CHAPTER 13

1.1K 91 89
                                    

Chapter 13
Another Wall

May kalesang nag-iintay saamin. Binalingan ko ang mga kasamahang walang imik mula nang mangyare ang gera. Lalake kaya't tila ordinaryo ang ekspresyon. Ngunit kitang kita ko pa din ang pagliwanag ng kapaligiran dahil sa mga bomba at balang hinanda ng palasyo para saamin.

Higit sa lahat... ang itim na panyong nasa kamay ko. Kanina — na kay Gregorio lamang ito. Ito nalang ang natira sakan'ya, naiwan siya doon. Ang unang ngiti niya ang naging huling memorya ko ng gabing 'yon.

May isa nanamang namaalam.

Binuklat ko ang palad. Ang mga pinagsasabi niya, ano iyon? Kakaisip, pakiramdam ko mababaliw na ako. May para bang kamay ang bumabalot sa puso ko at pinipiga 'yon.

Pandora... he had mentioned it. Hindi ako maaaring magkamali.

For damn sake. Why can't they give me a clear message?

Pandora... nasaan nga ba? Ano nga ba kasi? Magtatlong taon na, bakit nandito parin ako sa kawalan? I shut my eyes, memory rush in. Pandora — that man said that it's the answer to my craving.

"You would want to cover that up." Sa pagsulpot ni Wendell, dali-dali kong tinakpan ang braso. Sumama ang timpla ko dahil tila ba kanina niya pa ito sinusuri. Tinanggap ko ang inabot niyang coat.

"Don't ever look at it again," magaspang kong sagot. It's only for our clan, this infinity sign. I don't even talk about it. It's giving me unwanted annoyance. Tumaas ang pareho niyang kilay, dahan dahang nagkibit balikat.

"Looks cool though," he chuckle low while guiding his eyes slowy away from me. He curled his lips. "I kinda want too."

I didn't take his marks seriously. Mas mahalagang maitago ko ito. Umalis ako sa pagkakasandal sa karwahe at nagtungo sa kabila para hubarin ang jacket at ito ang ipalit. No one should have saw it from the beginning. Pagtapos ng pag-ayos, 'di ko maiwasang titigan ang nasa harapan namin.

Nandito kami ngayon sa tapat ng entrance papasok sa Gredorma. Malaki at matayog ang pader at higanteng gate, kung saan pili lamang ang nakakapasok at nakakalabas upang masiguradong alam ng bawat isa kung saang bayan sila nararapat. Babalik kaming Gredorma — kung saan ako lumaki. 'Yon ang susunod na misyon.

Mapalad na madali kaming nakatakas sa mata ng sundalo ni Tier. Bago pa nila malibot ang Peta at mahuli, lilikas na kami. Madaling araw na ngayon, sisikat ang araw ilang minuto pa.

Iniisip ko palang kung anong nangyare sa ibang Black Spade mula nang ipadala ni Radzyn ang mensahe niya gamit ng mutant eagle — heto at may naririnig akong ingay sa kinatatayuan kanina.

Tahimik akong nagmasid mula sa gilid, hindi sigurado sa dapat sabihin o iharap. Piniga ko nalang ang panyong hawak.

"What exactly happen?" Inulan ng pangamba ang tinig nila Cozmo na sinabayan pa ng iba. May dala silang kaunting gamit at nagmamadali, si Frida ang naggabay sa grupo patungo dito.

"Tier almost had us," si Wendell na walang paligoy ligoy. "And they could locate us sooner if we don't proceed."

"S-Si Tier?! P-Paano?"

"No time for that," the sentence from Radzyn shut their mumbling. Pantay ang eskpresyon niya at nag-uutos. "Get up in the carriage, we're heading to Gredorma before the sun rises."

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now