Chapter 8

166 13 0
                                    


"Ha?"

"Have a date with me" Lalong napakunot ang noo ko ng ulitin nya yon.

"Blaine, wag mo nga ako pagtripan. Tsaka may asawa na ako" Naglalakad kami palabas ng accounting department. Alas otso na ng gabi ngunit trip parin akong asarin ng lalaking to. Nang mapadaan kami sa depatment nila Zyrene ay hinanap sya ng tingin ng aking mga mata ngunit tila nauna ng umuwi ito kesa sakin.

"Yeah. You said that a thousand times" tudyo nito habang tumatawa kaya nakitawa nalang rin ako. Pakiramdam ko ay hindi talaga ito naniniwala sa sinasabi ko base sa pagkilos nito ngunit iyon naman talaga ang totoo. May asawa na ko ngunit hindi ko naman pwedeng bastang ipagsigawan sa lahat kung sino ang taong yon. Ayokong mapahiya.

"Blaine" pareho kaming napahinto ni Blaine sa paglalakad at napatingin sa kanang bahagi ng corridor. Agad ko namang nakita ang papalapit na bulto ni Gabriel at Ms. Ivanna. Agad naman akong napaiwas ng tingin at pinigilan ang pagkabalisa. Tila nanlamig ang loob ng dibdib at nahirapang huminga.

"Good evening, Sir, Maam" bati ko saka tumungo. Hindi na ulit ako nangahas na iaangat ang tingin dahil ayokong matutunaw sa paraan ng pagtitig ni Gabriel. Hindi rin kakayanin ng aking puso at isipan na makita ng matagal ang kasweetan ng magkasintahan sa aking harap. Ayoko dahil sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay tila nauubos ang aking pag-asa na balang araw ay uuwi rin si Gabriel sa akin.

"Blaine, why don't you join us for dinner?" Wika ni Ms. Ivanna gamit ang kahali-halinang tinig ngunit puno parin ng elegante at awtoridad. Naaninag sa gilid ng aking mga mata ang marahang paglapit nito kay Blaine marahil upang bumeso. Nakatungo pa rin ang aking ulo. Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang kahihiyang meron sa aking katawan gayong hindi naman ako ang dapat mahiya.

"Where?" Takhang tanong ni Blaine sa tabi ko saka pasimpleng paghapit nya sa aking bewang papalapit sa kanya. Pasimple ko namang nahigit ang hininga para hindi mahalata ang pagkabigla. Ramdam ko ang nakamamatay na titig ng lalaking kaharap ngunit marahil dapat kong ipagsawalang bahala iyon lalo pa at may magandang babae na nakayakap aa braso nito ngayon. Taksil ang aking mga mata tila pilit ipinapamukha sa puso at utak ko na mali ang mangarap na makasama ang lalaking itong muli sa isang simpleng buhay.

Ang lalaki sa aking harap na may itim na itim na nakakahipnotismong mata, matangos na ilong at mapulang labi na may bruskong pangangatawan na nakasuot nang sa aking tingin ay mamahaling armani ay malayo sa lalaking nakasama ko sa Batangas noon. Ang lalaking napangasawa ko ay isang simple lamang na lalaki na mahilig magpolo shirt lamang at jeans sa tuwing aalis na laging pinaparisan lang ng paborito nitong converse.

"C'mon, Blaine, join us. Your brother mentioned he'd love to ask you about something. Maybe we can talk it out over a dinner" Wika muli nito saka matamis na ngumiti hindi man lang nag aksayang tapunan ako ng tingin. Nakakapit ang mga kamay nito sa braso ni Gabriel ay nakapamulsa lamang sa suot na slacks na talagang mamahalin. Bagay na bagay sila ng babaeng katabi. Maaring maging wedding of the year nga ang kasalan ng mga ito lalo pa at tiyak na mayaman rin si Ms. Ivanna kaya pagnagkataon na natuloy nga ang kasal nila ay siguradong ito ang pinakamagandang bride.

"Only if, Liana will come with me. Would you?" Napaangat naman ang tingin ko kay Blaine ng maramdaman na pisilin nya ang bewang ko.

"H-ha?" Ngumiti si ito saka humarap sa akin at mas hinapit pa ang aking katawan palapit dito. Nanigas ang aking katawan sa pagkailang lalo na nang pisilin ng daliri nito ang tungki ng aking ilong. Sasagot na sana ito ngunit nagsalita ang baritong boses ni Gabriel.

"I don't want to go to a restaurant anymore. I wanna have you for dinner instead" narinig ko naman ang impit na pagtili ni Ms. Ivanna ngunit ng lingunin ko ang dalawa ay sakin naman nakadirekta ang mainit na mata ni Gabriel. Literal na nagtayuan ang mga balahibo ko nang pumasok sa utak ko ang ilusyon na para sakin ang kanyang tinuran at hindi para sa babaeng kasama. Naramdaman ko ang pag-init ng aking tenga patungo sa aking batok sa kahihiyan.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon