Chapter 39

120 6 0
                                    


Kakababa palang namin ng kotse ni Gabriel ay agad na kaming sinalubong ni Zy na nagmistulang organizer yata ng event ng anak. Nakasuot ito ng dilaw na halter dress na maiksi ang laylayan sa harap at mahaba sa likod nabinagayan ng kulay puti na heels. Nakakulot pa ang kanyang buhok at meron syang masayang ngiti sa kanyang labi na umaabot na sa mata ngayon. Nang makalapit ito akin ay agad naman ako nitong niyakap.

"Ateng! Thank you ha! buti pumunta ka, akala ko di ka talaga mapipilit ni Kuya e----"

"Liana, Hija, It's nice seeing you again" Agad din ako nitong yinakap at saka humalik sa aking pisngi. Doña Helena Montreal, still napakaganda pa rin nito. Mas bumata pa yata ito ngayon kesa nung huli ko itong makita. Napakasopistikada pa rin nitong tignan sa suot nitong mamahalig bistida na may disenyon tingin ko ay tunay na diyamante sa bandang gitna. Buti nalang kahit papano ay nag-ayos ako ngayon. Parehas kami ni Yna ng suot na damit, simple dress na kulay pink na may ruffles sa balikat at laylayan. Si Gabriel naman ay nakabuttondown na longsleve na kulay puti at itim na slacks.

"Good morning po" Nginitian ko naman ito maging si Zy na may mapangbuskang ngiti sa labi.

"Hijo, is she my great grandchild?" Noon ko lang napansin na katabi ko na pala si Gabriel na karga sa bisig si Yna. Ipinalibot naman ni Gabriel ang isang bisig sa maliit kong bewang. Tumango naman ito sa nakakatandang Montreal at saka ibinaba si Yna.

''Come, give your great granny a hug'' Tu mingin naman muna sakin ang anak ko na tinanguan ko naman. Lumapit naman ito sa ginang at nagmano muna bago yumakap.

"Apo, hijo, I'm so glad that you ang Liana were back together again. I thought Blaine and Zy were just bluffing, hijo" hindi ko naman mapigilang mapalunok ng mariin sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng ginang, marahil ay akala talaga nito ay nagcool off lang kami ni Gabriel o kung ano man pero hindi talaga ako makomportable. Pinisil naman ni Gabriel ang aking bewang kaya napaangat ang tingin ko dito. Hinalikan naman nito ang aking noo saka bumaling muli sa matanda.

"We're taking things slow, Grandma" Ngumiti naman ang ginang, tinignan ko naman ng masama si Gabriel. Babawiin ko na sana ang sinabi nito ngunit paglingon ko ay magkahawak-kamay na ang ginang at ang aking anak palayo, papasok sa malaking palasyo sa aming harapan. Inaya naman na kaming pumasok ni Zy sa garden. Doon daw kasi ginanap ang salo-salo.

Hindi ko maiwasang maaikot ang aking tingin sa kabuuan ng palasyon ito, parang bumalik ako sa spanish era ng Pilipinas at ang palasyong ito ay pag-aari ng isang sikat at makapangyarihan na tao. Malaki ang bahay na ito at sobrang dami ding maids na ankapila at kapwa nakasuot ng magkakaparehas na damit bilang uniform. Halatang mamahalin at antique na ang mga gamit. May naglalakihang banga din kanina sa tabi ng malaking entarada ng mansion ngunit kahit na sobrang ganda at may pagkaspanish themed ang bahay ay hindi naman ito nakakatakot. Homey ito.

Napahinto naman ako sa harapan ng isang malaking portrait ng pamilya sa tabi ng grand stair case. Larawan iyon ng isang ginang na may magandang ngiti sa labi, aristokratikong ilong at mapupungay ay itim na itim na mga mata. Marahil dito nakuha ng magkapatid na Montreal ang kanilang mga mata. Nakasuot ito ng pulang makintab na bestida na binagayan ng naglalakihang dyamante sa tenga at leeg neto. Sa tabi ng ginang ay isang lalaking kamukhang-kamuha ni Gabriel maliban sa mata nito dahil ang mata ng ginoo ay kulay asul. Sa harap ng mag-asawa ay may dalawang bata na kapwa nakasuot ng tuxedo kagaya ng ama. Ang mas matangkad na bata ay alata ang kasungitan na sigurado akong si Gabriel ang isa naman ay may pilyong ngiti sa labi.

"She's Alicia Grace Montreal, my mother" Napaisip naman ako dahil pamilyar ang pangalang binigkas ni Gabriel na nasa tabi ko na pala, akala ko kasi ay mas nauna na ito maglakad. Tinignan ko naman ito na nakatingin sa portrait na kaharap. Malambot ang expression sa mukha nito at may maliit na ngiti sa labi habang nakangiti sa ina.

LostWhere stories live. Discover now