Chapter 34

111 6 0
                                    


Nawawala na naman ang anak ko. Halos halughugin ko ang buong bahay. Wala sa kahit saang sulok ang anak ko. Wala rin ang paborito nyang unan, pati ang powerpuff girls nya na bag ay wala rin doon. Kahit ang so nitong balbon ay wala rin.

"Ate Osang naman! Nasana na ang anak ko! Diba sabi ko sayo bantayan mo eh!  Kaya nga kita kinuha para bantayan sya!  Nasan na yung anak ko... " hingal na hingal ako sa kakaiyak. Wala ang anak ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin.

Tinawagan ko na rin ang aking mga katrabaho kanina baka nakasakay ito sa mga kotse ng mga iyon pero wala din naman. Si Jonathan naman ay hindi ko rin macontact.

Nang makita ko ang tablet nito sa ibabaw ng kama nito ay lalo akong napaiyak. Mahal na mahal ng anak ko ang tablet na to. Nandito kasi lahat ng pictures nila ng Papa nya.

Impossible naman na magpunta sa dagat ang anak ko lalo pa at gabi na. Takot ang anak ko sa dilim. Halos halughugin ko na ang bawat kalye malapit sa bahay namin. Impossibleng makalayo ang anak ko lalo pa at gabi na. Ang sakit-sakit, birthday ko ngayon pero wala ang anak ko. Hindi ko na naman sya mahanap...

Mag-aalas dose na ng gabi pero nandito oa rin ako sa lansangan kasama si Ate Osang at iilang tanod na nag-iikot. Takot na takot ako. Hindi ko na lam ang gagawin. Bata pa ang anak ko para mawala sakin ng ganito kaaga. Kung ano-anong bagay na ang pumapasok sa aking isipan.

"Ma'am, umuwi na po muna kayo. Kami nalang po ang magpapatuloy na maghanap" kanina pa iyon sinasabi ng nga tanod pero ayokong sumunod. Hindi basta-basta sumasama sa ibang tao ang anak ko kaya kahit makita ito iyon ay tiyak akong hindi ito sasama.

"Hindi po, Kuya. Sasama pa rin po ako. Kailangan po ako ng anak ko ngayon" sigurado akong namamaga na ang aking mga mata sa luha dahil nananakit na rin ang mga iyon pero hindi ko kayang basta nalang umuwi sa bahay at mag-intay.

"Ma'am, may curfew po kasi tayo. Hindi na ho kayo pwede sumama sa amin dito sa labas pagsapit ng alas dose" lalo naman akong napaiyak. Hindi. Hindi pwede

"Sir, please naman po kailanga---" napahinto kaming lahat kasama ang mga tanod nang may pumaradang tatlong itim na suv sa aming harap. Nakakasilaw ang liwanag non lalo pa at isang poste lamang ng ilaw ang malapit sa aming kinatatayuan.

Lalo naman akong kinabahan ng bumaba ang ilang unipormadong lalaki at humilera sa labas ng nasa gitnang SUV. Binuksan ng isang unipormadong lalaki ang pintuan non at unang bumaba ang isang balbon na asong maliit kasunod non ay isang itim na mamahaling sapatos ng lalaki,  kasunod ay ang mamahalin nitong trousers na sa tingin ko ay kulay itim rin.

Halos mapugto ang aking hininga nang magtama ang mata namin ng lalaking may itim na itim na mga mata. Para syang isang lobo sa madilim na gabi. Nakasuot ito ng isang puting button down long sleeves habang pangko ang isang batang babae na may yakap na maiit na oblong na unan. 

"Liana" Kasing lamig ng tinig nito ang malamig na gabi.

Tila biglang sumikip ang kabuuan ng bahay na inuupahan ko. Niayoko nang bumangon sa kama habang yakap-yakap ang aking anak. Hindi maubos ang piping pagpapasalamat sa Diyos at sa lalaking nag-uwi sakin ng anak ko. Tulog na tulog na ito simula kanina. Nikahit sa byahe pauwi dito sa aming tahanan at nung ilapag ito ni Gabriel sa kama ay hindi man lang ito nagising.

Pilit ko namang inaampat ang mga luhang patuloy nalalaglag sa aking mga mata. Takot na takot ako nang malaman na nawawala ito pero mas natakot ako ngayon nang malaman na ito pa ang lalaking nakahanap dito.

Ang tagal rin naming nagtago at ngayon ay nahanap na nya kami. Natatakot akong baka isang araw ito naman ang kumuha sa anak ko. Hindi ko kakayanin.

Kahit napipilitan ay bumangon ako at bahagyang nag-ayos ng sarili. Pinagpag ko rin ang bahagyang nagusot na damit. Saktong paglabas ko sa silid ng anak ay naabutan ko ang paglabas ng iilang unipormadong lalaki sa bahay at iyon ang lalaking may itim na itim na mga mata. Prente itong nakaupo sa mahabang sofa at malaaguila ang paraan ng pagtitig sakin. Ramdam ko ang galit nito pero hindi ko alam kung kaya ko na nga bang harapin ang lahat ng iyon.

"What the hell were you thinking, Liana?!" Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng kabahayan ng makalabas ako at maisara ang pinutuan ng silid ng anak.

"Bakit mo pinabayaang lumabas mag-isa ang anak ko?!" napakagat na lamang ako ng pag-ibabang labi habang pinipigilan ang sarili na muling mapaiyak. I know na naging pabaya ako. Kung hindi ako nagdaos ng salo-salo ay hindi siguro mawawala ang atensyon ko sa anak namin.

Alam kong kasalanan ko iyon. Taksil ang mga luha. Tila nananadya itong pumatak at umagos pababa sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang aking mga binti ngunit bago pa ako bumagsak sa sahig ay may humawak na sa aking bewang kasabay ng pag-angat ng aking mga paa sa marmol na sahig.

Nang tignan ko ang dahilan noon ay nakita ko ang mukha ni Gabriel. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nito na gusto ko nalang isiping pag-aalala. Buhat ako nito sa kanyang malakas na bisig sa paraan na pangbagong kasal. Nagulat naman ako ng makitang tinatahak nito ang daan patungo sa aking silid ngunit masyado nang pagod ang aking katawan at mga mata para magprotesta at tumutol. Nang maramdaman kong ibinaba nito ang aking katawan sa kama ay doon na rin ako ginupo ng antok.

Gabriel...

---
Briburn_

LostWhere stories live. Discover now