Chapter 35

992 10 1
                                    

Chapter 35


Tahimik lang kami sa sasakyan, ni hindi ko siya magawang tingnan. But I can sense him glancing at me. Hindi rin ako mapakali dahil sa amoy na nangingibabaw sa sasakyan. This is the exact scent I loved smelling from years before. Sa tuwing nakakasama ko siya, ito lang din ang naaamoy ko pero parang 'di pa ako nasanay.

Malapit na kami sa condominium ko kaya tiningnan ko na ang metro at naglabas ng pera.

"Adley..." tawag niya habang pinapanood akong kumuha ng pera.

"Apollo, we talked about this."

Tumaas ang kilay niya at hindi niya na yata naitago ang ngiti. Hanggang sa tumigil na ang sasakyan at nagbayad na ako. Hinintay naming ibigay sa akin ang sukli bago siya lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you sa paghatid sa akin," ani ko sa kanya nang nahihiya pa rin dahil naalala ko na naman ang pag-amin niya kanina.

"It's nothing," he said.

I gave him a faint smile. "Ihahanap muna kita ng taxi bago ako umakyat. Pa-thank you na lang din sa paghatid mo sa akin."

Umiling siya. "Gusto kong ihatid ka na rin hanggang sa unit mo, just to make sure you're home safe."

"Apollo, kaya ko naman. Walang mangyayaring masama sa akin." I insisted.

"Still," pagkontra niya. "Please?" Lumapit pa siya lalo sa akin at hinawakan ang hinliliit ng kanang kamay ko.

Pagkababa ko ng tingin sa kamay namin, umambon na.

"Hindi na. Baka maabutan ka pa ng malakas na ulan, mahirap na. Wala ka pa namang payong na dala."

"It's okay I can manage-"

He was cut off by the sudden pouring of the rain. Hinila niya agad ako papasok ng condominium para makasilong.

"Ayan, umulan na tuloy!" Sabi ko at pinunasan ang gilid ng mukha ko. "Pasensya na."

Kinuha niya ang panyo sa bulsa at siya na ang nagpahid ng basa sa mukha ko pati sa braso at kamay ko.

"Halika na at nang makapagbihis ka na. Baka matuyuan ka pa."

Wala na akong nagawa nang hilahin niya na ako papunta sa elevator na saktong kabubukas lang din at may dalawang matandang babaeng lumabas.

Sa elevator, I stayed close to him. Hawak pa rin kasi niya ang kamay ko. Hindi na ako nag-abala pang sabihan siya tungkol doon dahil gusto ko rin naman.

Gusto ko sanang sabihing hindi niya siguro namamalayang hawak pa rin niya ang kamay ko ngunit humigpit ang hawak niya dahil inayos niya ang kamay niya sa kamay ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan ko ang magkasalikop naming mga palad. I looked up at him and he looked back at me.

Happy memories from before flashed on my mind. Lahat ng mga tawanan, asaran, at kahit mga landian namin, naalala ko. Klarong-klaro pa rin sa isip ko ang mga 'yon. Natatabunan na nga noon ang mga masasakit na pangyayari sa nakaraan namin.

I guess he can also feel the tension between us. Binitawan niya ang kamay ko para humawak sa baywang ko. Mula sa mata niya, bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

The elevator dinged and it opened. I cleared my throat and smiled a bit at him before walking out of the elevator. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin.

Naglakad na ako papunta sa pintuan ng unit at nang buksan ko 'yon ay inaya ko na rin siyang pumasok. Without hesitations, he went in after me. Siya na rin ang nagsara ng pinto.

Pinaupo ko siya sa sofa and asked him, "gusto mo ng maiinom?"

"Just water, please?" he answered.

I went to the kitchen to get us water. I got two glasses for us. Dinala ko 'yon sa kanya at umupo rin sa sofa na katabi ng inuupuan niya.

Drifted to Survive (Isla Julieta Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon