Chapter 6

151 13 0
                                    


Madaling-madali ako habang papasok sa Montreal Enterprise. Tinap ko agad ang badge sa scanner upang makapasok, chineck din ng guard ang id na aking suot.

Nakakabungo na ko ng ibang empleyado ngunit wala na kong pakielam. Sampung minuto nalang late na ko. May mga papeles pa akong kailangan ilagay sa table ng head ng department  namin ngayon umaga bago ito dumating.

Malayo palang ay kita ko na ang maraming tao na nag-aabang sa labas ng elevator. Mukhang hindi lang pala ako ang napagtripan ng matinding traffic sa Edsa ngayon umaga dahil sa may nalaglag na kotse mula sa skyway.

Nang bumukas ang elevator ay pinilit kong makapasok ngunit ng malapit na ay may humaltak sa braso ko at hinila ako papunta sa dulong bahagi ng hallway kung nasan ang elevator na para lamang sa mga Montreal. Wala na kong nagawa, masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na ko nakapagprotesta pa. Nang tingnan ko kung sino ay nagulat ako.

"Blaine!" Lumingon lang sya sakin para ngumiti pero hatak-hatak nya parin ako. Hawak nya ang kamay ko habang tumatakbo kaming dalawa. Nang nasa harap na kami ng elevator ay agad nya namang pinindot ang up button. Abot-abot ang kaba ko. Napatitig na lamang ako sa iilang bantay na nasa tabi non na tinanguan lamang ni Blaine.

"Blaine, ano ka ba! Bawal d-"

"Good Morning, Sir" Bati ng mga guards na nasa loob ng elevator. Nagulat ako ng makita si Blaine na nakangiti lamang at parang tuwang-tuwa pa sa mga gwardya. Bakit kaya sya tinawag na Sir ng mga guards?

"Blaine! Tara na!" Bulong ko ngunit hinila nya na ko papasok sa elevator. Abot-abot talaga ang kabang aking nararamdaman. Matatanggal ako sa trabaho pag nalaman ito ng management at hindi ko na muli makikita si Gabriel. Ang pagtatrabaho ko na lamang dito sa kompanya ang nakikita kong tanging paraan at ayoko na mawala yon.

"Blaine! Tara na! Ayoko matanggal sa trabaho!" bulong ko kay Blaine at pilit ko syang hinatak palabas ng elevator ngunit sumara na ang pintuan nito. Shit!

"What floor, Sir?" Tanong nung isang guard. Nanlalaki ang mga mata lalo N na nang lumingon lamang sakin si Blaine na parang nagtatanong.

"24th" Hindi ako mapakali. Malaki ang elevator pero parang napakaliit non na tila ba hindi ako makahinga. tila bigla akong nanlamig at sobrang bilis ng pintig ng puso ko at nangyayari lang to pagmalapit sakin si Gabriel.

Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang may tumikhim sa likod namin at narinig ko ang pamilyar na boses na yon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok nang aking puso na parang nakikipagkarera.

"Blaine" Lumingon si Blaine ngunit ako ay hindi, nanatili lamang akong nakatingin sa harapan ko. Napalikit na lamang ako ng mariin habang hinihintay ang magalang na pagbati nito ng 'Sir' na alam kong masusundundan ng malamig nitong tinig na sasabihing tanggal na kaming dalawa ngunit hindi yon ang nangyari.

"Kuya! Hindi ka namin napansin!" Sabi pa nito na tila ba normal lang ang mga salitang binitawan at masayang-masaya. Literal na nanlamig ang aking tiyan. Ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit tinawag na Kuya ni Blaine si Gabriel? Idagdag pa ang pagtawag nang Sir ng mga gwardya at ang pagpapasakay ng mga ito samin sa loob ng elevator na ito.

"By the way, this is Liana Montreal" Saka hiwakan ni Blaine ang braso ko at hinarap sa taong kilalang-kilala ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin parang nagtaasan ang mga balahibo sa buong katawan at literal na kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nya sakin. Nakita ko ang pagbaba ng kanyang mga mata sa aking braso. Pasimple ko namang binawi ito sa pagkakahawak ni Blaine.

"Liana Montreal" Halata ang pagkadisgusto nito ng sambitin ang pangalan ko. Kita ang pagtatangis ng bagang nito at halata ang galit sa mga mata. Napalunok na lamang ako. Siguro ay hindi nya nagustuhan na Montreal ang apelyidong ginamit ko. Marahil ay pinagsisisihan na talaga ni Gabriel na ibinigay nya sakin ang apelyido nya... 

Biglang napahiya ako sa aking sarili saka napahawak sa kwintas na aking suot upang siguraduhin kung nakatago ba yon sa blusang aking suot.

"Yeah, Kuya. She's from accounting department and I don't know, maybe just a coincidence that Montreal was also her surname" Sabi pa ni Blaine. Mukhang hindi nito nararamdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Gabriel pero ramdam na ramdam ko yon.

"Accounting department huh? Montreal, yeah but I don't think its coincidence" Nang ibinalik ko ang tingin ko sa dito ay nakangisi ito na parang demonyo habang nakatingin sakin. Sakto namang tumunog ang hudyat na nasa 24th floor na kami. Akmang lalabas na ko ng elevator ay inunahan pa ko ni Blaine at naglahad ng kamay  na para bang isa akong prinsesa na bababa sa karwahe at si Blaine ang prinsipe sa kwentong yon.

"Mademoiselle" hindi ko naman mapigilang mapangiti. Natutuwa ako kay Blaine. Marahil dahil naaalala ko sa kanya ang dating Gabriel. Napakagentleman din nito noon at lahat ng gawin nito ay talagang kahahanga-hanga at nakatuwa.

Nakakahiyang tanggihan kaya tinanggap ko ang kamay nito. Inalalayan ako ni Blaine sa paglalakad na para bang isa akong porselanang piguring babasagin. Nakalagay ang isang kamay nya sa likod ko upang alalayan ako sa paglalakad.

Ngunit habang naglalakad kami palayo ay nilingon kong muli ang elevator at saktong papasara na yon. Muling nagtagpo ang mata naming dalawa ni Gabriel. Mababakas ang galit sa mga mata nito at ang iilang emosyong hindi ko mapangalanan ngunit agad din iyong nawala kasabay ng pasara ng elevator.

---

The stories I have are still on-going. Just vote, follow and support if you like the story. Sorry for any grammatical and spelling mistakes! Thank you!

Briburn_

LostWhere stories live. Discover now