008 - Her Actions

0 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

   Pagkatapos magpadala ng mensahe ni Cassiopeia sa pamilya ay agarang nagsikilos ang mga ito. Naiwan ang kanya-kanyang ginagawa ng mga ito upang maghanda at hintayin ang mga paparating.

Nabuhay ang sabik sa dibdib ng ama ng tahanan. Nagkaroon ng kulay ang mga mata ng bunso. Kumurba ang labi ng pangalawa at nagtiim-bagang ang panganay.

Hindi inaasahan ng lahat na magiging ganoon kabilis ang pagbabalik nito. Hindi inaasahan ng lahat na ang pagkilos ng kalaban ang magiging dahilan upang si Anastasia mismo ang lumapit sa kanila. Blessing in disguise, ngunit alam nila ang tanging rason nito, paghihiganti para sa matanda.

Ang matahimik na paglalakbay ng apat ay nakakabingi. Wala pang kasiguradohan ngunit alam ang direksyon, lalo na at ito ang kagustohan ni Ace.

Madilim na ng marating ng apat ang sadya. Magmula pa ng maabot nila ang napakataas na pader ay hindi na magkandaugaga si Pualsy sa kanyang inuupuan. Manghang-mangha ito habang pinagmamasdan ang napakataas na pader. Lalo na ng tuloyang makapasok sila. Sa haba ng daan papasok ay halos mangalay ang leeg nito kakatingin sa labas.

Malayo palang ay natanaw na nila ang malapalasyong tirahan sa unahan. Nabuhay ang kaba, takot at excitement sa dibdib ni Pualsy. Hindi siya makapaniwala at masyado siyang nahihiwagaan. Habang si Leon naman ay kalmado lang sa tabi ngunit bumangon muli ang takot na dalawang linggo niyang nilabanan.

Sa harap noon ay naroon ang mga taong naghihintay. Mga gwardiya at ang pamilya. Nakahilira habang naghihintay sa lulan ng sasakyang paparating.

Tuloyang tumigil ang sasakyan ilang metro ang layo sa napakataas na hagdan. Sa likod ng mga naghihintay.

Pinatay ni Cassiopeia ang makina at huminga. Sa harap ang tingin habang pinakikiramdaman ang katabi. Naghihintay ng sunod na aksyon nito.

"Watch over them, Cassiopeia!"

Madiing saad ni Ace na nakuha agad nito at kinataka ng dalawang lalaki sa likod. Gumalaw si Ace, hudyat ng paggalaw ng tatlo. Sabay-sabay silang lumabas. Panay lunok si Pualsy. Hindi alam kung paano ipipirmi ang naghuhurumentadong dibdib.

"Stay close, bulldog!"

Sa narinig ay hindi lang paglapit ang ginawa nito. Sa halip ay hinawakan ang kamay ni Cassiopeia at pinagsalikop pa, na kinagulat naman ng huli.

"What the??"

Gulat nitong saad. Tinatanggal ang kamay ngunit mahigpit ang hawak ni Pualsy. Tinignan niya ito ng matalim na kinailing lang nito ng dalawang beses. Parang batang takot maiwan.

"Tsk!!"

Inis na saad ni Cassiopeia. Hinayaan na lamang ito at sumunod kay Ace.

"You too, Santia!"

Hindi sumagot si Leon, ngunit narinig niya iyon. Kahit hindi sabihin nito ay gagawin niya pa rin.

Naglakad sila papasulong. Nasa unahan si Ace, habang nasa likod ang tatlo. Gitna si Cassiopeia. Diretso ang lakad papunta sa gropo sa unahan. Ramdam na ramdam ni Pualsy ang intimidation.

Hindi nakalampas sa paningin ni Cassiopeia ang mga tingin ng sariling pamilya sa kamay nila ni Pualsy. Pati siya ay nakaramdam ng kaba, ngunit kailangan niyang magpakatatag.

Tumigil si Ace ilang metro pa ang layo sa mga naghihintay.

"Welcome back, Anastasia!"

Pangunguna ng bunso at ginawa ulit ang ginawa noon. Lumapit at bahagyang niyakap ang kapatid. Ngiting-ngiti ngunit ang mga mata ay nasa likod, kay Leon. Lihim na napalunok naman ang huli.

MoncatarWhere stories live. Discover now