdib ni Leon sa narinig. Alam niyang delikado una palang, dapat asahan niya ng ganoon nga ang kahihinatnan, ngunit nagugulat pa rin siya.

"I.... understand!"

Naghiwalay ang dalawa na wala ng iba pang sinambit. Mabigat ang bawat hakbang na tinahak ni Leon ang daan papasok sa kanilang bahay.

"Where have you been?"

Nagitla pa ito ng mayroong magsalita. Nilingon niya ang nagsalita at natagpuang kompleto ang pamilya niya sa living room.

"We called you a few times. Did you intentionally turned off your phone and didn't joined us? It's a family dinner. What's with you Cl?"

Sinubukang igalaw ni Leon ang bibig para sumagot ngunit itinikom niya ulit iyon ng marinig muli ang sinabi ni Pia sa kanyang tenga.

He breathe deeply and waved his hand dismissively.

"I'm....okay! I...ah...I just need a rest. Good night!"

Lutang at wala sa sariling saad nito. Tumalikod na siya at iniwan ang pamilya sa sala na hindi alam ang magiging reaksyon sa tinuran nito. Ito ang unang pagkakataon na parang wala ito sa sarili, na parang hindi ito ang kilala nilang Cl. Ibang-iba. Mayroong kakaiba na hindi nila mawari.

Samantala, nakalaan na naman ang buong magdamag ni Ace sa kanyang kinalilibangan. Steering wheel na naman ang hawak niya. Daan na naman ang kaharap niya at wala siyang ibang iniisip kung hindi matapos ang karera. Kambyo, maniobra, tapak sa gas at overtake. Paulit-ulit. Parang isang makina na walang kapaguran. Hindi nakadarama ng pagod o pananakit ng katawan.

Mulat ang mga matang lumilipad ang isipan. Hindi niya matanggap ang lahat, parang isang malaking kasinungalingan ang buhay niya. Nabuhay siya sa mariwasang pamumuhay. Hindi siya nagtanong, nakuntento siya sa atensyon at pagmamahal ng nonno niya.

MoncatarWhere stories live. Discover now