"Pasensya na. Nagkamali kayo ng taong nakuha. Ace Espejo ang pangalan ko. Wala akong kilalang Moncatar. Sana hindi na maulit ang pagkakamaling ito. Nakakaabala kasing masyado. Maaari na ba kaming umuwi? Mayroon pa kasi kaming pasok bukas?" "Kung totoo man ang iyong sinabi wala na akong pakialam. Masaya ako sa kung ano at sino ako ngayon. Kung totoo man na anak mo ako, sana respetuhin niyo ang desisyon ko. Hindi ako interesado sa posisyon o sa anumang tungkol sa sinasabi niyo. Magandang hapon!" "Araw-araw akong gumigising na ramdam kong hindi ako kompleto. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagtanong. Alam niyo ba kung bakit Nonno? Kasi naniniwala ako sayo. Naniniwala ako sa mga sinabi mo, pero ngayon... pakiramdam ko hindi ko talaga kilala ang sarili ko. Bakit Nonno? Bakit ganito? Bakit?" - Anastasia Charlegmaine Espejo Moncatar JOURNEY#07MONCATAR (Anastasia Charlegmaine Espejo Moncatar) STARTED: October 03, 2021 THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy
12 parts