Chapter 14

1K 18 0
                                    

CHAPTER 14


"A-Aakyat na po ako..." sabi ko at hindi na hinayaang magsalita pa siya.

He switched the lights off in the living room and heard him go up. Pumasok na ako sa kwarto ko at naupo sa dulo ng kama, inalala ang mga nangyari kani-kanina lang.

Does that mean, pumapayag siyang magustuhan ko siya? Bakit? Gusto rin ba niya ako? Imposible, pero I am considering that thought. Pero bakit nga kasi?

Naghilamos na lang ako ng mukha ko at nagtoothbrush bago sumampa sa kama. Pinatay ko ang mga ilaw at binuksan ang lampshade sa may study desk. Itinaas ko ang kumot hanggang sa leeg ko at sinubukang pumikit.

Kinagat ko ang ibabang labi at napatayo ulit. Naka-pamaywang akong naglakad-lakad sa kuwarto, sinusubukang pagurin ang sarili ko at baka sakaling makatulog na ako.

I can't deny that I'm falling for Apollo! Grabe, ngayon ko lang naramdaman 'to sa buong 17 years of existence ko! Oo, minsan ay kinikilig, pero hindi ganitong kalala. This is... so much more. It's inevitable, and if I resist, ako lang din ang mahuhulog pa lalo.

Umilaw ang cellphone ko sa bedside table kaya naupo na ulit ako sa kama at tiningnan 'yon.

Apollo:
Are you asleep?

Napatakip ako sa bibig ko at dumapa sa kama. I shouted on the pillow and I probably looked like a worm being salted. Hindi ko alam kung ilang segundo ang itinagal noon bago ako kumalma at umayos ng upo.

I checked my load balance and saw that I only have a peso. Nalungkot naman ako.

Ako:
Hindi pa po. Last load ko na po 'to. Goodnight!

Niyakap ko ang unan ko at pumikit. Sayang! Sana pala nagpa-load na ako! Malay ko ba kasing magiging textmate pa pala kami ni Apollo? I shrieked on the pillow again and imagined his smile.

Oh, Apollo... napaka-dream boy mo.

Maya-maya lang ay tumunog nang dalawang beses ang cellphone ko. I turned to the bedside table and looked at the notification.

Unknown Number:
You just have received P1000 worth of load.

One thousand pesos?!

Pang-kalahating taon ko na 'to, ah?

Apollo:
Did you receive the load?

Agad akong nagreply.

Ako:
Opo! Pero bakit P1000?

Apollo:
Sabi mo wala ka nang load.

Ako:
Oo nga po pero P1000 talaga? Ang galante talaga ni Engineer! Salamat po!

Apollo:
Alright.

Napanguso ako habang binabalik-balikan ang messages namin simula pa kaninang lunch. Syempre, in-unli ko muna 'yong load ko at baka masayang.

Alice:
Tawag ka naman! Hahaha! Pag-usapan natin 'yang engineer mo!

Dahil excited din akong magkwento, tinawagan ko na si Alice.

"Alice!" kinikilig kong bati.

"Girl! Tiba-tiba ka r'yan sa crush mo, ah! May pa-libreng bahay na kayo, may masasarap pang pagkain araw-araw, hatid-sundo ka sa school, at may isang libong pisong load pa! Sugar daddy siya, 'te?"

"Huy!" Malanding tawa ang ginawa ko. "Feeling ko talaga crush din ako nito!"

"Gaga! Sige, assume pa! Pero... baka?" Tumili siya sa kabilang linya.

Because of that, I had hope. Posible naman sigurong magkatuluyan ang mayaman at mahirap?

"Alice! Na-wrong send pa ako kay Apollo kanina! 'Yong message ko tungkol sa delikado ang puso ko sa kanya!" Kwento ko.

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon