CHAPTER 12

968 80 40
                                    

Chapter 12
The Guns

I could feel it. The pressure in my lungs.

Mula nang marinig ko 'yon sa mismong bibig ni Zen lumabas, nagbago ang buong sistema ko. Maybe it's the natural response once the truth made you feel devastated. Seems like a punishment, honestly. A substance you can't escape. Even so, at the same time, you're the one who put yourself into it.

A sickness stack in your chest. It's dragging me, but Zenaida's eyes kept penetrating into me. Hindi ako pakawalan ng mga daing niya. Ng konsensya. Bawat isa naalala ko.

Mabuti at okyupada lahat ng nasa bahay kaya't walang nakapansin ng paglaho ko. Maaga akong nagtungo sa lumang hardin nila Frida.

Madumi dito, halos bahain ng tuyong dahon. Ginapang ng mga ligaw na halaman ang statue ng anghel, kahit ang fountain na tuyong tuyo. The crippling noise is eerie. As if haunted. It suited my ambience.

I trained alone.

Sa bawat hampas ng punyal sa hangin — "Gumawa ka naman ng mabuti." Natisod ako. Huminga ng malalim. Sinubukan ulit. Ngayon, inunat ko ang mga kasu-kasuan. Ang titig ay nasa malayo. May pinulot akong bulok na mansanas na pakalat-kalat.

Nilunok ko ang pangangalabog ng dibdib. Hinagis ko ang mansanas sa ere, binuksan ang venom at madaliang pinakawalan ang punyal para tamaan ang prutas —  "Di mo man lang ba kami naiisip, kahit sandali lang, Vira?"

Everything... veto has fallen out of my rhyme. Pilit ko na ngang sinesentro ang atensyon sa ibang bagay. Subalit iba talaga ang tama ng mga binitawan niya.

I'm so... fucked up.

Umupo ako sa fountain. Nagpatangay sandali sa ihip ng hangin. "Isa kang Fierdon... bakit 'di ko naisip?"

Inikot ko ang kamay para tignan ang palad. Sinarado ko ito, may kumirot sa loob na agad kong pinagtakpan. Wala akong karapatan, pilit kong paalala. Ako ang may kasalanan. At wala nang mababago sa isip ko. Nakamarka na 'yon doon.

Tumingala ako. Pagmulat ng mata, ang nagkulay kahel na araw ang bumungad. Tila naging obra ang paligid. Binasa ko ang labi. Iritasyon. Where do I get all this audicity? To sit still?

Naalala ko ang oras kaya't tumayo na. Mamaya, may dapat kaming matapos. May magagawa lang akong mabuti kung mapipiga namin si Gregorio ukol sa DR na 'yon.

Pagpihit, hindi ko inasahang may babati saaking bulto. Literal na tumigil ang paghinga ko, hindi ko 'yon inasahan. Nang masigurang walang alarma, kumawala ako ng hangin.

"Training?" Napatiim ako ng labi sa tanong ni Quillon. Magaan ang tono niya, para bang kakagising lang. Mababaw din ang mata at may kaguluhan ang buhok. Nakatingin siya sa punyal na nagkalat.

"Oo. Ikaw?"

"Doing Sleeping Beauty."

Wala akong reaksyon. Maikling ismid. Habang nakahalukipkip siya, tinipon ko ang mga patalimpara ibalik saaking tagiliran. Nakamasid naman ito sa araw, nang lumingon ako, sabay kaming napatingin sa isa't isa.

Ako ang unang bumali para bumalik sa ginagawa. "Aalis tayo ng ala sais, diba?"

Narinig kong humuni ito sa katamaran. "Di ako nakinig."

Shit. Can he at least make me feel lighter? Umirap ako sa kawalan. Pinagpag ko ang bawat kamay at nagsimula nang pumasok sa loob. Sumunod siya saakin ng nakapamulsa.

I remember the other night at the bar. "What exactly did you saw inside the room?" I pertained to where the drug was coming.

"Ah, addicts. Illegal money?" Nagkibit balikat ito. "Then Eury." Alam na pala niya simula noon pa na malapit saamin ang babae.

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now