Epilogue

158 5 0
                                    


It's been a year since that fateful day pero sa tuwing naaalala ko yon, bumabalik pa rin lahat ng sakit. Ala-alang alam ko kahit kelan ay hindi ko makakalimutan. Nakatayo lamang ako sa harapan ng isang lapidadito sa loob ng sementeryo. Nakagawian ng gawin isang araw sa isang linggo. May dalang mga puting rosas. Minsan ay dito namin inuubos ang maghapon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inakala na mangyayari ang lahat ng ito. Nabibisita ako sa puntod na ito, uusal ng dasal ng pagpapatawad at pagpapasalamat. Marahil kung hindi dahil sa kanya, sa kanila ay hindi ako magiging matibay.

"Ma!" Napalingon naman ako ng marinig ko si Yna ang aking anak. Magnanine years old na ito ngayong taon. Napangiti naman ako ng makita itong nagtatatakbo palapit sakin habang sinusundan ng iilang mga bodyguards. Nang makalapit ito sakin ay agad itong yumakap sa bewang ko.

"Anak diba sabi sayo ni Mama wag kang magtatatakbo?" humagikgik naman ito at saka ngumiti ng pilya saka sinenyasan akong yumuko. Yumuko naman ako dito.

"Si Daddy po kasi hinahabol ako. Sabi nya pagnaunahan ko sya may ibibigay daw po sya sakin na prize" Napatawa naman ako sa sinabi nito.

"Baby, I told you not to tell Mama. IKaw talaga" agad namang lumapit si Gabriel sa anak namin at saka ito pinangko. Twa naman ng tawa ito ng pinupog ito ni Gabriel ng halik sa leeg.

"Daddy!" sigaw naman ng sigaw ang anak ko habang tawa ng tawa. Nnag ubuhin ito ay agad namang huminto si Gabriel. Inabutan ko naman ito ng bottled water para painumin si Yna ng tubig. Nilagyan ko an rin ng towel ang likod nito at saka pinunasan ang pawisang mukha. Ganon na rin ang ginawa ko kay Gabriel.

"Daddy, nauna po ako eh! ano po ba yung prize ko?" kumunot pa ang noo nito sa ama. Nagkatinginan naman kami ni Gabriel at napatawa lalo na ng ngumuso ito. Pinanlakihan ko naman ng matasi Gabriel ng kindatan ako nito.

"Baby, ano nga yung wish mo nung birthday mo?" umakto naman itong nag-iisip. Ilang segundo lang ay ngumiti na agad ito ng pagkakalapad.

"Another dog po kasi dead na si Pocholo" Napahagalpak naman ako ng tawa ng sumimangot si Gabriel. Sinamaan pa ko nito ng tingin saka pinisil ang ilong ng anak.

"HIndi anak, yung isa" nag-isip na naman ito.

"AH! ALAM KO NA DADDY!" Mukha namang tuwang -tuwa si Gabriel sa narinig. Tumingin pa itong muli sakin at saka nagtaas baba ang dalawang kilay at may pilyong ngiti sa labi.

"What is it, baby?"

"Papayagan nyo na po ba ko na magboypren?" halos gumulong ako sa kakatawa. Simangot na simangot naman ang pagmumukha ni Gabriel. Madilim din ang mukha nito at parang papatay.

"Diba baby sabi sayo ni Daddy, pwede na pagfourty three" iniapan pa ko nito habang parang mauutras na ko sa kakatawa.

"Edi ano po yung surprise nyo sakin?" agad namang bumalik ang ngiti sa labi nito saka inilapag si Yna sa bermuda grass ng sementeryo. Bumaba naman ito sa lebel ng mukha ng anak saka hinawakana ng tiyan ko. Napatingin naman don ang anak ko na pumaling pa ang ulo at atkhang-taka.

"Sya, Baby?" umangat naman ang tingin sakin ng anak ko habang salubong na salubong ang kilay.

"Si Mama po?" Lalo na kong napahagalpak sa tawa, napahawak na ko sa tiyan ko dahil pakiramdam ko ay nananakit na yon. Nag-aalala namang tumingin sakin si Gabriel at nginitian ko anman ito para sabihin na ayos lang. Huinga naman ito ng malalim saka muling tuminin kay Yna at saka ngumiti.

"Hindi, anak. Bale parang ganon na rin. Si Mama kasi may baby sa tiyan nya" Nanlalaki anamna ng mata ng anak ko ng marinig iyon. Agad naman nitong itinaas ang suot kong lavander na bestida at pumailalim don saka tumapat sa tiyan ko. Napatingin anman ako sa mga bodyguards an ngayon ay kapwa nakatalikod na samin. Ang init init naman ng mukha ko. Nnag lingunin ko naman si Gabriel ay mukhang tuwang-tuwa naman ito sa nagaganap. Lalo naman akong namula sa kahihiyan ng iangat din ni Gabriel ang suot kong bestida at parang timang na nakipagkwentuhan sa anak namin sa loob non.

LostWhere stories live. Discover now