Prologue

2.4K 29 1
                                    

PROLOGUE


"Hoy, kayong dalawa!" Natatawang sita sa amin ng isa naming kaibigan. "Tama na nga 'yang halikan niyo! Maubos ang labi niyo r'yan, e!"

"Huwag mo siyang pansinin," nakangising sabi ni Owen, ang boyfriend ko, nang humiwalay siya sa akin para magsalita.

"Nai-inggit lang si Bea. Never been kissed, never been touched!" Natatawang wika ni Alice, ang pinsan ni Owen.

Umayos ako ng upo sa hita ni Owen at humarap kay Alice. Nilahad ko ang kamay sa kanya, humihingi ng isang stick ng sigarilyo niya.

"Kumuha ka na rin kasi ng boyfriend!" Kinindatan ko siya.

Inirapan ako ni Bea habang hinihitit ang kanyang yosi.

Itinapon na muna ni Alice ang sigarilyo sa sahig at tinapakan bago kumuha ng isa para sa akin at inabutan din ako ng posporo. I lit the cigarette and puffed.

Ang pinag-usapan na namin ay ang huling fling ni Alice. Ang sabi ay nahuli sila ng secretary ng student council na naghahalikan sa banyo noong isang araw. Para daw hindi magsumbong, hinayaan na niyang sumama 'yon sa kanila sa banyo. Gusto raw noon 'yong ex fling ni Alice, e. Ngayon, magboyfriend na sila. Wala namang pakielam si Alice doon.

"Weh? Kahit kaunting selos?" Tukso ko.

Kinuha ni Owen ang sigarilyong hawak ko at humipak din doon pagkatapos ay binalik niya sa akin.

"Wala!" Namumula ang pisngi ni Alice.

Hindi ko alam kung dahil ba sa init 'yon o nahihiya siyang malaman namin na nagseselos siyang talaga.

"Adley, nagpaalam ka na ba sa papa mo?" Tanong ni Christian. Katatapos niya lang magyosi at tinago na rin ang isang pack niyang sigarilyo.

May tindahan sila Christian at Alice kaya malaya silang nakakanakaw sa kanilang tindahan. Sa kanila namin nakukuha ang mga ipinagbabawal tulad ng alak at sigarilyo.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ha?"

"Nakalimutan mo na?"

Maliligo nga pala kami sa dagat!

"Hindi pa," humalakhak ako at tumayo. "Uuwi na ako para makapagpaalam na rin. Medyo malayo-layo pa kung lalakarin 'yong site."

"Sige, uwi na rin tayo!" Sabi ni Alice. "Excited na akong isuot 'yong bikini ko!"

Lahat kami ay nagsi-tayuan na at niligpit ang mga kalat. Ang mga upos ng sigarilyo ay tinago naming mabuti sa ilalim ng lupa.

We're still inside the school premises, sa may tagong parte, sa likod ng assembly hall. Tambakan na lang naman ito ng mga sirang kagamitan kaya walang masyadong pumupunta rito, maliban na lamang kung may mga nagr-rounds na student council.

Owen's cousin is the president, kaya wala ring magsisita sa amin. He knows our activities in this specific part of the school.

Dahil Biyernes, wala nang klase sa hapon pagkatapos ng lunch. Ang mga Senior High ay pupuntahan ang mga pre-school hanggang Grade 3 at magtuturo. Ang iba ay lalabas ng eskwelahan at doon gagawa ng community service. Ang mga Grade 4 hanggang Grade 6 ay magtatanim. Ang mga Grade 7 hanggang Grade 10 ay maglilinis ng school.

Kami ng mga kaibigan ko, naglista kami na gagawa ng community service outside school. Minsan ay tumutulong kaming magtanim sa kabilang bayan, minsan ay tumutulong sa pangingisda at pagbebenta sa palengke, minsan ay tumutulong sa paglilinis ng Coast Point o namamasukan bilang waiter or waitress sa mga kainan.

Sabay-sabay kami ng mga kaibigan kong umuwi. Ang usapan ay lahat sila, magkikita-kita sa bahay ni Bea at sabay-sabay na pupunta. Kikitain ko na lang sila sa Beach and Sands na mismo dahil magpapaalam pa ako kay papa.

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant