CHAPTER 2

1.2K 85 12
                                    

Chapter 2
Stack

The beaming lights from my window—that's the first thing that welcomes me every time I woke up from bed. But today, it wasn't there. Upon opening my eyes, I found my body laying in a huge bed.

Radzyn

Dumikit ang kuko ko sa labing namumutla bago pinasadahan ng tingin ang buong kwarto na parang bulwagan sa laki. I am in his room. Inside. The temperature of my body drop as I gaze around.

Ang taas ng ceiling at ang dilim dito, makapal kasi ang kurtinang nakasabit kaya't kakaiba ang atmosira. At ang amoy na nanunuot sa ilong ko, Radzyn, 'yon agad ang pumasok sa isip ko. Parang katabi ko parin siya dahil doon. Parang yakap yakap at ayaw bitawan.

Napako sandali ang atensyon ko sa katawan, 'di kaya? Pag-angat sa kumot ay 'yon pa din naman ang suot ko. Walang nagbago kundi ang sapatos kong pakalat kalat dahil hinagis nalang ata ni Radzyn pagkatanggal.

Nothing happen. What was I even worrying?

Nang masiguradong wala namang mangyayareng masama pag gumalaw, kusa akong bumaba sa kama, halos manliit ako pagtapak sa carpet dahil ang lalaki ng mga gamit niya na pinapalibutan ako. Panlalake ang pagkaka-customized ng kabuuan, at halatang grande kahit pa simple. Ngunit bukod doon, ang gulo ng mga gamit niya. Ang roba niya nga ay nakasampay lang sa couch. Inalis ko doon ang tingin bago may maisip na iba.

Huminga muna ako ng malalim nang mapagawi sa naka-bukas na pintuan ng CR. Is he...? No. Matapos malamang walang tao doon ay agad akong nakampante.

Mukhang umalis siya, naalibdbaran lang ako dahil... hindi ko sukat akalaing magigising nalang ako isang umaga sa loob ng kwarto niya. I didn't dream of waking in here, so it's kinda eerie knowing I had a glimpse of his room. At 'di ko lubos akalaing 'di lang pala buhay niya ang magulo, pati ang kwarto.

Hindi na ako naglilikot ng tingin sa nakapalibot na parangal niya na pakalat kalat, o kahit ang koleksyon ng mga pabango. Ang tanging 'di ko nakita sa kwarto niya ay mga gintong palamuti 'di tulad sa kwarto ni Owinis.

Ayokong madatnan niya pa ako dito. Habang mas lumilinaw ang pangyayare kagabi ganoon din kalinaw ang tibok ng puso ko. And I know when it reacts this way.

Bad news. Radzyn only brings bad news.

Mali ang nanyare kagabi, nalasing lang ako. Isang katangahan kumbaga, hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon. Pagkatali ng sapatos tumayo na ako, ngunit 'di inaasahan mula sa lamesa kalapit ng bintana. May nakita akong picture frame. Kinalabit ang puso ko dahil pamilyar ang tatlong batang nandoon. So he has a copy, huh? The green eyed head moderator, blue eyed Queen and two-color-eyed Prince. Pinagbawalan ko ang sarili na pagtuunan 'yon ng pansin.

Desididong iwasan si Radzyn, lumabas na ako. Para lang mapatigil ulit dahil sa nakita kong pangalan sa lamesa. He left a note. Inabot ko ito.

Psst, ganda. Kumain ka agad. :3
-Sweet Radzyn

Ilang segundo ko 'yong tinitigan at pinoroseso bago lukutin na may blankong itsura. Pagsuksok sa bulsa saka ko tinungo ang pintuan. May nagtulak saakin na sulyapan ang loob bago isara. Ang mahinang tibok.

Balang araw... makakalaya din ako sa pagkakahulog sa'yo. Pangako.

Sa tuluyang pagharap sa labas, akala ko matatahimik na ako para mapag-isa. Subalit, dalawang usher ang nag-iintay saakin. Na para bang inasahan na dito ako lalabas.

"Victoreigna Fierdon, please come with us." Matagal akong nakatitig hanggang sa tumungo sila. "This is an invitation from King Owinis. Please proceed silently."

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now