Chapter 34

919 14 1
                                    

Chapter 34

"What do you mean?" Hinarap niya na sa akin yung katawan niya.

I was about to speak when he interrupted me with a sigh. "My cousin, yeah."

No! It's about Olivia and you! Gusto kong isigaw sa mukha niya 'yon pero para akong nawalan ng lakas. Gusto kong mag-ipon ng katapangan para lang masabi sa kanyang mahal na mahal ko siya. After all this time, siya lang, at siya pa rin ang mahal ko. Na ang humahadlang lang sa akin ay si Olivia, at may gusto pa akong patunayan sa magulang niya, lalong lalo na sa Mama niya.

Ang dahilan kung bakit ko siya iniwan ay para hindi ko siya mahila pababa habang sinusubukan namin ni Papa'ng umahon sa hirap.

He was too early because when we met, I still have nothing. Literally nothing. Kaya kami ni Papa, sa kanya naka-asa.

Hindi na ako nakapagsalita. Iniba na rin niya ang usapan. Nagtanong siya ng tungkol sa proyekto namin at kung ano na yung progress ng pag-aayos ko ng plano.

Quarter after two in the morning, nagligpit na kami at umuwi.

"Salamat, Engineer," I said with a smile.

Sobrang na-appreciate ko yung ginawa niya para sa akin. 'Yon nga lang, malaking pala-isipan pa rin kung bakit ganoon ang pag-aya niya sa aking kumain. Is he courting me? Nandoon pa rin yung posibilidad na pwedeng mangyari yun, pero paano si Olivia? Hindi ba't engaged sila sa isa't isa?

Pagkauwi ko, nandoon na si Sebastian. Kakagaling lang niya sa club dahil bumisita ang mga kaibigan niya galing sa Barcelona. They were inviting me but I was too tired and sleepy to party. Besides, may proyekto pa akong dapat na inuuna, so I declined.

Kumakain siya ng lugaw at nakakalahati niya na ang isang pitsel namin ng tubig.

"Saan ka galing? Nagdate ka?" Mapanukso niyang tanong.

"Anong date? Inaya lang akong kumain ni Apollo." Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom 'yon nang diretsahan.

"Inayang kumain. Nagdate."

Umiling ako at hinugasan na yung ginamit kong baso.

"I'm tired, pasok na ako sa kwarto ko."

Humalakhak si Sebastian. "Alright. Magkwento ka mamaya."

I frowned at him and went inside my room. I brushed my teeth before laying on my bed. Pinatay ko na ang lamp sa bedside table at sinubukang matulog.

I've had a few toss and turns but I can't sleep. Inabot ko ang cellphone ko at hindi ko alam kung bakit sa text message ni Apollo ako pumunta.

Ilang beses akong nagdelete ng gusto kong sabihin hanggang sa nakuntento na ako.

Ako:
Thank you for tonight!

Wala pang isang minuto, nakatanggap na agad ako ng reply.

Apollo:
No worries. Gusto ko rin ng may kasamang kumain, so I figured to take you out.

See? That wasn't a date! Gusto lang na may kasamang kumain.

Ako:
Bakit ako? Akala ko, Arch. Olivia's place is closer to yours? And isn't she your fiancee? Dapat siya ang kasama mo?

"Oh, shit!" I sounded so nosy! Gustuhin ko mang i-delete pero hindi na rin pwede.

Apollo:
Ikaw yung gusto ko, kaya ikaw yung inaya ko.

Gusto? Makasama?

Adelyn, why the hell are you expecting something more?

Itinabi ko na yung cellphone ko at ipinikit ang mga mata, sinusubukang matulog.

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora