Chapter 38

803 10 0
                                    

CHAPTER 38


Pagkatapos noon ay bumulong ako kay Sebastian dahil gusto ko nang umuwi. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay sasabog na lang ako basta-basta.

Alam niya na may mali siya. Alam niya na nasaktan niya ako. Alam niya at nagsisisi siya. Dati pa niya ako pinatawad.

Ngayon, humihingi rin siya ng kapatawaran.

Ito yung kapatawaran na alam kong matagal ko na ring ibinigay sa kanya, hindi pa man niya hinihingi. I've forgiven him and myself para palayain ang sarili ko sa sitwasyon na 'yon.

Ilang buwan, kahit nasa Madrid na, na parang nakakulong pa rin ako sa pangyayaring 'yon. Hindi ko kayang iwaksi sa isipan ko kasi bawat pagpikit ko, nakikita ko ang itsura niyang nandidiri sa akin at naririnig ko pa ang mga masasakit na salitang binitiwan niya.

Oo, pinatawad ko na siya. Pero hindi ibig sabihin noon, wala na rin ang sakit.

"Guys, we have to go," sabi ni Sebastian habang hawak ang kamay ko dahil alam niyang nanlalambot ako.

He's holding my hand to keep me from falling apart.

Ipinagsalikop niya ang aming mga daliri para mahawakan ako nang mas maayos.

Nakangiti lang ako nang tipid habang siya ang nagpapaliwanag sa mga kasamahan namin.

"Baka 'di na ako makapagmaneho pauwi, maaksidente pa kami ni Adley," sabi niya nang natatawa.

I squeezed his hand a bit and his thumb caressed me.

"Sige na nga!" Natatawang sabi ni Engineer Cruz. "Ingat kayo! Congrats again to you, Architect Belardo."

"Salamat po, Engineer." My voice broke but I don't think anyone noticed that besides Sebastian.

Lumabas na kami sa kwartong 'yon at sa tabi ng sasakyan niya, doon na rin ako nagsimulang humagulgol.

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Maingat niyang hiniga ang ulo ko sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Shh, Adley..." Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. "Nandito si Kuya, okay? Hindi kita pababayaan."

Nang kahit paano ay nahimasmasan ako, humiwalay na ako sa kanya pero pagtingin ko sa likod niya, nandoon sa kalayuan si Apollo na nakahalukipkip habang pinagmamasdan kami.

"Let's go," sabi ko at nagmadaling sumakay sa kotse niya.

We were silent the whole trip back to the condo. Hinayaan naman niya akong magpahinga na sa kwarto ko pero ang sabi niya, sa sala na lang daw muna siya matutulog para kapag may kailangan ako ay nandoon na agad siya.

Hindi naman ako binigo ng mga mata ko dahil pagod na rin ang mga ito kakaiyak, kaya siguro nakatulog na rin ako kaagad.

Nagising na lang ako nang makaamoy ako ng mabangong pagkain. I tied my hair and went out of the room, and I saw my brother in the kitchen, cooking.

Nilingon niya ako at agad siyang ngumiti. "Halika na. Breakfast na muna tayo bago tayo pumasok sa opisina."

Ipinaghila niya ako ng upuan at pinanood siyang dalhin sa lamesa ang mga niluto niya. Fried rice, sunny side up, hotdogs, and tocino. These are my favorite breakfast food.

Siya na rin ang naglagay ng kanin at mga ulam sa plato, pati ang pagsalin ng orange juice sa baso, bago siya naupo at pagsilbihan ang sarili.

"How are you feeling?" He asked while we were eating.

"Better," tipid kong sagot.

"Gusto mo mamaya after office hours, mag-arcade tayo? Or do you want to watch a movie while we're eating dinner?"

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon