Chapter 22

760 9 0
                                    

CHAPTER 22


Napatahan na ako ni Apollo at nanatili lang siyang nasa tabi ko habang pinaglalaruan ko ang water bottle na pinabili ni Apollo kanina kay Kuya Marlon para sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang doktor. Magkahawak-kamay kami ni Apollo na lumapit sa doktor habang sinasabi niya kung ano ang nakita nilang sakit ni Papa.

Tama si Engineer Guzman na heart attack nga ang dahilan. May nagbabara daw sa patuloy na pagdaloy ng dugo sa puso ni Papa. Hinayaan ako ni Apollo na sumama kina Kuya Marlon at Engineer Guzman sa kwarto ni Papa at may pupuntahan daw siya. Hindi ko na tinanong kung saan.

"Papa," bulong ko at hinawakan ang kamay niya.

He's still unconscious and it saddens me because he's the only family I have now. Wala na akong Mama, ayaw kong mawalan pa ako ng Papa. Marami pa akong plano para akin, sa aming dalawa, at gusto kong maranasan ang mga 'yon na kasama siya.

"Wake up, Papa..." dinikit ko ang likod ng palad niya sa pisngi ko at naramdaman ko ulit ang namumuong luha sa mata ko.

"Adelyn, umuwi ka muna para magpahinga. Baka may homework ka pa." Sabi ni Engineer Guzman at hinaplos niya ang likod ko.

"D-Dito na lang po muna ako hanggang sa magising si Papa." Malungkot kong sabi sa kanya at binalingan ulit si Papa. "Dito ko na lang po gagawin ang homework ko. Maya-maya."

"Kung 'yan ang gusto mo. Maghahapunan na rin. May gusto ka bang kainin? Gusto mo bang sumama sa akin para tumingin ng makakain?"

Nilingon ko ulit siya at binigyan ng tipid na ngiti. Umiling ako. "Dito na lang po ako. Kahit ano po, ayos lang sa akin."

Bumuntong-hininga siya at tumango. "Sige. Dadalhan ka na lang namin ng makakain. Pabalik na rin si Apollo."

"O-Opo..."

Umalis na siya at gusto pa sanang magpa-iwan ni Kuya Marlon para mabantayan ako pero pinilit ko siyang sumama na kay Engineer Guzman at kung pwede, umuwi na rin siya para magpahinga.

Nang makaalis na rin sila, ilang minuto pa ang pinalipas ko, nilabas ko na ang libro ko para magsimulang gumawa ng homework. Inuna ko ang mga nasa libro lang dahil may isang gawain na kakailanganin ng pang-research. Lowbatt na rin ang cellphone ko dahil ginamit ni Alice ito pang-search sa homework na nakalimutan niyang gawin.

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at nang lingunin ko 'yon ay nakita ko si Apollo. Sa likod niya ay sila Engineer Guzman at isa pang trabahante na lagi ko ring nakakasalubong sa site.

"Kumain ka muna, Adley," marahan ang boses na sabi ni Apollo at dumapo ang tingin ko sa paper bag na hawak niya.

"Let's eat this in the canteen?" He asked as he extended his hand so he could hold mine.

"Ako na muna ang magbabantay kay Ramil, Hija. Sige na, kumain ka muna." Sabi noong trabahante at tipid na ngumiti sa akin.

Itinabi ko ang gamit ko pang-eskwela at sumama kay Apollo. Hinayaan ko na si Engineer Guzman at 'yong trabahante na magbantay kay Papa. Babalik naman ako pagkatapos kumain.

"Are you done with your homework?" Apollo asked.

"May isa pa pero kailangan ng research do'n, e. 'Di bale na, research lang naman, walang sasagutan. Pang-recitation lang."

"You can use my phone."

Mahina akong tumawa at umiling. "Hindi na kailangan, Apollo."

Nang makarating kami sa canteen ay naupo na rin kami kaagad at siya ang naglabas ng pagkain. Dalawa ang binili niya. Isa sa akin at isa sa kanya. Habang kumakain, napa-isip ako sa bayarin. Siguradong mataas-taas ang bill ni Papa lalo na at mukhang maco-confine pa siya. For observations and lab testings.

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Where stories live. Discover now