CHAPTER 16

907 75 88
                                    

Chapter 16
Down Town Chances

VIRA

There is no more higher hell than those fleeting days.

Every moon and sun that passes seems like a persecution for me. Pinaparusahan ako araw-araw. Tuwing aahon ako sa pagkakatulog, mag-aayos at saka lalabas... palala nang palala ang mundong ginagalawan ko.

Three days had passed. 9 lives have been taken away. Tatlo sa bawat bayan ng Carzuela. At walang palya akong nanonood ng nagaganap na balota tuwing umaga sa may sentro. San Jose, Julian at Apostol; ang sunod sunod na angkan na napili.

Alam kong masasaktan lang din ako, subalit nanatili pa din. Sinundan ko ang mga bulto nila at pinanood mula sa malayo ang pagpili sa kung sino ang iaalay sa palasyo. Minsan bata... karaniwan matanda na mismo ang nagpaparaya.

What broke me was that they kept silent and follow the orders. They've accepted the defeat without second thoughts.

Tatlog araw narin mula nang mabuo ang alyansa sa sentro, laging may rally sa harapan ng munisipyo. May mga plaka silang bitbit at winawagayway sa ere. Pangalan ko ang laman noon.

Gredorma wants me dead. I am the pest of this society. These people turned their back at their stupid goddess.

Sa pagdapit ng gabi hindi mapakali ang sugat sugat kong pintig ng puso habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin ng banyo. Punong puno na ito ng lamat, ako din ang may kagagawan kahapon lamang. Sumalok ako ng tubig at pinanghilamos habang nakatungkod ang palad sa sink.

Another glimpse of their silent goodbye haunted me.

Tatlong araw at tatlong babae ang nagmumulto saaking isipan. My bruise is no longer healing, this is the point where no one can save me anymore. Mabibigat na paghinga ang namayani sa banyo habang nakasandal ako sa pader at tinitiningala ang pader.

Look where you put me, Owinis.

He's doubtless so happy by now while sipping tea with the Queen. Sobrang layo sa dinaranas namin. Sa pagdurusang nadadama ko. Sa madilim, nakakapanlumo at nakakabahalang buhay na tinatamasa namin. Na lagi kaming takot dahil... baka nandyan na sila.

Lumabas ako sa banyo at muling umupo sa sulok mg kwarto. Tinanggal ko ang pagkakatitig sa kama ni Kuya. Inabot ko ang notebook at sinimulan ang paghahalughog ng mga sinulat ko kanina. Ilang gabi na akong napupuyat sa paggugol ng panahon sa pag-aaral ng mga napapansin ko sa sentro.

Wala ni isa doon ang malapit sa DR o Hans Ulysses na aming hinahanap. Noong pribado kaming nag-usap nila Radzyn para pagmunihan ang nire-report ng mga kagrupo sa buong paligid ng Gredorma, wala kaming mahanap na eksaktong lokasyon o lead.

Malapit narin naming masuyod ang buong sentro ni Quillon, wala paring lumilitaw na malinaw saaming palad. Lahat ang lalayo sa usapin. Madali naming nalalaman ang mga pribadong bagay kada-tindahan dahil narin sa abilidad ni Quillon. Subalit 'yon ang mas kinakabahala ko.

Paano pag naubos na naming lubutin ang buong Gredorma at sa dulo ay wala kaming mapala? Ano nang mangyayare?

Pressure is on top of my head.

And by tomorrow...

"I think I'm getting some of it," kagat-kagat ni Wendell ang ballpen niya nang mag-meeting kami kanina. Kaunting ayos lang sa storage room naging swak na 'yon para maging ipunan ng ebidensya namin. Anim kaming nasa loob, Radzyn, Quillon, Wendell, Forester, ako at si Frida na siyang taga-tala ng minutes of the meeting.

Kahit hindi ganoon kaliwanag ang ilaw sapat na 'yon. May white board sa harapan ng maliit na lamesa, nakapaskil doon ang mapa at may kung ano-ano linya na nagkokonekta sa tuldok, detective board kumbaga. Madami-dami narin ang sulat sa gilid na piniling gamitin ni Radzyn dahil mukhang ay koneksyon daw.

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now