Chapter 22

45 5 0
                                    

Sa nagdaang araw ,wala akong ginawa kundi magmukmok sa loob ng bahay. Nabobored na nga ako dito sa bahay dahil wala akong masyadong ginagawa ,kundi matulog ,kumain or maglinis ng bahay. Buti na lang at pumunta si Tin dito para ayain magbar. Pumayag na rin ako sa gusto niya dahil namimiss ko na rin na magbar na siya lang ang kasama ko.

Natuloy ang plano namin pagsapit ng gabi ,tuluyan na kaming nagbar sa dati naming paboritong bar malapit dito sa amin. Sinuot ko yung bigay ni Tin sa akin na damit nung pasko at masasabi kong sobrang ganda at bagay sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung isusuot ko ito dahil parang tingin ko ay di fit sa akin. But unfortunately ,okay naman siya sa akin.

"Lasing ka na ba ,Tin?"tanong ko sa kanya. nandito kami sa loob ng bar at halos papikit pikit na si Tin sa harapan ko dahil siguro sa kalasingan niya. Pagpunta kasi namin dito ay halos wala pang trentang minuto ay naka isang bote na siya ,samantalang ako ay nakakahalati lang.

Sa aming dalawa ,ako lang yung di masyadong naglalasing kapag siya ang kasama ko dahil ako ang nagdadrive pauwi sa bahay ko or sa kanila.

Tumingin siya sa akin ,"T-tingin mo ,l-lasing na ba ako Dette?"tanong niya sa akin habang namumungay ang kanyang mata.

I chuckled ,"Talagang nagtanong ka pa sa akin noh? malamang ,sa itsura mong yan di ka pa ba lasing niyan?"I sarcastically said. Though ,medyo may tama na ako sa iniinom ko pero di gaano kagrabe ang nakikita ko kay Tin.

Napasimangot siya dahil sa sinabi ko kaya uminom na lang siya ng alak niya

"Alam mo? umuwi na lang tayo. lasing ka na oh?"sabi ko sa kanya saka siya tumingin sa akin.

Mabilis siyang umiling ,"H-hindi pa ako l-lasing! magsaya pa t-tayo Dette Dette!"pasigaw na sabi niya.

Napangiwi ako. What the hell? ganito na ba talaga siya huh?

"Bakit pala di mo kasama yung lalaking kinahuhumalingan mo?"iniba ko na yung topic para may mapag usapan naman kami! dahil kanina pa kaming umiinom dito pero wala naman kaming topic na mapag usapan.

Bumaling ulit siya ng tingin sa akin at nakita kong napakagat siya mg labi.

"Pumunta ng Palawan eh ,"Tin said ,"Kaya ako lang mag isa."

Kita ko sa mata niya na pinipilit na lang niya idilat ang kanyang mata.

Tinagilid ko ang ulo ko ,"Sino ba yung taong ka date mo ngayon?"diretsong tanong ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi siya dahil sa sinabi ko. What? bakit niya ako nginingisian?

"Kilalang kilala mo na yun eh!"humalakhak siya ng malakas kaya kumunot ang noo ko.

Kilala ko? sino naman yun taong yun?

"Who?"seryosong sabi ko sa kanya. huminga siya ng malalim bago siya magsalita.

"Sino pa ba ,edi si Alarick."saka siya uminom ng tubig.

Lalo akong napatitig sa kanya sa huling pangalang binanggit niya. Ano sabi niya ,si Alarick ngayon ang dinedate niya?

"Si Alarick?"tanong ko sa kanya ,"Yung pinsan ni Garrett ,siya ba yung tinutukoy mo?"malay ko ba kung siya yun ,di naman siya nag iisang Alarick sa buong mundo.

Napahawak siya sa sentido niya at parang nakakaramdam na ng hilo.

Tumango siya ,"Oo ,siya yun."she smiled.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. What? pinsan pa talaga ni Garrett ang pinatos niya ah?

"Ah si Alarick......"patango tango ako ,"Magkakilala na ba kayo nung pinakilala kita sa ospital?"tinaasan ko siya ng kilay.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now